Mission #20

1.4K 80 12
                                    

Mark Kieffer Montilla

Tatlong araw na ang nakalipas at si Baron at Chinny ang lagi kong nakakasama. Tapos na ang tutoring ko kay Baron, pero parang mas lalong napalapit ang loob namin sa isat isa.

Tinuring ko na nga siyang totoong kaibigan eh. Masaya ako dahil kahit paano ay nakakalimutan ko yong mga problema ko lalo na yong mga nakaraang pag-iwas sa akin ni Reed.

Ni hindi ko na siya makausap. Kapag nagkikita kami laging wrong timing.

Minsan kasi ang dami niyang ginagawa minsan naman ay todo iwas siya kapag nagkakasalubong kami. Kaya tatlong araw na rin ang nakakalipas na hindi ko na rin siya hinahanap dahil kay Baron at Chinny.

"Oy swi-swi tulaley ka na naman diyan? Iniisip mo na naman ba si Reed?"

Bumalik ako sa huwisyo sa biglaang pagsulpot ni Chinny sa harapan ko.

Nasa park kami at naisipan naming mag-picnic ngayong Sabado.

"Kumusta na kaya siya?"

"Naku sis, hayaan mo na muna 'yang si Reed, baka may problema lang yong tao o baka naman umiiwas siya sa 'yo kasi nandyan na yong first love niyang si Trixie," saad ni Chinny.

Natawa naman ako dahil sa sinabi ni Chinny.

"Bakit kailangan n'ya pang umiwas? Hindi naman ako manggugulo sa relasyon nilang dalawa. Ang gusto ko lang naman talaga ay magkita at bumalik ang pagiging magkaibigan namin ni Reed. Yon lang," paliwanag ko .

"Paano yong addicted mission mo sa kaniya?" Tumingin naman ako nang bahagya kay Chinny.

"Hayaan mo na yon mission

accomplished naman na ako eh, kaswal kong tugon. "At tatapusin ko na lang itong pagiging grade eleven ko dito babalik na ulit ako sa probinsya.”

"Hala iiwan mo na kami?" malungkot na himig ni Chinny.

"Kailangan ko nang bumalik eh, miss ko na rin kasi sila Mama at Papa. Pero don't worry babalik naman ako dito bibisitahin ko kayo, nakangiti kong sabi at tinapik siya sa balikat.

"Promise?"

"Yes, promise," sabi ko at nagyakapan kami.

"Guys tara na kain na tayo," napalingon naman kaming dalawa sa nag-iihaw na si Baron. Siya kasi ang nagpresenta na magluto ng lahat ng kakainin namin. Ang cute niya sa suot niyang apron.

*****

Reed Chaves

"Ano pre titingnan mo na lang ba sila mula sa malayo, o pupuntahan mo si Mark doon para bawiin kay Baron, at para sabihin kay Mark 'yang nararamdaman mo?" saad ni Cedrick.

"Hindi ko alam Ced, baka mapahiya lang ako," sabi ko habang nakasulyap sa tatlong masasayang kumakain.

"Hay naku bro, ang hina mo talaga," may pagkadismaya na sabi nito.

"Maghihintay na lang muna ako ng tiyempo, ayaw ko ng padalos-dalos ang kilos," saad ko at niyaya na si Cedrick para umuwi.

*****

Mark Kieffer Montilla

Pasado 9:00 na ng gabi nang makauwi ako sa apartment  dahil nag-aya pa itong si Baron na mag-inuman sa rest house niya malapit lang dito. Pumayag naman kami ni Chinny dahil Linggo naman bukas.

"Salamat sa paghatid, Baron." Lumabas na ako ng sasakyan n'ya nang makapagpasalamat na ako pero nagulat ako dahil bumaba rin ito.

"Ako dapat ang mag-thank you sa 'yo, Mark. First time ko na lang ulit magawa yong mga ganoong mga bagay. Noong nasa ibang bansa kasi ako puro ako pag-aaral lang dahil kay Mommy at Daddy, thank you kasi nakilala kita," medyo tipsy nitong pagkakasabi.

"Ano ka ba wala yon. Sige na mauna ka nang umalis baka gabihin ka pa. See you tomorrow Baron at salamat ulit," nakangiti kong sabi.

Pero ang mas ikinabigla ko ang biglaang dahan-dahang paglapit sa akin ni Baron. Parang nag-slow motion ang lahat at ang bilis ng pangyayari.

Naramdaman ko na lang na nakayakap na sa akin si Baron at magkadikit ang aming mga labi.

"Hayop ka!" Laking gulat ko nang biglang sumulpot si Reed sa likuran ko at biglang sinapak sa mukha si Baron.

Hindi kaagad ako nakaawat dahil hindi pa rin nagsy-sync in sa utak ko yong paghalik sa akon ni Baron. Bakit niya ako hinalikan?

"Gago ka ba ha, bakit mo siya hinalikan?" narinig kong sigaw ni Reed. Kita ko ang galit sa mukha nito.

"Ano bang pakialam mo kung halikan ko siya! Gusto ko siya eh," narinig kong sigaw pa ni Baron.

At sa mga oras na yon ay pumagitna na ako sa kanila.

"Guys, awat na, nakakahiya sa mga kapitbahay," saad ko pero hindi nagpapigil si Reed bagkus ay sinugod pa nito si Baron na dumudugo na ang labi.

"Wala kang karapatan na halikan siya!" narinig ko pang sabi ni Reed sabay sapak sa mukha ni Baron, agad din namang nakabawi si Baron at sinapak din si Reed.

"Bakit ba galit na galit ka? Bakit gusto mo rin ba siya?" sigaw ni Baron.

Sandaling tumahimik si Reed pero agad din namang nakabawi. Tiningnan ni Reed si Baron na may ngisi sa labi.
Napaigtad ako nang hawakan ni Reed ang kamay ko nang mahigpit.

"Oo, gusto ko si Mark kaya back off, dude. He's mine at wala kang karapatan pang lumapit sa kaniya kahit kailan," saad ni Reed.

Hindi pa din nagsy-sync in sa utak ko ang mga nangyayari kaya nanatili akong tahimik.

Bigla na lang akong hinatak ni Reed papasok sa loob at hindi ko na muling nilingon pa si Baron. Magso-sorry na lang ako sa kaniya bukas.

Nanghina ang katawan ko nang itulak ako ni Reed sa pader. At kinulong ako nito sa dalawa niyang bisig. Pero ang mas ikinabigla ko sa lahat ay ang halikan ako nito. Naramdaman kong pilit niyang pinapasok ang dila niya sa bunganga ko pero agad ko siyang tinulak at doon ko lang nakita na natauhan siya.

"T*ng ina naman, Mark! Bakit pumayag kang magpahalik sa lalaking yon, ha?" nagulat ako dahil sa biglaang pagsigaw ni Reed sa akin.

"Ano bang problema mo? Bakit ka ba nagkakaganiyan, ha? At saka bakit ganoon yong sinabi mo kay Baron kanina?" naiinis kong sabi.

At sa mga oras na ito ay galit na rin ako sa kaniya dahil hindi ko na talaga siya maintindihan.

"Yon ba, Mark ha? Oo totoo yong mga sinabi ko kanina sa p*t*ng inang Baron na yon. Gusto kita, Mark! Higit pa sa isang kaibigan ang gusto ko sa 'yo." Hindi ko alam kung anong magiging reaksyon ko sa mga sinabi ni Reed.

Feeling ko natameme ako ngayon. Kung nananaginip ako please pakigising na ako. Hindi ko hiniling na maging ganito ang sitwasyon namin.

"Reed, seryoso ka ba riyan sa mga pinagsasasabi mo?" lakas loob kong tanong. Dahan-dahang lumakad si Reed papunta sa akin at bigla na lang ako nitong niyakap.

"Mark... seryoso ako sa mga sinasabi ko. Totoo itong nararamdaman ko para sa 'yo. Noong una nagulat din ako sa sarili ko, hindi ko akalaing magugustuhan kita. Noong time na naramdaman ko ito iyon din yong araw na umiiwas ako sa 'yo, gusto ko na kasing malinawan sa totoo kong nararamdaman. At napatunayan ko yon dahil selos na selos ako kapag nakikita ko kayong magkasama ni Baron. Nagseselos at nagagalit ako kapag nakikita kong napapasaya ka ni Baron. Mark, I like you more than just a friend," mahabang litanya ni Reed.

Humiwalay ito sa pagkakayakap sa akin.
Hinawakan niya ang baba ko para magtama ang mga mata namin.

"Mark, I'm addicted to you," malambing nitong pagkakasabi. Sobrang tagos sa puso ko ang lahat ng sinabi ni Reed sa akin ngayon. Hindi ko inaasahan na mangyayari ito. Hindi ko alam kung magiging masaya ba ako o hindi.

Dahan-dahan niyang inilapit ang mukha niya sa mukha ko. Gusto kong pumalag pero may side sa pagkatao ko na hayaan siya.

Maya-maya pa ay naramdaman ko na lang ang paglapat ng labi ni Reed sa labi ko at namalayan ko na lang na nagre-respond na ako sa halik niya, kasabay noon ang pagpikit ng mga mata ko.

"I love you too, Reed," saad ko sa pagitan ng halikan namin.

Addicted To You |BxB| (Published Under TBC Publications)حيث تعيش القصص. اكتشف الآن