Chapter 21

5.8K 131 6
                                    

Someone's POV

"Tanga ka ba?! Pano kung napatay mo siya? Ako malilintikan sa ginagawa mo!" Sigaw niya sakin pero nginisihan ko lang siya.

"Dapat nga mamatay na siya para hindi na siya bumalik."

"Argh!" Napasabunot na lang siya sa kanyang sarili at hinarap ako. "Claim your prize. Ako na bahala kay Deanna."

Tumango naman ako bago lumabas.

___________________________

Dean's POV

Nandito kami ngayon sa isang private room kasama ang pamilya ko. Nagising na si Deanna nung isang araw and nagpapahinga siya ngayon. She can't really remember us. It's breaking my heart seeing my daughter in this kind of situation.

Patuloy pa rin akong sinisisi ng asawa ko sa nangyaring aksidente kay Deanna. She's right naman.

"If she have an amnesia, she will not be able to play. Kailangan muna natin siyang tulungang makaalala." Cy said. Napaisip naman ako sa sinabi niya.

"Call her teammates. Tell them na pumunta dito. ASAP. Sabihin mo I'll be the one who will pay all their expenses papunta dito and tell them na wag muna nilang sabihin kay Jema ang tungkol dito." Seryosong utos ko na agad naman niyang sinunod. Kinuha niya yung cellphone niya at may dinial.

"Maddie, pumunta daw kayo dito sa Cebu sabi ni Dad."

"....."

"Naaksidente si Deanna." Naiiyak na sabi ni Achi.

"....."

"Don't tell anyone muna. Sa mga teammates niyo lang sabihin at sa coaching staff. Wag niyo muna daw sabihin kay Jema ang tungkol dito. Si Dad na raw ang bahala kumausap sa kanila."

"....."

"Yeah. Si Dad na ang bahala sa inyo. Mag-iingat kayo." At binaba niya na ang kanyang cellphone. "Okay na Dad."

"Thank you." Tumingin naman ako kay Nicole na seryosong nakatingin sa babaeng nakahiga. "Ditch, booked them a flight."

"Ok." Emotionless niyang sabi.

"Achi, give me your phone." Maawtoridad kong sabi at binigay niya naman. "Do you have Jia's number?"

"Yeah." Sagot niya. Hinanap ko naman ang number ni Jia at dinial.

Dialing Jia...

OTP

"Uhm Jia?" Bungad ko sa kanya.

"Tito Dean?"

"Yes ako nga. Where are you?"

"Nandito na po sa dorm. Bakit po?"

"Ikaw lang ba ang mag-isa dyan?" Tanong ko sa kanya.

"Opo Tito."

"I have something to tell you pero sana, satin satin lang muna ha. Listen to me first."

"Of course Tito. You can trust me."

"Okay. Deanna had an accident last week. May hindi kami pagkakaintindihan and alam kong nasaktan siya. Good news is buhay siya pero...." I took a deep breath. "....may amnesia siya."

"B-buti naman at b-buhay siya. K-kamusta na po siya?" Alam kong naiiyak siya dahil naririnig ko ang paghikbi niya.

"Don't worry. She's fine. Nagpapahinga siya ngayon."

A VolleyLife With You Where stories live. Discover now