Mission #16

1.4K 68 17
                                    

Mark kieffer Montilla

Maaga akong pumasok dahil ngayong araw ko makikilala si Baron Ezikiel Imperial. Hindi naman sa excited ako pero nakalimutan ko na ring mag-almusal dahil sa kamamadali, mamaya kasi ma-late ako at saktong masungit pala si Baron.

One hour pa naman bago mag-start ang class kaya puwede pa akong magliwaliw.  Habang naglalakad-lakad sa pasilyo ng school ay hindi pa rin mawala sa isip ko si Reed. Ano kayang nangyari doon, kahapon pa niya ako hindi pinapansin.

Kinakatok ko siya sa kuwarto niya kanina pero wala namang nagbubukas ng pinto. Tapos hanggang ngayon hindi ko pa rin siya nakikita. Kahit si Cedrick missing in action.

Nang mapagod ako sa paglalakad ay nagpunta muna ako sa loob ng cafeteria, mabuti na lang ay bukas na ito at walang tao bukod sa mga staff.

Umupo ako sa upuan at kumalumbaba. Bakit kasi ang tagal ng oras at ang tagal naman nong Baron na yon.

Balak ko sanang sa library na lang kami mamaya para medyo tahimik.

"Hello, are you Mr. Mark Kieffer Montilla?" nag-angat ako ng tingin at bumungad sa akin ang sobrang tangkad na lalaki. Malaki ang katawan,
guwapong mukha, matangos na ilong, makapal na kilay at ang mas nakadadalang tingnan sa kaniya ay yong kulay blue nitong mata.

"Ah, eh... yes ako nga," sabi ko.
Umupo naman ito sa tapat ko, at sobrang lawak ng ngiti nito sa akin. Umiwas ako ng tingin dahil naiilang ako sa titig niya.

"So, you're my tutor, am I right?" aba’t hindi naman ako na inform na englishero pala itong si Baron.

"Yes, I'm you're tutor, so what's your name again?" tanong ko kahit alam ko naman talaga ang pangalan niya. Wala kasi akong maitanong.

"I'm Baron Ezikiel Imperial. Nice meeting you, Mr. Mark Kieffer Montilla." Wow, kailangan talaga kompleto ang pangalan ko.

Inilahad niya ang kamay niya at agad ko naman itong tinanggap, pero nang babawiin ko na ang  kamay ko ay ayaw niya itong bitawan. Anong problema ng isang ito?

"Ah, Baron!" sabi ko sabay turo sa kamay kong hawak niya. Agad naman niya itong binitawan.

"Did you have your breakfast already?" tanong nito.

Hindi ko alam kung anong isasagot ko, nakakahiya naman kasi kung sabihin kong hindi pa ako kumakain. Pero sa huli ay bumigay din ako dahil biglang kumalam ang tiyan ko. At mukhang narinig niya pa iyon. Nakakahiya.

"What's that?" takang tanong nito.

"Nothing," nahihiya kong sabi.

"Hindi nga ano 'yon?" nagulat ako dahil bigla itong nagsalita sa Tagalog.

"Wait, are you speaking Tagalog?" tanong ko.

"Yes, why?"

"Wala naman." Nakakainis napapa-English ako nang wala sa oras marunong naman pala mag-Tagalog ang isang ito.

"Okay, I know na akala mo hindi ako marunong mag-Tagalog," natatawa nitong sabi.

"Oo, ang akala ko talaga," saad ko.
Nagulat ako dahil bigla itong may nilapag na lunch box sa harapan ko.

"Ano 'yan?" tanong ko.

"Lunch box!"

"I know, I mean para saan bakit may dala ka niyan?" tanong ko.

"Hindi ka pa kumakain ‘di ba? And I want to eat all off this with you," saad nito sabay bukas sa malaking baunan ng pagkain.

Halos maglaway ako dahil sa malalaking hipon sa gata na nakalagay doon.

Addicted To You |BxB| (Published Under TBC Publications)Dove le storie prendono vita. Scoprilo ora