Mission #9

1.6K 86 2
                                    

Mark Kieffer Montilla

Naalimpungatan ako dahil sa iilang katok sa pintuan ko. Antok akong minulat ang mata ko at inis na tiningnan ang orasan na nakalagay sa study table ko, 4:58 AM.

Narinig ko pa ang ilang katok kaya buwisit na buwisit ako na tumayo sa kama ko at nakakunot-noong binuksan ang pintuan.

"Ano bang problema mo ang aga-aga kato-" Hindi ko na maituloy ang sasabihin ko dahil hindi ko inaasahan ang bubungad sa akin sa umaga.

I saw Reed na nakatingin sa akin nang seryoso, may bitbit itong tuwalya at may iba pang kagamitan na gamit sa panligo.

"Kung hindi mo mamasamain, puwede ba akong makiligo sa CR mo?" He said, I don't know how to react kaya
tumango-tango na lang ako. Dumaan na siya sa harapan ko at agad na dumiretso sa CR.

"Holy moly, wala ba siyang sariling CR sa kuwarto niya? Matanong na nga lang mamaya!" saad ko.

Dahil naistorbo na rin naman ang pagtulog ko ay nagtimpla na lang ako ng dalawang kape. At kinuha ko sa ref ang cookies na tira ko kagabi.

I glanced at the wall clock at halos magkakalahating oras na naliligo si Reed sa CR ko, baka ma-late ako nito sa school kung nagkataon. Sandali akong napaisip kung bakit ang tagal ni Reed sa loob.

"Huwag naman sana siya gumawa ng milagro sa CR ko," bulong ko sa sarili.

Dahil hindi ko na matiis ang maghintay pa ay lumapit na ako sa tapat ng pintuan ng CR at dahan-dahan itong kinatok.

"Reed, tapos ka na ba?" tanong ko pero wala akong nakuhang sagot bagkus ay narinig ko lang ang pagtigil ng buhos ng tubig mula sa loob.

Kakatok pa sana ako nang bigla itong bumukas.

"Sorry kung tumagal ako sa CR," he said seriously. Halos malunok ko ang sariling laway dahil sa hubad na katawan ni Reed na nakabalandra sa akin. Ang tanging suot niya lamang ay ang tuwalyang tumatakip sa pagkalalaki niya.

"Ah, okay lang iyon. Nga pala pinagtimpla kita ng kape at may cookies na rin doon. Eat well."

Pupunta na sana ako sa kwarto ko upang kumuha ng damit para maligo nang biglang hawakan ni Reed ang braso ko.

"Sumabay ka na sa akin sa breakfast," he said at iniwan na ako doon na nakatulala at dumiretso na sa kusina.
Napangiti na lang ako dahil sa tuwa. Dumiretso muna ako sa kuwarto upang mabilisan na kumuha ng uniform ko at pagkatapos ay pumunta na sa kusina.

At nakita ko siyang inaamoy-amoy yong kape.

"Umupo ka na, baka ma-late pa tayo," he said, kaya dali-dali na akong umupo sa tapat niya at sinimulan ko nang kumain ng cookies.

"Bakit pala dito ka nakiligo?" basag ko sa katahimikan.

"May sira ang tubo ng tubig na nakadirekta sa kuwarto ko kaya dito na muna ako nakiligo," he said sabay ubos sa kapeng iniinom niya.

"Ah, okay," sabi ko.

"Thank you pala, sige mauna na ako." he said at agad nang tumayo.

Dali-dali kong kinuha ang notebook ko at sinulat ko ang mga nangyari ngayong umaga.

Sobrang boring talaga ng klaseng ito, hindi ko nga alam kung bakit ganito ang mga tinuturo sa amin hindi naman konektado sa strand namin ang pagpipinta.

Pinagmasdan ko ang mga kaklase kong sobrang busy sa pagpipinta. Gusto ko ngang matawa dahil mukha silang tanga sa ginagawa nila. Masaya kong tiningnan ang orasan na nakasabit sa taas ng white board, 2 minutes na lang uwian na.

Agad ko nang tinapos ang pagpipinta sa bulaklak na naisip kong i-drawing kanina. Sakto naman dahil kasabay ng bell ay natapos na rin ako sa ginagawa ko.

Agad ko na itong pinasa at agad na inayos ang sarili. Nagpaalam na ako sa teacher naming si Sir Jay na mauuna na at buti na lang ay agad itong pumayag. Minsan nagtataka na rin ako kay Sir Jay dahil ang bait-bait niya sa akin pero sa ibang classmates ko ang sungit niya.

Hindi kaya gusto niya ako? Natawa na lang ako dahil sa naisip ko.
Pababa na ako ng building ng ABM nang makita ko sa di kalayuan si Reed na nakaupo sa bench na para bang problemado.

Hindi ko na sana lalapitan pa siya pero parang may sariling buhay ang mga paa ko at dire-diretso akong umupo sa tabi ni Reed, nakita ko ang paglingon niya sa akin.

"Anong ginagawa mo dito? Bakit dito mo pa naisipan na umupo? Ang dami-dami pa naman uupuan oh!" medyo naiirita niyang saad.

"Ang dami mo namang tanong, masama bang umupo dito at tumabi sa iyo? saad ko habang nakatingin sa malayo.

"Oo masama lalo na't wala ako sa mood."

"Bakit? May problema ka ba?" tanong ko sa kaniya.

"Ano namang pakialam mo kung may problema ako, sino ka ba?" Hindi ko alam kung matatawa ako o maiiyak sa sinabi ni Reed.

"Talaga bang hindi mo ako naaalala?" bulong ko.

"Ano, may sinasabi ka ba?" inis niyang tanong.

"Wala sabi ko, amagin ka sana riyan," saad ko sabay alis at iniwan na siya roon.

"Baliw!" narinig ko pang sigaw niya.
Habang naglalakad ako pauwi sa apartment ay hindi ko maiwasan na hindi malungkot. Tumingala ako sa kalangitan na nag-aagaw liwanag na. Pinagmasdan ko ang araw na malapit nang lumubog at dahan-dahan na pinunasan ang luhang tumulo mula sa mata ko.

"Tandaan mo ito Reed, hinding-hindi ako susuko hanggat hindi bumabalik yong dati nating pagkakaibigan," bulong ko sa sarili.

Addicted To You |BxB| (Published Under TBC Publications)Where stories live. Discover now