Chapter 42

6K 125 5
                                    

Jema's POV

"Jema! May tumatawag sayo." Sigaw ni Ate Ly habang hawak yung phone ko. Tumigil naman ako sa paglalaro at nilapitan siya. Kasalukuyan kaming nagte-traing ngayon.

"Sino yan Ate Ly?" Kinuha ko yung phone ko at tinignan yung caller.

Bb Calling...

"Sagutin mo na baka importante." Sabi ni Ate Ly. Sinagot ko naman.

OTP

"J-jema..." Boses ni Ponggay toh ah.

"Ponggay? Bakit ka napatawag at hawak mo ang cellphone ni Deanna?" Tanong ko.

"N-nandito kami sa hospital. N-nahimatay na naman siya at nandito k-kami sa St. Lukes. Sobrang t-aas ng lagnat niya." Naiiyak niyang sagot.

"Anong room number niya?"

"Room 315." She replied.

"Papunta na ako." Agad kong binaba yung tawag at lumapit kay Ate Ly. "Ate, pupunta lang po akong hospital."

"Ha? Bakit? Anong nangyari?" Tarantang tanong niya.

"Si Deanna nahimatay daw. Sobrang taas din daw ng lagnat niya." Nagulat siya sa sinagot ko.

"Sasama ako." Kinuha niya yung gym bag. Hindi na ako nakapagpalit ng tshirt dahil sa pagmamadali kaya pinatungan ko na lang ng bagong shirt.

"Saan kayo pupunta?" Napalingon kami at nakita si Ate Jia.

"Basta. Sumama ka na lang." Hinatak na ni Ate Ly si Ate Jia papunta sa kotse. Sumunod na lang ako sa kanila. Nagdrive si Ate Ly papunta sa St. Luke's Hospital.

Binuksan ko agad yung pintuan ng Room 315 at bumungad samin ang mga Lady Eagles. Napatingin silang lahat samin pero ang babaeng mahimbing na natutulog ang tinignan ko. Nilapita ko siya at niyakap.

"Bb, I'm sorry. Nalaman ko nang dare lang yun." Umiiyak na ako.

"Nabasa siya ng ulan kahapong pinuntahan ka niya sa apartment mo. She just acted normal na parang walang iniindang sakit." Sabi ni Maddie kaya natigilan at napatingin ako sa kanya. "Hindi mo man lang siya pinapasok kaya ayan." Dugtong niya.

"Mapapatay ko yung Ysa na yun kapag nakita ko siya." Inis na wika naman ni Ponggay na umaacting pa na parang makikipagsuntukan.

"Shut up Pongs. Ang ingay mo." Napatingin kaming lahat sa nagsalita at nang makita ko siyang gising. Naiyak na naman ako.

"Shhhh. Don't cry bb. I'm fine." Sabi niya habang pinupunasan ang mga luha ko.

"Ikaw naman kasi! Wala ka kasing ginawa." Pagmamaktol ko at hinampas siya ng mahina.

"Ano ba naman yan bb. May sakit na nga ako, nanghahampas ka pa." Natawa naman yung mga teammates niya. "So bati na tayo?"

"Hindi pa." Napanguso siya sa sinagot ko. "Magpagaling ka muna."

"Jessica naman ehhh." - Deanna.

"Patawarin mo na yan Jema baka sa susunod, magpakamatay na yan kapag hindi mo pinansin. HAHAH!" Bea chuckles.

"Grabe Ate Bei ha." - Deanna.

"Oo nga Jema. Patawarin mo na para naman makalibre kami ulit ng lunch. HAHAH!" Natawa na naman sila ulit sa sinabi ni Ponggay.

A VolleyLife With You Where stories live. Discover now