Mission #19

1.3K 62 12
                                    

Mark Kieffer Montilla

Nabulabog ang tulog ko dahil sa iilang mahihinang katok. Pero sapat na yon para magising ako sa mahimbing kong pagkakatulog.

Sino kaya yong bwisit na yon, ang aga-aga pa eh.

Dali-dali na akong bumangon sa kama dahil hindi ito tumitigil.

Pagbukas ko ng pintuan ay laking gulat ko dahil hindi ko inaasahan na si Baron pala ang sasalubong sa akin.

"Hi, good morning, Mark!" bati nito.
Hindi pa rin ako kumikilos sa kinatatayuan ko dahil sa pagkabigla.

"Teka, anong ginagawa mo dito?" sabi ko imbes na batiin din siya.

"Sinusundo ka, gusto ko sana na sabay tayong pumasok ngayong umaga," he said with a big smile on his face.

Nagpunas ako ng mata baka kasi nanaginip pa ako. Pero kinurot kurot ko na ang sarili ko si Baron nga talaga ang nasa harapan ko ngayon.

"Paano mo nalaman kung saan ako nakatira?" taka kong tanong.

"May nakapagsabi lang sa akin na dito ka umuuwi," saad nito. "Nga pala may dala akong lomi, baka kasi hindi ka pa nagbre-breakfast," he said. Sabay taas ng dala niyang paper bag.

Pinapasok ko na siya sa loob dahil baka makita pa siya ni Reed. Pinaupo ko muna ito sa sofa at ako naman ay nagpunta sa kusina upang maghilamos at mag-toothbrush.

Nang matapos ako ay kumuha ako ng dalawang tasa at kutsara at nagtungo na ulit sa sala.

Umupo ako sa tabi nito at ako na ang nagsalin ng dala-dala niyang lomi.

"Anong naisipan mo at gusto mo akong makasabay sa pagpasok?" tanong ko para naman may ma-topic kami. May 1 hour pa naman para mag-usap kami.

"Wala trip ko lang masama bang sunduin ka?" sabi nito.

"Hindi naman," saad ko sabay abot sa kaniya ng isang tasa ng lomi. "Salamat nga pala dito ah," dagdag ko pa.

"Wala yon, by the way gusto ko nga palang araw-araw na kitang susunduin." Bigla akong nabulunan dahil sa sinabi niya. Dali-dali akong nagpunta sa kusina upang uminom ng tubig.

Nang maka-recover ako ay agad na akong bumalik sa sofa.

"Okay ka lang ba?" may pag-aalala sa boses nito.

Tumango-tango na lang ako bilang tugon.

"Baron, kahit na huwag mo na akong sunduin araw-araw. Hindi naman na kailangan at saka malapit lang ang apartment ko sa school, palakad nga lang ako kung pumasok at umuwi eh," mahaba kong litanya.

"Pero gusto kong kasabay ka."

Bakit ganoon siya makitungo sa akin parang may kakaiba?

"Naku Baron, huwag na masyado nang nakakahiya. At matatapos na naman ang tutoring ko sa 'yo ilang days na lang tapos na tayo," saad ko.

"Tapos na tayo?" biglang namutawi sa bibig niya.

"Oo, tapos na tayo!" saad ko.

"You mean, hindi na tayo magkikita?" nahimigan ko ang lungkot sa boses nito.

Natawa naman ako dahil para siyang bata.

"Hindi, I mean, malapit nang matapos ang pagtuturo ko sa 'yo, pero don't worry magkaibigan naman tayo plus classmates pa di ba!" saad ko,  bigla naman umaliwalas ang mukha nito.

"Masaya akong nakilala kita Mark," bigla naman akong natigilan sa sinabi nito.

"Masaya rin naman akong nakilala kita Baron," I said.

Addicted To You |BxB| (Published Under TBC Publications)Where stories live. Discover now