Chapter 8

7.9K 160 0
                                    

Kyla's POV

"Jema!!" Sabay naming sigaw ni Ate Jia at agad tinulak palayo si Fhen kay Jema.

"Anong ginagawa mo dito?" Malamig kong sabi.

"Tss. Kinukuha kung ano yung akin." Nakangisi niyang sagot.

"Kailan pa naging sayo si Jema? Matagal na siyang wala sayo at kasalanan mo kung bakit nangyari yun!" Sabay duro ko sa kanya.

"Di pa tayo tapos." At naglakad na siya palabas ng CR.

"Hindi pa talaga bwisit ka!" Sigaw ko.

"Okay ka lang Jema?" Nag-aalalang tanong ko sa kanya at tumango lang ito.

"Sinaktan ka ba niya?" Tanong din ni Ate Jia.

"Hindi. Buti na lang dumating kayo. Kung wala kayo, di ko na alam kung anong mangyayari." Halos maiyak niyang sabi.

"Hindi maganda ang pakiramdam ko simula nung humiwalay ka samin ni Ate Ji kaya sinundan ka namin at tama ang hinala ko." I explained.

"May pakiusap sana ako sa inyo." Jema.

"Ano yun?" Sabay naming tanong ni Ate Ji.

"Wag niyo munang sabihin kay Deanna ang nangyari. Hayaan niyong ako na lang magsabi sa kanya sa ibang araw lalo na't may laban pa sila bukas. Ayoko siyang mag-alala baka hindi pa siya makapag-focus sa laban nila." Sagot naman niya.

"Sige. Tara magtake out na lang tayo ng food at sa dorm na lang kumain." Aya ni Ate Jia at lumabas na kami ng CR.

Buti na lang talaga walang tao doon. Habang naglalakad kami may mga iilang nagpapapicture samin. Pagkatapos naming magtake out ng food, naglakad na kami papunta sa parking lot nang biglang magsalita si Ate Jia.

"Daan tayo sa pizza parlor. Nagpapabili sina Aly." Sabi niya at tumango kami.

"Ate Ji, ako na magda-drive." Jema insisted.

"No Jema ako na. Magpahinga ka na lang dyan." Sagot niya kaya nakasimangot siyang pumasok sa kotse.

"Hahaha mukha kang pato Jema." Asar ko sa kanya.

"Tse!" Sabay irap niya sakin.

___________________________

Jema's POV

Kahit papaano, gumaan na ang pakiramdam ko. 7 pm na kami nakauwi ng dorm.

"Thank you Jia!" Masayang sabi ni Ate Ly.

"May bayad yan Aly noh. Hahaha!" Sagot naman ni Ate Ji kaya napapout na lang si Ate Ly.

Nagtawanan naman sila at inayos ang mga dala naming pagkain.

"Oh Jema, kumain ka na at magpahinga. Wag mo na munang isipin yung nangyari kanina." Bulong sakin ni Kyla at nagsimula na kaming kumain.

A VolleyLife With You Where stories live. Discover now