Mission #18

1.2K 63 11
                                    

Mark Kieffer Montilla

"Sure ka bang sasama ka ulit sa akin sa klase?" tanong ko kay Baron na nakangiti at tahimik na sumusunod sa akin.

"Oo naman, mukhang puwede naman akong sumama sa 'yo 'di ba? At isa pa as soon as possible magiging magkaklase rin naman tayo," nakangiti nitong saad.

Hindi ko na lang sinundan pa ang sinabi niya, dahil nasa tapat na kami ng classroom. Halos sabay kaming pumasok sa loob, at nakapagtataka na wala pa ang iba kong kaklase pati ang susunod naming subject teacher.

"Wala pang tao. Buti na lang wala pa yong kaibigan mo, masosolo kita," pilyong sabi ni Baron.

Napatingin naman ako nang seryoso sa kaniya, dahil sa sinabi nito.

"Anong ibig mong sabihing masosolo mo ako?" curious kong tanong.
Nakita ko naman ang bahagyang pagkamot nito sa kaniyang batok.

"A-ano kasi, puro na lang tayo pag-aaral kanina, hindi man lang tayo nakakapag-usap about sa sarili natin or personal life," sabi nito.

Tumango-tango na lang ako sa sinabi niya. Hindi na kami nakapag-usap pa ni Baron, dahil isa-isang nagsidatingan ang mga classmates ko. Kasabay noon ang pagpasok ni Maam Kamilleang teacher namin sa Research.

Pero ang ipinagtataka ko ay bakit wala pa rin si Reed. Hindi ba siya pumasok ngayon? Pero maya-maya pa ay biglang bumukas ang pintuan at niluwa noon ang pawis na pawis na si Reed.
Saan kaya ito galing?

"Sorry Maam, I'm late," paghingi nito ng paumanhin.

"Okay lang, sit down," Maam Kamille said.

Agad namang naglakad si Reed papunta sa upuan niya. Tinitingnan ko lang siya sa mata, pero nag-iiwas ito ng tingin.

Buong klase ay si Baron lang ang kausap ko, sinusubukan ko kasing kausapin si Reed, pero ngiti lang ang isinusukli nito sa akin.

Hanggang sa mag-uwian ay si Baron pa rin ang kasabay ko.

"Grabe, sobrang nakakapagod ngayong araw," sabi nito sabay nang kaniyang pag-iinat sa kaniyang katawan.

"Ang sabi ko naman kasi sa 'yo na huwag ka nang sumama sa akin pagkatapos ng tutoring," saad ko habang naglalakad sa pasilyo.

"Ano rin bang sabi ko sa 'yo? Sinabing okay lang sa akin basta kasama kita." Nagulat ako dahil bigla nitong hinawakan ang kamay ko.

"Please, pumayag ka na," saad nito. Binawi ko ang kamay ko sa kaniya kasi naiilang ako.

"Oo na may magagawa pa ba ako." I took a deep breath at nagsimula na ulit maglakad.

"Gusto mo ba ng ice cream, dali libre ko," nakangiti nitong tanong.

"Hindi na, maybe next time na lang. Medyo pagod na ako at gusto kong magpahinga na lang," saad ko. Pero ang totoo ay gusto kong makita ngayon si Reed, gusto ko siyang makausap ngayon.

"Ay, sayang naman. Sige, okay lang basta next time, ha," saad nito.

Nasa gate na kami ng school nang magpaalam ito habang ako ay naiwan dito sa tapat. Wala pa akong balak umuwi, gusto ko munang mapag-isa at mag-isip-isip.

Nagsimula na akong maglakad sa kung saan-saan nang biglang may babaeng bumangga sa akin. Nalaglag tuloy yong mga dala kong libro.

"Sorry miss, hindi ko sinasadya," saad ko.

"Okay lang, hindi mo kasalanan. Ako ang hindi tumitingin sa daan, sabi nito sabay abot sa akin ng libro kong nalaglag.

I look at her face at parang napakapamilyar niya sa akin.

Addicted To You |BxB| (Published Under TBC Publications)Où les histoires vivent. Découvrez maintenant