Chapter 15

6.6K 132 0
                                    

Jema's POV

Ilang araw na ang nakalipas simula nung naaward ang bb ko bilang best setter ng season 80. Nag-arcade, shopping at syempre kumain kami sa Ayala Malls. Nandito ako ngayon sa apartment ko kasama ang pangit kong kapatid HAHAH charot. One week kaming walang training kasi next week na yung training camp namin. Itong si Mafe naman, next week na lilipat ng dorm. Wala kaming magawa ngayon....

*Ring ring ring*

Mama Calling...

OTP

"Oh Ma napatawag po kayo?"

"Jema anak, kailan kayo uuwi dito ng kapatid mo? Miss na miss na namin kayo ng Papa mo." Malungkot niyang sabi. Oo nga pala, matagal-tagal na akong hindi nakakauwi samin. Eh kung bukas na kaya? Tutal 4 days pa akong free.

"Bukas Ma uuwi kami dyan dahol miss ko na rin kayo."

"Salamat naman anak. Nga pala, isama mo daw yung girlfriend mo dito dahil gusto namin siyang makilala."

"Naku Ma busy yung taong yung pero susubukan ko siyang kulitin heheh."

"Sya sige magkita na lang tayo bukas ha. Mag-iingat kayo lagi dyan at mahal na mahal namin kayo ng Papa nyo."

"We love you too Ma and Pa." Pinatay ko na yung tawag at agad na hinarap si Mafe na nanonood ng TV.

"Pangs, uuwi tayo ng Laguna bukas. Wala ka namang training dba?" Napalingon naman siya sakin dahil sa sinabi ko.

"Wala naman Ate. Biglaan naman ata?" Nakakunot-noo niyang tanong.

"Namiss na raw kasi nila tayo hahaha. Ayusin mo na yung gamit mo at tatawagan ko muna si Deanna." Sabi ko sabay kuha ng cellphone ko.

"Bakit naman?"

"Pinapasama siya nila Mama."

"Woah cool! Meeting the Galanzas. Bet ko yan." Natatawang sabi niya. Nakuu kung hindi ko lang ito kapatid, matagal ko nang pinalayas to.

"Mag-ayos ka na lang dyan Marie Fe." Tinulak ko siya papasok ng guest room. Agad ko namang dinial ang number ni Deanna.

Dialing D💙...

Hindi naman ako naghintay ng matagal dahil agad niya itong sinagot.

OTP

"Hi B! Bakit ka napatawag?"

"Uhmm may kailangan ka bang gawin sa mga susunod na araw bb?" Nahihiyang tanong ko sa kanya habang hinihimas ang batok ko.

"Oh yes B! Hindi nga namin alam kung anong pwede gawin e. Why po?" Naexcite naman ako dahil sa sinagot niya.

"Sumama ka samin ni Mafe dahil uuwi kami sa Laguna kasama ka."

"What? Seryoso ka bb? Bakit kailangan kasama ako?" Kinakabahan siyaaa..

"HAHAHAH! Wag kang kabahan bb. Sila Mama at Papa na mismo ang nagsabi na isama ka."

"Magugustuhan kaya nila ako?"

"Oo naman B. Ikaw pa!"

"Sus bola hahaha. Sige I'll pack my things up na ah. Sino nga pala ang magd-drive satin papuntang Laguna? Hindi ko alam yung daan papunta dun hehe." Ang cute talaga ng bebe ko...

"Sabihan ko na lang si Cy. So okay na B ah? Wala nang atrasan."

"Sure B. Car ko na lang gamitin natin bukas. Pakisabi na lang kay Lodicakes. Anong oras pala ako pupunta dyan?"

"8 am bb hehe para makarating tayo agad dun before lunch. Panigurado magugustuhan mo ang luto ni Mama."

"Sige sige! I'll hung up na ha. See you tomorrow and I love you bb!"

"I love you too." Binaba na niya yung tawag. Dumiretso naman ako sa kwarto ko at nag-ayos ng mga damit.

"Ang seryoso mo naman dyan sissy!"Sigaw sakin ni Mafe na na nakatayo pala sa pintuan ng kwarto ko.

"Ano ba Pangs wag mo akong sigawan! Hindi naman ako bingi!" Sigaw ko rin sa kanya.

"Wag mo rin akong sigawan Ate." Mahinahon niyang sabi atsaka lumapit. "Oh ano pumayag si Ate Deans?"

"Oo kaya pwede lumayas ka sa kwarto ko dahil ayoko na maingay." Pagsusungit ko sa kanya at nagpatuloy sa aking ginagawa.

"Sungit ah. Buti naman at pumayag yun."

"Wala naman daw kasi silang gagawin. Nga pala tawag mo si Cy, pakisabi sa kanya na ipagdrive nya tayo papunta sa Laguna dahil hindi naman alam ni Deanns ang papunta doon." Binigay ko sa kanya yung cellphone ko pero tinitigan niya lang ito.

"Ang hina mo talaga Ate. Pwede namang ikaw na lang ang magdrive dba?" Oo nga noh. Bakit hindi ko naisip yun? Ang tanga mo talaga Jema.

"Oo na! Tatapusin ko lang ito at magluluto na ako ng pananghalian natin." Sumunod naman siya at lumabas.

Pagkatapos kong mag-ayos, tinext ko muna si Deanna.

To: D💙
Ako na lang ang magd-drive papuntang Laguna bb. Nakakahiya naman kay Cy kung iistorbohin pa natin siya.

*Beep*

From: D💙
Copy madame hahaha. Kain muna kami bb ha. Kain na rin kayo!

To: D💙
Magluluto muna ako bb tapos kakain na rin po. Byee.

Binaba ko na yung cellphone ko at lumabas ng kwarto. Naabutan ko si Mafe na nanonood pa rin kaya naiiling akong pumunta sa kusina at nagluto.

A VolleyLife With You Where stories live. Discover now