Chapter 41

5.6K 115 1
                                    

Deanna's POV

Pagkaalis nila Ate Mads, agad kong hinarap si Jema at inilahad yung mga flowers and foods.

"Para saan yan?" Tanong niya habang nakatingin sa mga hawak ko.

"Peace offering bb. Forgive me na please. I'm sorry kung wala akong nagawa nung kiniss niya ako. Don't worry, I'm going to talk to her na lang." Sagot ko pero nanatili lang siyang nakatitig sa mga hawak ko.

"Wag na." Walang gana niyang sabi.

"B-bakit?" I nervously asked.

"Deanna pagod na ako. Ayoko na." Para akong binagsakan ng langit at lupa dahil sa sinagot niya. Babagsak na yung mga luha ko anytime but I need to be strong kaya pinigilan kong maiyak.

"W-what? Wag naman ganito bb." Pagmamakaawa ko.

"Mali. Hindi ganun ang ibig kong sabihin. Just give me more time to think Deanna." Hindi ko siya gets.

"Wag na natin patagalin yung away na toh bb. Hindi ko kakayaning hindi ka makasama or makausap man lang for how many days if I'm going to give me more time."

"Pero yun yung kailangan ko! Oo alam kong nagsinungaling na ako sayo noon pero hindi naman siguro sapat na reason yun para hayaan mo yung ibang babae na halikan ka!" Halos mapapikit ako dahil sa pagsigaw niya.

"Ganun ba ang iniisip mo Jessica? It's not like that! Kitang-kita mo naman how she kissed me. Wala akong kaalam-alam. Kahit sino matutulala na lang kapag may gumawa ng ganun." Pati ako napapasigaw na.

"Bahala ka!" Yun ang last words na narinig ko bago siya pumasok sa loob ng dorm.

"Kainis!!!" Sigaw ko habang sinasabunutan ang sarili. Kinuha ko yung mga binili naming flowers and foods at itinapon na lang.

Bagsak balikat naman akong naglakad papunta sa car.

"What happened? Okay na kayo?" Ate Bea asked when I entered the car.

"No. She wants me to give her more time to think. Edi binigay ko." I emotionless replied.

"Okay lang sayo yun Wongskie?" Tanong ni Ponggay. Tumingin ako sa kanya at ngumiti.

"Ano pa nga bang magagawa ko? It's my fault haha. I let that Ysa kiss me. Wala akong ginawa kaya dapat sakin toh." Pilit akong tumawa at tumingin na lang sa labas.

"Don't blame yourself Deanna. Hayaan mo na lang siya." Ate Jho replied. Hindi na ako nagsalita hanggang sa makarating sa dorm.

"Kumusta lakad? Kain na." Tanong at alok ni Dani pero hindi ko siya pinansin. Dire-diretso akong pumasok sa kwarto at padapang nahiga.

"Deans, kumain ka muna." Boses ni Ate Mads ang narinig ko. Hindi ako umimik.

"Deanna did you hear me?" She asked in a serious tone. She really know how to scare me. Hays.

"Yes Ate Mads. Susunod na lang ako." Walang gana kong sagot pero nanatili lang akong nakadapa.

"Tatayo ka o tatayo ka?"

"Ito na nga Ate." Padabog akong tumayo sa kama at sinundan siyang bumaba.

Hindi ko alam kung anong nangyari sa mga toh bakit tahimik lang silang kumain hanggang sa matapos kami. Naalala ko nga palang ako ang maghuhugas ng mga plato ngayon. Pumunta ako agad sa sink at nilapitan si Jaycel na naghuhugas.

"Jayce, ako na lang ang magtutuloy sa mga yan." Sabi ko sa kanya.

"It's okay Ate Deans." Tumingin siya sakin at ngumiti.

A VolleyLife With You Where stories live. Discover now