Chapter 45

6.2K 125 8
                                    

Jema's POV

"Jema ipasyal niyo muna saglit ni Mafe si Deanna. Mamamalengke lang kami ng Mama mo." Sabi ni Papa nang makalabas kami sa simbahan. Kakatapos lang naming magsimba at malapit na ring magtanghalian.

"Sige po Pa. Magtext na lang po kayo kung saan tayo magkikita." Pagkasabi ko niyan ay umalis na sila ni Mama.

"Saan mo gusto pumunta?" Tanong ko kay Deanna.

"Seryoso ka Ate? Siya pa talaga ang tinanong mo samantalang wala siyang alam sa mga lugar dito." Sabay irap sakin ni Mafe. May point naman siya pero grabe siya magsalita huh!

"Baka lang naman may gusto siyang puntahan." Inis kong sagot sa kanya. "Tara na nga."

Dinala ko sila dito sa may park. Buti na lang at hindi naman ganun kainit.

"Bb, ano yun?" Tanong ni Deanna sabay turo sa mga stalls ng nga nagfifishball.

"Gusto mo itry?" I asked. Tumango naman siya kaya pumunta kami doon.

"Kuya, fishball at kwek kwek nga po." Sabi agad ni Mafe nang makalapit kami. Binutukan ko siya.

"Patay gutom ka talaga." I said.

"Gutom na ako! Bakit ba?" Taas kilay niyang tanong pero hindi ko na siya pinansin. Hinarap ko si Manong.

"Kuya, fishball, kwek kwek atsaka chickenball nga po." Sabi ko dito.

"Ang dami Ate ha. Ikaw ata ang patay gutom satin. Hahah!" Natatawa niyang wika.

"Hindi lang para sakin toh noh. Share kami ni Deanna." Sabay kapit ko sa braso niya.

"Clingy ka ngayon bb. Hahah." Sabi nito.

"Edi wow Wong." Yan lang ang nasabi ko. Pagkatapos maluto ng mga fishball, agad ko yun nilagay sa dalawang plastic cup at nilagyan ng sauce.

"Try this bb. Say 'ahh'." Sinubo naman ni Deanna yung fishball. "Masarap?"

"Yeah. Akin na lang toh ah." Kinuha niya agad yung isa pang plastic cup na may lamang chickenball at fishball.

"Ehem." Singit ni Mafe. Sinamaan ko lang siya ng tingin.

"Ngayon ka lang ba nakatikim nito?" Tanong ko kay Deanna habang naglalakad dito sa park.

"Yes bb. Mom never allowed us to go outside when we are young pa e." Nakangusong sagot niya. Nagpapacute na naman siya!

"At least ngayon natikman mo na." Nakangiti kong sabi.

"Thank you Jessica." Napatigil ako at hinarap siya.

"Para saan?" I asked.

"Nasusubukan at nagagawa ko yung mga bagay na hindi ko nagawa nung bata ako." She smiled at me.

"Ano ka ba. Wala yun bb." Sagot ko. Inakbayan naman niya ako.

"PDA pa." Pagpaparinig ni Mafe.

"KJ ka Maria Fe." Napasimangot siya sa sinabi ko.

"Wala kasi siyang ganito bb. Hahahah!" Asar ni Deanna na lalo pang nagpasimangot sa kanya.

"Soon!" Maikling sagot nito.

"Hoy! Anong soon? Nako Mafe kapag talaga nalaman kong may boyfriend ka na, malilintikan ka sakin." Sabay duro ko sa kanya.

"Joke lang naman Ate heheh." Sagot niya at nagpatuloy kami sa paglalakad pero may nakabangga sakin. Buti na lang at akbay-akbay ako ni Deanna, kung hindi, baka natumba na ako.

A VolleyLife With You Where stories live. Discover now