Mission #3

2.1K 112 16
                                    

Mark Kieffer Montilla

“Okay, class thats all for today, let's continue our lesson tomorrow.”

Pagkalabas na pagkalabas pa lang ng teacher namin sa last subject sa Business Finance na si Mr. Castilio ay dali-dali kong inayos ang gamit ko at nagmadaling lumabas ng room. Hindi ko alintana ang mga estudyanteng nakaharang sa daan dahil halos patakbo akong naglalakad papunta sa school garden kung saan kami magkikita ni Chinny.

Pagkarating na pagkarating ko doon ay nandoon na si Chinny na may subo-subong lollipop. Agad akong lumapit sa kaniya at umupo sa kaniyang tabi.

“So, anong plano natin?” pambungad na tanong ko. Iniluwa niya muna ang lollipop na kain-kain niya at tinapon ito sa kung saan.

Kagandang babae salaula naman.

“May nasagap akong balita mula sa dati kong kaibigan sa pagfa-fangirl kay Reed na magdi-date sila ngayon ng babae niya sa may Blind Dates Bar na malapit dito sa school mamayang 6:00 PM,” mahabang litanya ni Chinny.

“So, pupunta tayo doon?” tanong ko sa kaniya.

“Malamang girl, kung gusto mo talagang mabawi ang kaibigan mong si Reed  sumunod ka na lang,” saad niya, tumango-tango na lang ako at nakinig pa sa mga sasabihin niya.

“So, anong gagawin natin para masira ang date nila?”

Medyo nakaka excite itong gagawin namin pero hindi ko rin maiwasan na hindi kabahan dahil baka malaman ito ni Reed at itakwil na niya ako bilang kaibigan niya. OA much!

“Mamayang 5:00 PM magkita tayo sa coffee shop na malapit dito, doon natin hihintayin ang pagpatak ng 6:00 PM. Kasi madalas ay dumadaan si Reed sa coffee shop na iyon para bumili ng kape,” mahaba niyang kuwento na pinagtaka ko naman.

“Teka, hindi mahilig magkape si Reed, para kanino yong kape na binibili niya?” nagtataka kong tanong.

“I don't know, girl, pero sa pagkakaalam ko ay may pinagbibigyan siya noon,” sagot ni Chinny.

“Okay, paano natin guguluhin yong date?” tanong ko.

Sandali siyang nag-isip samantalang ako ay naghihintay sa sagot niya.

“I have a bright idea!” she said then smirked.

“What kind of idea ba yan?” bored kong sabi.

“Sa mga araw na ito kailangan nating maging artista!” nakangising sagot nito at mataman ko naman siyang tinitigan.

“Seryoso, artista?” tanong ko and she nodded.

“Yes. Pagkarating ni Reed mamaya sa coffee shop kung saan tayo magkikita, kailangan nating magpanggap na mag-jowa.”

Gusto ko mang masuka sa sinabi niya pero hinayaan ko lang siya na magpaliwanag.

“We need to pretend na may relasyon tayong dalawa tapos gagawa tayo ng eksena doon sa loob ng coffee shop,” pagpapatuloy niya.

“Anong klaseng eksena naman, puwedeng yong matino naman baka hindi ko kayanin yong gagawin natin!”
may halong pandidiri na sabi ko. Laking gulat ko naman nang batukan ako ni Chinny.

“What?”

“Gusto mo ba talagang mabawi ang kaibigan mo o mag-iinarte ka diyang baklita ka?” naasar niyang sabi.

“Gusto, malamang!” ngumuso ako.

“So, sumunod ka na lang sa flow ng gagawin natin,okay? Huwag ka nang mag-inarte diyan,” saad niya.

“Okay, fine, para kay Reed naman itong gagawin ko.”

Natapos na kami sa pag-uusap ni Chinny at agad na akong umuwi. Pagkarating ko sa apartment ay agad kong hinalungkat ang closet ko. Agad akong naghanap ng damit na masusuot ko. According to Chinny, kailangan kong magsuot ng panlalaking damit. Buti na lang mayroon ako dito.

Addicted To You |BxB| (Published Under TBC Publications)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon