Chapter 38

6K 112 0
                                    

Deanna's POV

"GASTONNN!!" I shouted. Napaupo siya at agad niya akong binato ng unan.

"Ano ba Wongskie! Bakit mo ba ako sinisigawan?!" Inis na tanong niya. Umupo naman ako sa tabi niya.

"May training pa po kasi tayo madam." Sarcastic kong sabi.

"Alam ko! Alis na!" Sagot niya habang tinutulak ako.

"Oo na! Buti nga ginigising ka pa e." Lumabas na ako ng kwarto at nakisaling kumain kina Ate Mads.

"Oh nasaan na si Ponggay?" Tanong ni Ate Bea. Umupo ako sa tabi niya.

"Di ko alam. Pinaalis ako e." Nakapout kong sagot.

"Ano ba kasing ginawa mo?" Sumubo muna ako ako sinagot yung tanong ni Ate Kat.

"Narinig kong sinigawan niya si Ate Pongs hahahah!!" Natatawang sabi ni Jaycel kaya natawa na rin kami.

"Baliw ka pala Deans e hahaha! Buti nga sayo." Nasimangot na naman ako sa sinabi ni Dani.

"Hoy Wong!" Napatingin kaming lahat kay Ponggay na kakababa lang.

"Bakit?" Taas-kilay kong tanong.

"Kainis ka." Sabay irap.

"Hephephep. Tama na yan. Kumain ka na dito Ponggay para makaalis na tayo." Utos ni Ate Mads kaya dali-daling umupo sa tabi niya si Pongs at nagsimulang kumain.

After that, we headed papuntang BEG. As usual, wala pang tao.

"Magwarm up na tayo para pagkadating nila Coach, drills agad, okay?" Sabi ni Ate kaya binaba na namin yung gym bag at nagstart na magwarm up.

.....

"Taasan mo pa ang set mo Deanna!" Coach O shouted. Ginawa ko naman yung sinabi niya. "Very good. 5 minutes water break girls!"

Napahiga naman ako agad sa floor sa sobrang pagod.

"Kaya pa Ate Deans?" Tanong ni Jaycel sakin at binigyan ako ng water.

"Hahah oo naman. Ikaw ba?" Tanong ko rin sa kanya at uminom.

"Kaya pa naman po. Uhm Ate Deans, may sasabihin sana ako." Kamot-batok niyang sabi.

"Ano naman yun?" Nakaupo pa rin kami sa floor.

"G-gusto ko po si Y-yumi." Nauutal niyang sagot.

"Hahaha alam ko." Alam ko naman talagang may gusto siya kay Yumi. Yung tingin niya pa lang kapag nakikita niya si Yumi ibang-iba na e.

"Paano mo nalaman Ate Deans?" Kunot-noong tanong niya.

"Makikita mo kasi yan sa mata. Iba rin ang saya na nakikita ko sayo kapag kasama mo siya." Nakangiting sagot ko at inakbayan siya.

"Hoy Wong! Pinagpapalit mo na si Galanza?" Nakacross arms na tanong ni Ate Bea.

"Nako Ate Bei tumahimik ka." Natatawang sagot ko.

"Ang seryoso ng mga mukha niyo kanina ah. Ano bang pinag-uusapan niyo?" Tumabi siya kay Jaycel. So bali nasa gitna namin siya ni Bea.

Sinabi ko naman yung sinabi sakin ni Jaycel kanina.

"Alam mo Jayce, wag kang torpe. Baka magaya ka sakin." Malungkot na saad ni Ate Bea.

"Okay naman kayo ni Ate Maddie ah." - Jaycel.

"Nako Jayce, ikekwento ko na lang sayo mamaya dahil babalik na naman tayo sa training haha." Sabi ko at saktong pumito sa Coach O.

A VolleyLife With You Where stories live. Discover now