Chapter 13

6.8K 134 0
                                    

Jema's POV

Pagkaalis ni Deanna agad na dumadaldal itong bruha kong kapatid.

"Ate! Hindi mo naman sinabing girlfriend mo ang nag-iisang Deanna Wong." Dakdak niya.

"Mafe tumahimik ka muna pwede? Nakakairita yang bunganga mo." Pagtataray ko.

"Ate naman ehhh. Sa susunod ayain mo siyang pumunta ng mall ah. Syempre kasama ako pati si Kuya Cy. Akala ko nung una masungit at cold siya sa ibang tao kasi yun ang nakikita ko pag nasa loob siya ng court e pero sobrang saya niyang kasama at kalog. Nakikiride siya sa kabaliwan ko HAHAHA!" Halos hindi na makahinga kakatawa si Mafe dahil sa sinabi niya. Umiiling naman akong umupo sa couch at tumabi kay Cy na tumatawa rin.

"Buti alam mong nababaliw ka na." Sabi ko sabay irap.

"Ano kayang nakita nun sayo? Hindi kaya ginayuma mo? Sobra yang kasungitan mo e HAHAHA!" Pang-aasar pa sakin ni Cy.

"Kaibigan ba kita Cy? Ikaw Mafe kapatid ba kita ha? Bakit parang mas kumakampi pa kayo sa batang yun. Sige dun na kayo. Magsilayas nga kayo!" Pagtataboy ko sa kanila at tumayo pero pinigilan ako ni Mafe.

"Ito namang si Ate hindi mabiro. Alam mo namang mahal na mahal kita e. Yieee!" Sabay tusok niya sa tagiliran ko.

"Ano ba! Tigilan mo ako Maria Fe."

"Wow ha kailangan pa talaga buong pangalan ko?" Pagmamaktol niya at umupo sa tabi ni Cy na parang bata.

"HAHAHA okay lang yan bunso. Hindi ka pa nasanay sa Ate mo na parang araw-araw ay meron dahil sa kasungitan niya." Natatawang sabi pa ni Cy.

"Nakakainis talaga kayong dalawa! Arghhh! Matulog kayo dyan sa guest room. Wag kayong maarte dahil malinis yan." Padabog akong pumasok sa kwarto ko at nahiga.

*Beep*

Kinuha ko ang cellphone ko at tinignan kung sino ang nagtext. Napangiti naman ako ng makita ang pangalan ng bebe ko.

Ang harot! - Bakit ba! Manahimik ka na lang self.

From: D💙
Just got home. Wag magpupuyat B ha. May training pa kayo tomorrow. Sunduin kita after niyo okay? Take a rest na bb. Good night and I love you po!😚

Ang sweet talaga ng bb ko.

To: D💙
Ikaw din po. Good night and I love you more!

I replied. Pinatay ko na yung phone ko at natulog.

___________________________

"Jema, lakasan mo pa ang palo mo." Utos sakin ni Coach Tai at agad ko naman itong sinunod.

Puspusang training na naman ang ginagawa namin dahil malapit na ang PVL Open Conference. Mababawasan tuloy ang quality time ko with my baby. Huhuhu sadlyp.

"Gather here girls." Tawag samin ni Coach. "You all know naman na malapit na ang Open Conference right? So magkakaroon tayo ng training camp next month but I won't tell you muna kung saan para mas makafocus kayo sa training natin. Dismiss." He added. Yung iba naghiyawan, ang iba naman nalungkot at isa na ako doon dahil ilang weeks or months kaming hindi magkakasama ni Deanna pero okay lang kasi para rin naman samin ang training camp na yun. Mas maiimprove yung skills namin and like Coach Tai said para makapagfocus kami sa training.

"Jema! Bakit ka tulala dyan?" Gulat sakin ng kung sino kaya napalingon ako.

"Ate Jia naman. Papatayin mo ba ako sa gulat?"

"Sorry HAHAH. Ang lalim naman ata ng iniisip mo dyan ah. Baka naman." Sabi nito at naupo sa tabi ko.

"Eh kasi ilang araw or linggo kaming hindi magkikita kapag nasa training camp tayo." I said in a sad tone.

"Kailangan niyong tiisin yun Jema. Dun mo rin matetest na kahit gaano kayo kalayo sa isa't isa alam mong ikaw pa rin ang mahal niya." Sagot niya.

"For sure Ate Ji kukunin nila yung mga cellphones natin so it means mawawalan din kami ng communication."

"Maiintindihan ni baby D yun. Pinakaimportante sa isang relationship ang trust okay? Kaya magshower ka na dyan at papunta na yun dito para sunduin ka." Sabi nito at tumayo pero pinigilan ko siya.

"Hindi muna ako matutulog sa dorm ah. Nasa apartment ko kasi yung kapatid ko at wala siyang kasama dun."

"Sige Jems sabihan ko si Aly basta wag kang male-late sa training bukas ha." She smiled.

"Thank you!" At nagshower na ako.

Pagkalabas ko, naabutan ko si Deanna na nakasandal sa kotse niya kaya agad ko siyang nilapitan at niyakap.

"Hi bb. Naghintay ka ba ng matagal?" Tanong ko sa kanya at kumalas sa pagkakayakap.

"Hindi naman B. Tara hatid na kita sa dorm niyo." Kinuha niya yung duffle bag ko.

"Ah B, sa apartment mo na lang ako ihatid. Dun na muna ako tutuloy dahil walang kasama si Mafe." Sabi ko sa kanya.

"Hmm okay." Pinagbuksan niya ako ng pintuan at pumasok naman ako. Nagdrive na siya papunta sa apartment.

Nagsalita muna si Deans bago ako bumaba ng kotse. "Uhm B, I will not be able to pick you up this coming days kasi maraming projects ang pinapagawa samin." Nakayukong sabi niya. Hinawakan ko naman ang kamay niya at iniangat ang kanyang ulo.

"It's okay B. Text or call na lang tayo ha?" Napangiti naman siya sa sinabi ko.

"Okay B. So see you na lang sa awarding huh. I love you." Sagot niya.

"I love you too B. Ingat sa pagmamaneho."

"I will." Hinalikan niya ako sa noo at bumaba na ako ng kotse. Pagkaalis niya, aba nakaabang itong chismosa kong kapatid.

"Sweet." Nakakaasar niyang sabi.

"Wag mo akong simulan Mafe. Pumasok na tayo sa loob." At hinatak ko siya. "Kumain ka na ba?" Tanong ko dito at umupo sa couch.

"Oo Ate nagluto ako." Masayang sabi niya.

"Wag mo akong pinagloloko dyan. Kailan ka pa natutong magluto aber?" Taas kilay kong tanong.

"Habang nasa Laguna nagpaturo ako kay Mama. Matagal ka na kasing hindi umuuwi kaya hindi mo alam." Napairap na lang ako sa sinagot niya at pumasok sa kwarto ko. I did my night routine muna at kumain. Pagkatapos ay nahiga na ako sa aking kama at agad na nakatulog dala na rin siguro ng sobrang pagod.

A VolleyLife With You Where stories live. Discover now