Mission #13

1.5K 96 60
                                    

Mark Kieffer Montilla

Wala pang thirty minutes nakarating na kami sa market.

Pagkaparadang-pagkaparada namin malapit dito sa entrance, bumaba na ako kaagad sabay hubad sa helmet at binalik ito kay Reed. Diyos ko, para akong hihimatayin. Ang bilis niya kasing magpatakbo at parang maiiwan ang kaluluwa ko.

"Saan tayo?" tanong ko.

Bumaba ito sa sasakyan, at parang nag-slow motion nang tanggalin nito ang helmet niya. Sobrang guwapo talaga ni Reed kaya kahit sinong babae ay mapapalingon sa kaniya.

"Bakit parang namumutla ka?" may pagaalala sa boses nito.

"Para kasing maiiwan ang kaluluwa ko sa bilis mong magpatakbo ng motor, sino kayang hindi mamumutla. Para tayong hinahabol ng sindikato," saad ko. Lumapit naman ito sa akin, sabay hawak sa kamay ko na ikinabigla ko.

"Sorry, I mean magdadahan-dahan na ako mamaya." Para akong matatae sa kinatatayuan ko dahil, sobrang sweet ng pagkakasabi niya noon.

Dumiretso na kami sa loob ng market. Ako ang kumuha ng basket at siya naman ang tagatulak.

"Hmm, Reed?"

"Yes?"

"Ano bang mga kailangan mo? Kung ako na lang kaya ang magtulak at ikaw ang mamili dito," sabi ko habang tinitingnan isa-isa ang mga de-latang nakahilera sa harapan namin.

"Hindi na ikaw na lang, hindi naman ako magaling diyan. Siguro kahit ano na lang kunin mo," saad nito.

Tumango-tango na lang ako at tulad ng sinabi niya ay kung ano-ano ang inilagay ko, pero sinigurado ko munang kailangan niya ang mga 'yon bago ko ilagay.

Pagkatapos namin sa mga de-lata ay napadaan naman kami sa mga snacks.
"Wait ako na ang pipili, dito ka na muna," pigil niya sa akin.

Hinawakan ko ang basket at siya ang namili ng gusto niyang snacks. Halos magtaka nga ako dahil puro maalat ang pinipili niya. Hinayaan ko na lang dahil sa kaniya naman itong lahat.

Nang matapos naming mabili ang lahat ng kailangan niya ay sinamahan ko siyang pumila sa cashier. Medyo naiirita nga ako dahil may dalawang babaeng kanina pa kami sinusundan ni Reed.

"Oy, Mark mukhang type ka noong dalawang babae sa likod, oh!" may halong pang-aasar na kalabit sa akin ni Reed, sabay turo doon sa dalawang babaeng mukhang paso.

Tiningnan ko naman ito at halos mahimatay ang isa sa kanila nang makitang tiningnan ko sila.

"Tsk, mukhang suso," saad ko at tumingin ulit sa unahan.

"Oy, sungit mo naman, baka nagu-guwapuhan lang sa'yo."

Hindi ko na lang pinansin ang sinabi ni Reed dahil kami na ang sumunod. Isa-isa kong inalis sa basket ang mga pinamili namin.

"Sir, 3,500 po lahat," malanding sabi sa akin noong cashier na babae. Masama ko naman itong tiningnan at kinuha ko kay Reed ang 4,000 na inabot niya.

Medyo naiinis din ako kay Reed, dahil may nalalaman pa siyang patusok-tusok sa tagiliran ko.

"Ito po sir ang sukli." Aabutin ko na sana yong sukli sa babae nang pigilan ako ni Reed. I look at Reed at nakangisi sa akin ito at pataas-taas pa ang dalawang kilay.

"Miss, keep the change na, parang pagke-keep sa 'yo nitong kasama ko." Halos manlaki ang mata ko dahil sa sinabi ni Reed. Hindi na ako nakaangal pa dahil bigla na lang akong hinatak nito palabas.

Halos magsalubong ang dalawa kong kilay, habang siya ay walang tigil sa katatawa.

"Grabe Mark, kita mo 'yon, halos himatayin yong babae," saad nito sabay tawa nang malakas. Nahihiya na nga ako dahil pinagtitinginan na kami ng mga tao sa parking lot.

Addicted To You |BxB| (Published Under TBC Publications)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora