Mission #4

1.6K 101 12
                                    

Mark Kieffer Montilla

Maaga akong pumasok na may ngiti sa mukha, masaya ako dahil mission accomplished kami kahapon ni Chinny. Halos hindi ako makatulog dahil sa mga pinaggagagawa namin kahapon.
Naglalakad ako sa kahabaan ng pasilyo nang marinig ko ang bulong-bulungan sa paligid.

"Totoo ba iyong balita na nag-break na kahapon sina Reed at Trixie?"

"Yon ang sabi nila, alam mo girl sayang sila. Nasira lang ang relasyon nila dahil sa isang pantri-trip!" saad ng babaeng mahaba ang buhok.

"True sis, naku for sure pinaghahanap na ni Reed ang mga lokong iyon."

"Naku tara na baka ma-late pa tayo!" Umalis na yong mga babaeng nag-uusap kanina.

Hindi ko alam pero bigla akong nakaramdam ng kaba, maraming tanong ang pumapasok sa utak ko ngayon.

"Hoy!"

"Ay pusang gunggong!" Halos tumalon ang puso ko dahil sa panggugulat sa akin ni Chinny.

"Ano ba at nakatulala ka diyan? Sino ba ang iniisip mo?" tanong niya.

Napatingin naman ako sa ‘di kalayuan, halos maramdaman ko ang pangangatog ng tuhod ko at butil-butil na pawis na namumuo sa noo ko. Kita ko ang galit sa mukha ni Reed habang dahan-dahan na lumalapit sa amin ni Chinny, hindi ko alam pero bigla ko na lang hinatak sa school garden si Chinny.

"Hey, ano bang ginagawa natin dito?" takang tanong ni Chinny.

"Makinig ka nga sa akin, mukhang mali ang ginawa nating mission kahapon," kabado kong saad, hawak-hawak ko sa dalawang balikat si Chinny habang sinasabi iyon.

"Eh! Anong mali doon? Dapat nga matuwa ka dahil wala nang sagabal na mukhang pusit sa plano mong mabawi si Reed mo!"

"Yon nga imbes na matuwa ako, hindi eh, kinakabahan ako sa iba pang magiging resulta."

Inalis niya ang pagkakakapit ko sa balikat niya at hinarap akong nakataas ang kilay.

"Teka nga, aber ano ba talagang nangyari bat ka nagkakaganyan?" inis niyang tanong.

"Hindi mo ba alam na kalat na sa buong campus ang pantri-trip natin kahapon?" kabado kong sabi.

"Sorry hindi ko alam at wala akong pake!" bored niyang sabi.

"Baliw ka ba? May nalaman pa akong pinahahanap na ni Reed ang mga gumawa noon at alam mo kung anong kinatatakot ko?"

"Ano?"

Huminga muna ako nang malalim at pinunanasan ang sariling pawis.

"Natatakot akong baka kapag nalaman niyang ikaw at ako ang gumawa noon, baka tuluyan nang lumayo ang loob sa akin ni Reed!" saad ko, pinandilatan ko siya ng mga mata dahil bigla niya akong pinagtawanan.

"Alam mo girl nasa yo ang problema, eh. Kung lapitan mo na lang kaya siya at sabihin na ikaw si Kieffer na kababata niya at boom! Doon ka na umamin sa kaniya na gusto mo siya!" mahaba niyang lintanya.

"Oo madaling sabihin sa kaniya na ako si Kieffer na kababata niya, pero mahirap umamin sa totoo kong nararamdaman para sa kaniya," saad ko.

"So, no choice ka kundi ituloy iyang mga plano mo."

Sandali akong napaisip dahil sa sinabi ni Chinny. Hindi ko kasi alam kung ano ba ang magiging bunga nitong mga kalolokohan ng mission na ito kaya natatakot ako dahil baka magkaaberya tapos hindi ko kayang ayusin.

"Ano girl, tulaley kana diyan? Tara na baka ma-late pa tayo sa first subject natin." Agad na kaming naghiwalay ni Chinny.

Habang nasa kalagitnaan ng pagtuturo si Mr. Lorenzo na guro namin sa Business Ethics at ang aming adviser ay nakatingin lang ako sa labas. Hindi ko alam kung bakit pero wala namang pumapasok sa utak ko sa mga sinasabi ni Mr. Lorenzo gusto ko nang mag-breaktime para makapag-isip pa ng maayos.

Addicted To You |BxB| (Published Under TBC Publications)Onde histórias criam vida. Descubra agora