Mission #7

1.5K 91 12
                                    

Mark Kieffer Montilla

Maaga akong pumasok sa school dahil halos dalawang araw akong umabsent sa klase. Mabuti na lamang ay wala pa ang first subject teacher namin, ang sungit pa naman niyon. Umupo na ako sa aking upuan at inayos ang aking sarili.

Buti na lamang ay hindi ako na-late sa klase, medyo nagkaaberya kasi sa apartment kanina dahil nawalan ng tubig. Buti na lamang ay saglit lamang na nawalan kung hindi ay hindi na naman ako makakapasok ngayon.
Si Reed kaya pumasok?

"Good morning class, I'm Ms. Rochelle, teacher ninyo sa P.E!" Nakapagtataka na hindi pumasok ang first subject namin. Kinuha ko ang class schedule ko sa aking bag at tiningnan ito.

"So, huwebes ngayon at puro P.E subject lang kami maghapon, okay  na rin siguro muna ito," bulong ko sa aking sarili.

"First, we need to change our uniform, pumunta kayo sa mga lockers ninyo at magpalit kayo ng swimming attire." Halos manlaki ang mata ko sa sinabi ni Ms. Rochelle.

Dahan-dahan kong inangat ang kamay ko at sandali naman ako nitong tinapunan ng tingin.

"Yes, may problema ba?" She looked at me na parang may gagawin akong masama. "May tanong ka?" she asked.

"Yes, Maam since I'm a new student I have no swimming attire already," saad ko. Hindi ko naman kasi alam na may ganitong activity sa subject ng P.E. Sa probinsya kasi namin kapag P.E time namin ay puro zumba at kung ano-ano pang uri ng pagsasayaw ang ginagawa.

"Wait, puwede ka naman siguro manghiram saglit muna di ba?" Sandali itong napaisip at tinitigan isa-isa ang mga classmates ko.

"Sinong may extra dito pang-swimming attire?" Laking gulat ko na halos lahat ng babae ay nakataas ang kamay at nakangiting parang aso na nakatingin sa akin.

"Oh! Halos lahat ng classmate mong girls ay magpapahiram sa iyo, mamili ka na lang diyan kung kanino ka manghihiram," Ma’am Rochelle said.

Tiningnan ko sila isa-isa pero isa lang ang nakapukaw ng aking pansin. Yong babaeng nakaupo sa pinakadulo, tulala itong nakatingin sa bintana na animoy walang pakialam sa nangyayari sa paligid niya.

"Siya! Yong babae sa dulo," sabay turo sa babae na nakatulala pa rin.

"Hoy, Janice Bermejo, ikaw ang napili," kalabit sa kaniya noong babae sa unahan.

"Ha?"

"Hakdog!"

"Anong hakdog?"

"Baliw ka, tulaley ka na naman. Ikaw ang napili ni Mr. Pogi pahiramin mo siya ng pang-swimming attire mo," narinig kong sabi noong babae, dahan-dahan naman na tumingin sa akin yong babaeng napili ko. She has an angelic face and have a perfect nose, lips at mga pilik mata.

"Sige na boys and girls go to your respective locker rooms then pumunta na kayo sa pool area, dahil may makakasabay kayong ibang strand,"
saad ni Maam Rochelle.

Agad namang nagsikilos ang mga classmates ko. Lumapit naman ako doon sa babaeng magpapahiram sa akin ng damit.

"So tara na?" she said, tumango-tango na lang ako bilang tugon.

Nasa locker na nila kami, nasa labas lang ako dahil puro babae ang nasa loob. Maya-maya pa ay lumabas na rin ito sabay abot sa akin ng paper bag.

"Salamat." Ngumiti lamang ito at umalis na ako upang magbihis, pagpasok ko sa locker room ng boys ay wala nang tao. Agad na akong naghubad upang magbihis.

"Ang weird, bakit pare-parehas ang pang-swimming attire nila dito para sa lalaki at babae?" Pag-angat ko ng damit ay long sleeves naman pala ito na parang rush guard at maikling pang-ibaba. Agad ko na itong sinuot una pa nga’y parang gusto ko nang hubarin dahil may bumabakat na hindi dapat pero buti na lang ay mahaba ang pang-itaas at natatakpan ito. Lumabas na ako at dali-daling pumunta sa pool area.

Addicted To You |BxB| (Published Under TBC Publications)Hikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin