29

11 2 0
                                    


Ang bilis lang ng oras kapag masaya ka. Hindi ko namalayang lumipas na ang dalawang araw. Pero parang kanina lang nangyare ang lahat.

I told Ate Pechay na may boyfriend na ako. And I didn't told her kung sino, dahil gusto kong ipakilala siya personally. Siguro by the end of the week. During the weekend, Dustine is really busy with Renzo, since nasa moving on stage si Renzo, tinutulungan naman ni Dustine makalimot, nag roadtrip sila and do some activities. He never failed to update me wherever or whatever they doing. He keep on sending me pictures and message.

From Dustine:

I wish you were here.

I laughed. I can imagine his cute face like a dog begging for food.

From Dustine:

Let's plan a trip this break.

We had a little convo, until I stop texting me. Hindi siya matitigil kaka rereply kung magrereply pa ako. Ayaw ko namang agawan ng oras si Renzo.

Buong weekend, inabala ko ang sarili ko sa pagpapainting. Hindi ko alam, pero parang may nagudyok saking mag paint. IDK? Or it's just I'm out of things to do.

"Raine, pwede ba akong pumunta sa mga kapatid ko ngayon?" paalam ni Ate Pechay habang kumakain kami.

This past few days, nahahalata kong balisa si ate Pechay. But I didn't ask dahil kung gusto niyang pagusapan ikkwento niya iyon sakin. Tulad ng lagi niyang ginagawa.

"Oo naman po," Tumango tango ako habang sinusubo ang spoonful of rice.

Narinig ko ang pagbuntong hininga ni Ate.

"Ano pong problema ate?" I can't resist.

"May sakit ang kapatid ko...isang linggo na daw sumasakit ang dibdib. Kung m-minsan hindi daw makahinga. H-hindi daw makakain ng maayos," tuluyang tumulo ang luha ni Ate.

Agad akong naalarma, yinakap ko siya mula sa gilid.

"H-hindi siya mapacheck up dahil walang p-pambayad," patuloy niya.

"Tahan na ate. Magiging okay din ang kapatid mo, gagawan natin yan ng paraan. Puntahan mo sila after neto." hindi ko alam kung anong sasabihin kaya ito ang lumabas sa bibig ko para palakasin ang loob niya.

I never saw her like this, palagi siyang masaya at masigla.

Unti-unti siyang kumalma, kaya humiwalay ako sakaniya para makita ang kabuuan niya.

"Kumain kana Raine, baka malate ka,"

Tumango ako. At bumalik sa upuan ko. Ramdam ko ang sakit na nararamdaman ni Ate. Ganyan din ako noong nalaman kong sumusuko si mommy at nung nagkasakit si Lola.

Nang matapos ako, tumambay muna ako sa sala. Antagal din simula nung huli akong naupo sa couch namin, dahil madalas, nasa dining lang ako at sa kwarto.

Inilibot ko ang tingin sa buong bahay. Walang kabuhay-buhay ang bahay. Palibhasa walang pamilyang naninirahan. Tama lang na sabihing bahay, kaysa sa tahanan. Huli kong naramdaman na tahanan to nung andito si Lola.

I sighed.

Nadaanan ng mata ko ang jar na may dahon. Ang ganda na nito tignan dahil malapit ng mapuno.

Bigla akong nakaramdaman ng kaba at minadaling linakad palabas ang bahay kung nasan ang puno.

Fear starts to grow within me. I can feel how my hands tremble. Parang bigla akong nanghina.

Malapitna ba akong mamatay?

Simula noong pinaniwalaan ko ang kinwento sakin ni Lola, nagsimula na ding mabuhay ang takot na matagal kong hindi naramdaman. There is a part of me that don't believe it. Pero tuwing nakikita ko kung paano mahulog ang dahon mula sa puno, kung pano madagdagan bawat araw ang jar ng mga dahon, natatakot ako.

Till the Last LeafTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon