WAKAS

22 6 0
                                    


Dustine

My life after Axl passed away wasn't easy.

Habang lumilipas ang mga araw, lalo akong nahihirapang intindihin ang totoong lagay ni Axl. It wasn't easy for me to wake up everyday without purpose. My deams started to fade away. It was really hard. It was painful.

The next day after Axl died, Tito Alex and Ate Chay told me everything. Ayokong intindihin. Ayokong maintindihan. Mahirap intindihin. My chest hurts everyday, everytime they try to make me understand the situation.

For days, I was deaf for the truth. I was blind for what's happening. I was grieving everyday.

Araw-araw, pinagdadasal na sana gisingin na ako sa malungkot at mapait kong panaginip. Pero bawat araw na gumising ako, don ko napagtantong wala ng ibang paraan para gumising sa bangungot na ito, dahil totoong nangyari ang lahat.

Kahit papaano, unti-unti kong natatanggap na wala na siya sa buhay at sa mundo ko, pero nanatili siya sa puso ko. I was devastated. I look like a walking dead. Kung hindi dahil sa mga taong nagmamahal at nagmamalasakit sakin, sumuko na rin ata ako.

"I want to see you success in life,"

Napangiti ako nang maalala ang isa sa mga pangarap niya. Kahit na sa ganoong sitwasyon, ako pa din ang iniisip niya. I felt the stabbing pain in my chest.

Dalawang buwan ang lumipas, pero nanatili akong miserable.

Gabi-gabi dilat na dilat ang mata ko kakatanaw sa kalangitan, nag-aabang sa pagkislap ni Axl. At hindi niya ako binibigo tuwing ginagawa ko yon.

She's there, shining for me.

Pitong buwan ang lumipas. Sa pitong buwan, nabuhay akong parang patay. Naging pabigat kay ate Chay. Pero hindi nawala ang pagmamahal nila sakin.

Araw-araw pinupuntahan ako ng iilan sa mga kaibigan ko, kinakamusta. I didn't lie. I always say that I'm not okay. I want to give up.

Pero nanatili sila para pagaanin ang loob ko. They cheer me up. Hindi ko naipagpatuloy ang pag-aaral. Pero sa paglipas ng pitong buwan, pinanghawakan ko ang pangarap ni Axl.

I don't want to fail her.

For the first time, I smiled. Natatawa pa ako sa mga ekspresyon ng mukha ng mga kaibigan ko ng makita nila ako sa school para magpaenroll.

"I want to see you success in life,"

Iyang mga katagang iyan ang bumuhay muli sakin. Iyan ang naging inspirasyon ko para pagbutihin ang pag-aaral at ayusin ang buhay ko.

Ginagawa ko iyon hindi lamang para kay Axl, kundi para na rin sa pamilya ko. Si Tito Alex, hindi pinapabayaan ang mga kapatid ko. Binigyan pa niya ito ng scholarship dahil bumalik si Ate Chay sa pagttrabaho para sakaniya. Palagi din akong kinakamusta ni Tito.

We talk over the phone, minsan nakakapagdinner together kung umuuwi siya dito.

Eksaktong first year death anniversary ni Axl nang magkaroon ng concert ang Ben&Ben sa Mega World. Hindi ko iyon pinalampas. Tuwing pinapatugtog ko ang mga kanta nila sumasakit ang dibdib ko dahil naaalala ko lang si Axl. I bought two tickets, pero hindi VIP dahil kulang sa budget.

Napapangiti lang ako tuwing may naaalala sa bawat kanta nila. Pero nung itugtog nila ang Araw-araw, para akong tangang nakangiting lumuluha. Hindi ko pinagaksayahan ng oras tignan ang mga reaksyon ng mga nakatingin sakin. Dinamdam ko lalo ang kanta. Kaya hindi pa natatapos ang kanta, nagwalk out na ako.

Till the Last LeafTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon