EPILOGUE

2.2K 94 31
                                    

Isang taon na ang lumipas mula nang mangyari ang lahat ng 'yun sa buhay namin ni Reed. Masaya ako kahit papaano ay natanggap na ng lipunan kung anong merong relasyon kami ngayon ni Reed.

At mas lalo pa akong sumaya dahil alam na nila Mama at Papa na may namamagitan sa amin ni Reed. Hindi na namin inilihim pa nang matagal sa mga magulang namin ang relasyon namin ni Reed, dahil baka mahirapan lang kami sa bandang huli. Pero isa lang ang payo sa amin ng mga magulang namin. Mahalin ang isat-isa at huwag pababayaan ang pag aaral.

"Sweet heart Ready ka na ba?" tanong sa akin ni Reed.

"Yes, excited nanga akong makita ulit sila Mama at Papa at excited ako sa magiging regalo nila sa atin." sabi ko.

Pasakay na sana ako ng sasakyan ng biglang hapitin ni Reed ang bewang ko at iniharap sa kanya.

"I love you." He said sweetly.

"I love you too." I replied.

"Merry Christmas and happy new year sweet heart!"

Napangiti nalang ako dahil sa tinagal na ng pagsasama namin ni Reed, ay lalo siyang nagiging sweet sa akin.

"Merry Christmas and happy new year din sayo, love." I said at hinalikan ako nito sa labi.

"Tara na, baka kanina pa tayo inaantay nila Mama." Aya ko, tumango naman ito at sabay kaming sumakay sa sasakyan na regalo sa kanya ng Mommy at Daddy niya.

Habang nasa byahe ay nakatanggap ako ng text mula kay Chinny at Cedrick.

From: Chinny
Merry christmas and happy new year swi-swi enjoy the holiday.

From: Cedrick
Merry christmas and happy new year sa inyo ni Reed, stay strong sana all may love life. Ingat sa byahe.

Napangiti nalang ako dahil sa mga sinabi nila.

Ilang oras din ang lumipas bago kami makarating sa palawan. Sobrang namiss ko dito at hindi na ako makapag antay na makita sila Mama at Papa.

Mayamaya pa ay tanaw ko na sila Mama at Papa na masayang nag aabang sa pagdating namin. Nang maiparada ni Reed ang kanyang sasakyan ay agad naman akong bumaba at sinalubong ng yakap sina Mama at Papa.

"Ma, Pa na miss ko po kayo!" halos naiiyak konang sabi.

"Namiss kadin namin anak, ang laki na ng pinagbago mo. Tumangkad ka ata!" sabi ni Mama.

"Hindi naman  Ma e!" sabi ko

Mayamaya pa ay lumapit na sa amin si Reed agad naman itong nagmano kay Mama at Papa.

"Merry christmas and happy new year po!" magalang na saad ni Reed.

"Merry christmas and happy new year din sa'yo iho!" Sabi ni Papa.

"Tara na pumasok na tayo sa loob!" pag anyaya ni Mama.

Lumipas ang oras ay nalalapit na ang alas dose kaya agad na kaming lumabas upang manood ng fireworks display.

"Excited na ako, ngayon nalang ulit ako makakapanood ng fireworks display!" saad ko.

Nakayap naman si Reed mula sa likod ko.

"Sweet heart, masaya akong ikaw ang kasama ko sa pag celebrate nang pasko at bagong taon." He said sabay halik sa pisngi ko.

"Mas masaya ako love, I love you." I said sweetly.

Nagulat ako ng bigla akong iharap nito sa kanya.

"I love you too, Can I kiss you?" He asked seductively.

Napatingin naman ako kala Mama at Papa na naglalambingan din.

Wala namang sigurong masama kung makita kaming naghahalikan nang mga magulang namin diba?

"Yes," Sabi ko at walang ano-ano ay bigla nalang akong hinalikan ni Reed.

Kasabay noon ang sunod sunod na putukan sa langit.

••••••

Limang taon ang lumipas

At mas lalo pang mas tumibay ang pagmamahalan namin ni Reed, mas naging exciting pa dahil may dalawang bulinggit na laging nagpapasaya sa amin sa araw-araw.

"Sphere!" tawag ko sa babae naming anak ni Reed.

"Virus!" tawag ko naman doon sa panganay naming lalake ni Reed.

Wala akong nakuhang sagot kaya lumabas mo na ako ng kusina upang silipin sila. Nagpunta ako sa sala at nakita ko sila doon na masayang nakikipag laro sa Daddy nila.

Agad naman akong lumapit sa kanila at nakipag kulitan.

"Papa, si Daddy, oh" turo sa akin nang panganay kong anak nasi Virus.

Laking gulat ko ng hatakin ako ni Reed at napakandong ako sa hita nito. 

"Daddy, kiss mo ako sa lips!" pangungulit ng bunso naming anak nasi Sphere. Agad ko naman itong hinalikan sa labi tulad ng hiling niya.

"Eh, ako wala bang kiss?" biglang sabi ni Reed.

"Ako din po!" Natawa nalang ako dahil sa inasal ni Virus at Reed. Una kong hinalikan sa labi ay si Virus.

"Mga anak talikod muna kayo, may gagawin lang kami ng Daddy nyo!" pakiusap ni Reed sa dalawang bata.

Dahil mabait ang mga anak namin ay agad naman itong sumunod. Ang cute nga nilang pagmasdan habang takip-takip nila ang kanilang mga mata.

"Bilisan nyolang po ,ah!" halos sabay nilang sabi.

Nagulat ako dahil biglang hinapit ni Reed ang batok ko at hinalikan ako sa labi.

Kahit na saglit lang 'yun ay hindi ko mapigilan na hindi kiligin. Tumayo na ako sa pag kakaupo sa kandungan ni Reed. At masayang pinag masdan ang nabuo naming pamilya.

Masaya ako sa natanggap naming regalo ni Reed kala Mama at Papa. At sina Sphere at Virus ang mga iyon. Ako na ata ang pinaka masayang naging magulang sa lahat. Kahit na nag aaral pa kami ni Reed sa kolehiyo ngayon ay hindi namin nakakaligtaan itong dalawang supling namin.

"Sige na balik na si Daddy, sa pagluluto." Saad ko.

Nakangiti akong naglakad pabalik sa kusina ng biglang tinawag ni Reed ang pangalan ko.

Nakangiti akong lumingon.

"Bakit?"

"Sabay tayo maligo mamaya huh!" He said then smirk.

W A K A S

Addicted To You |BxB| (Published Under TBC Publications)Unde poveștirile trăiesc. Descoperă acum