Mission #14

1.4K 80 13
                                    

Mark Keiffer Montilla

Bakit ganoon? Bakit ang weird ng panaginip ko. Hinalikan daw ako ni Reed habang natutulog.

Umupo ako sa upuan ng kusina ni Reed, habang ang isang kamay ko naman ay abala sa paghahalo ng kape. Katatapos ko lang maghanda ng agahan habang hinihintay si Reed na matapos sa pagligo nang biglang mag-vibrate ang cellphone ko.

Agad ko naman itong dinampot nang makita kong si Chinny pala ang nag-text.

From: Chinny
Good morning swi-swi. Kumusta ang umaga mo? By the way mamaya na ako pupunta diyan, may tinatapos lang ako. See you later ;-)

Tumigil ako sa paghalo sa kape upang sumagot.

To: Chinny
Oo na sige na, basta huwag ka lang magpapa-late dahil marami akong gustong ikuwento sa yo :D

Agad naman itong nakapag-reply.

From: Chinny
Oo na basta ba may foods diyan.

Hindi ko na ito ni-reply-an nang lumabas na si Reed mula sa CR. Wala siyang ibang suot bukod sa boxer shorts. Ang buhok nito ay medyo may tumutulo pang tubig.

"Ah, tara kain na." Nagtaka naman ako nang biglang mamula ang pisngi nito at nag-iwas ng tingin.

Hindi ko na lang ito pinansin, bagkus ay nagsimula na kaming kumain.

Pagkatapos ay ako na ang nagpresentang maghugas ng mga plato. Nang matapos ako ay agad na akong nagtungo sa sala at nakita ko siyang nanonood doon.

"Ah, Reed punta na muna ako sa kuwarto ko para makapaglinis. Kapag may kailangan ka, katok ka lang sa kabilang pintuan," sabi ko. Lalabas na sana ako nang tawagin nito ang pangalan ko.

"Mark?"

"Yes, Reed?"

"Salamat," nakangiti nitong sabi. Ngumiti na lang din ako bilang tugon at tuluyan nang lumabas ng unit.

****

"Seryoso swi-swi alam na ni Reed na ikaw si Mark na kababata niya? At nag-sleepover ang peg ninyong dalawa?" gulat na sabi sa akin ni Chinny na kasabay ng paghampas nito sa braso ko.

"Oo, puwedeng huwag kang sumigaw nandiyan lang kaya yong kuwarto niya sa kabila," sabi ko.

"So, kumusta naman? Okay na ba kayo?" excited na tanong nito.

"Oo naman, parang katulad lang din dati noong mga bata pa kami. Pero alam mo ang weird ng panaginip ko kagabi," saad ko. Umupo naman ito nang maayos sa sofa sabay dukwang ng chips sa lamesa.

"What kind of dream ba 'yan?" curious na tanong nito.

"Kasi ano," pagbitin ko.

"Ano?"

"Napaginipan ko kasi na hinalikan daw ako ni Reed sa labi," sabi ko.

"OMG sis, bongga ka at least nahalikan ka ni Fafa Reed sa labi samantalang yong mga babaeng nagpapantasya sa kaniya hanggang tingin na lang," maarteng saad ni Chinny.

Marami pa kaming pinag-usapan hanggang sa naisipan na nitong umuwi dahil nag-text sa kaniya ang mommy niya.

Nasa sofa lang ako nakaupo at walang magawa. Tinatamad naman akong magbasa at manood ng TV. Ayaw ko namang lumabas dahil mainit.

Natigilan ako sa pag-iisip nang biglang may kumatok sa labas. Alam kong si Reed 'yon kaya agad akong nagtungo doon. Pagbukas ko ay hindi si Reed ang sumalubong sa akin kung hindi isang lalaking medyo pamilyar sa akin.

Para kasing nakita ko na ito noon, hindi ko lang maalala kung kailan at saan.

"Hello, ako nga pala si Cedrick," nakangiti nitong sabi. Sabay lahad ng kamay.

Addicted To You |BxB| (Published Under TBC Publications)Where stories live. Discover now