Chapter 9

8.1K 168 7
                                    

Deanna's POV

After we loss the game yesterday, kanya-kanya silang comfort. Wala kaming nagawa kundi tanggapin na lang na hindi kami nanalo. My family alsa called me last night, still they congratulate me and cheered me up.

"Wongskie, may lakad ka later?" Tanong sakin ni Ponggay habang naonood ng TV.

Nandito kami ngayon sa dorm and syempre we don't have training anymore. Magt-training na lang kami ulit months before the next season. We don't have class din ngayon and na cancel daw but tomorrow meron na.

"Yes. Lalabas kami ni Jessica. Nakapagpaalam na rin ako kay Ate Mads. Why?" I asked her.

"Wala lang. Nagpapatulong kasi samin si Ate Jho na mag-ayos ng gamit niya." Sagot naman niya at tumango lang ako.

Ate Jho will be leaving tomorrow because she's not going to use her last playing year next season. Umakyat muna ako at tumungo sa aming kwarto. I took my phone and texted Jema.

To Jema:
Did you already eat your lunch? What time matatapos training niyo?

It's already 11:53 so I think they're having lunch na. Ate Maddie and Ate Kat are still cooking for our lunch and syempre taga kain lang kami. Hehehe.

*Beep*

From Jema:
Katatapos lang namin kumain. 1 - 3 pm lang po training namin dahil aalis daw si Coach Tai.

To: Jema
Okay. See you later. 😉

"Deans! Let's eat!" Sigaw ni Ponggay sakin na nasa pintuan.

"Please don't shout at me! I'm not deaf." Tinawanan lang niya ako at umalis.

Inoff ko na yung phone ko at sumunod sa kanya.

.....

Nandito ako ngayon sa dorm ng creamline para sunduin si Jema.

*Tok tok tok*

Bumukas ang door at si Ate Ly ang bumungad sakin.

"Hi Ate Ly! Si Jema po?" I asked.

"Nasa loob. Tara pasok ka." Alok nito pero agad akong tumanggi.

"Hintayin ko na lang po siya dito Ate." Sagot ko dito.

"Osya sige, tawagin ko lang siya." Pumasok siya sa loob. After a minute, agad ding lumabas si Jema. Why so gorgeous?!

"Hey, kanina ka pa?" She asked.

"Hindi naman hehe. So saan tayo?" Tanong ko.

"Gusto mo sa apartment ko na lang tayo magstay?"

"Okay lang ba?" I asked again.

"Oo naman. Tara na. Ako na lang ang magda-drive." Hinila niya ako papasok sa car ko at siya nga ang nagmaneho. After a few minutes, nakarating din kami sa apartment niya. Nauna siyang pumasok at sumunod naman ako.

"Chill ka lang muna dyan. Hanap ka ng movie na gusto mong panoorin. Magluluto lang ako." Dumiretso naman siya sa kitchen samantalang umupo naman ako sa couch.

Ilang oras ang nakalipas, may naamoy akong mabango kaya pumunta ako sa kusina at tinignan ang niluto niya.

"Wow! Pasta!" Masayang sabi ko.

A VolleyLife With You Where stories live. Discover now