Chapter 34

5.4K 113 1
                                    

Deanna's POV

*Fast Forward*

Ilang days na lang start na ng Season 82. Nakakamatay at puspusang training na naman. Nandito kami ngayon sa dorm at walang magawa. Wala naman atang training sila Jema ngayon. Ayain ko kakayang magmall?

Umakyat muna ako sa kwarto at dinial yung number ni Jema.

Dialing bb...

OTP

"Napatawag ka?" Tanong niya agad.

"Yan talaga agad sinabi mo bb? Wala man lang bang 'hi'or 'hello'?"

"Oh hi bb. Okay na? Bakit ka nga napatawag?" Meron ata to. Ang sungit e.

"Saan ka?"

"A-ah sa d-dorm." Nauutal niyang sagot.

"Hahaha bakit ka nauutal bb?"

"Hindi noh. Bakit mo natanong kung nasaan ako?"

"Wala kasi akong magawa dito e. Mall tayo bb. Sunduin kita dyan."

"Wag!" Pasigaw niyang sagot.

"Ouch! Wag kang sumigaw. Ang sakit sa tenga."

"Sorry. Yayain mo na lang mga ka-teammates mo. Uhm may paalis kasi ako. Kasama ko si Kring."

"Ah okay. Sige ingat na lang kayo bb."

"Kayo rin." Agad niyang binaba yung call. Problema nun?

Pumasok na lang ako sa ce ay nagshower. I just wore white sweater, black shorts, and white shoes. Pagkababa ko, naabutan ko silang nanonood sa sala.

"May lakad ka?" Tanong sakin ni Ate Bea nang makita niya ako.

"Yayain ko sana kayong mag-mall." Kamot-batok kong sagot.

"Lilibre mo kami?" Nakangiting tanong ni Ponggay.

"Asa ka Pongs. KKB tayo. Wala pang allowance." Napasimangot naman siya dahil sa sinagot ko.

"Sige tara. Nakakabagot kasi dito sa dorm. Sumama yung gusto sumama basta KKB ha. Shower na!" Sabi ni Ate Mads at nagsitayuan na sila.

After 123456789 years, joke! Natapos din sila. Sumabay sa car ko sina Pongs, Dani, Jules, at yung dalawang rookies na sina Jaycel and Yumi. Sa car naman ni Ate Bei sina Ate Maddie, Ate Kat, Ate Kim, at yung isang rookie na si Faith. May mga naiwan din sa dorm kasi may gagawin pa daw sila.

.....

"Punta tayong timezone." Aya samin ni Ate Bei nang makarating kami sa Ayala Malls.

"Sige." Pagsang-ayon namin.

Naglakad kami papunta sa timezone. May mga fans muna na nagpapicture at pinagbigyan namin dahil hindi naman kami nagmamadali. Pagkarating namin sa timezone, sumayawa sila Ate Bei, Ate Mads at Ate Kat dahil pinilit namin sila HAHAHA!

After nun, nagvideoke pa sila. Ayaw kong kumanta dahil nahihiya ako. Pero sadyang mapilit sila.

"Dali na Deanssss!" - Ponggay.

"Oo nga. Ang tagal na nung last ka naming narinig kumanta." Sabi naman ni Dani habang niyuyugyog pa ako.

"Kailan yun?" Tanong ni Jaycel.

"HAHAHA nung nasa palawan kami." Natatawang sagot ni Ate Bea.

"Anong meron dun?" Tanong ni Yumi.

A VolleyLife With You Where stories live. Discover now