43

10 3 0
                                    

30 minutes lang ata ako nakatulog dahil biglang tumawag si Daddy.

Nung tinawag niya palang ang boses ko, gumuhit na ang luha mula sa mata ko.

"I'm sorry baby...I'm not there with you,"

"It's okay dad," I tried not to stutter.

"Kung sinabi ko nalang siguro noon pa ang tungkol dito...marami ka pang oras para magsaya...patawarin mo ako anak...Hindi mo ako nakasamang lumaki...I'm sorry for not being there when you needed me the most,"

Pinigilan kong humagulgol ng malakas.

"Sorry dahil hindi ko nagawa ang pagiging tatay ko sayo...But I'm trying," nabasag na din ang boses ni daddy.

"I understand dad. Masaya nga ako dahil pinalaki niyo akong hindi umaasa sa kahit na sino. Naging responsible ako...naging independent...naging matatag,"

" I know I know..."

Ilang Segundo kaming hindi nagsalita. Nagpalitan kami ng singhot at mahihinang hikbi.

"I love you anank,"

Lalong nadagdagan ang mga luhang naguunanhang tumulo.

"I love you daddy,"

Hikbi ang narinig ko mula sa kabilang linya.

"Everything will be okay honey," boses iyon ng asawa ni daddy.

"I'm just...just..." he trailed off at panibagong hikbi nanaman ang narinig ko.

Ilang Segundo ang lumipas nang magsalita ulit si daddy.

"Nasabi mo na ba sakaniya?"

Hindi ko alam kung anong isasagot. Alam kong si Dustine ang tinutukoy niya.

Gustuhin ko mang habihhin, hindi ko kaya. Ayokong maging masakit para sa aming dalawa ang natitirang oras na nandito ako.

"Natatakot ako daddy,"

"He has the right to know...alam kong mahirap. Baka hindi ka din niya maintindihan o paniwalaan, pero kailangan niyang malaman,"

Tinusok ang puso ko.

"Hindi ko kaya daddy,"

Hindi siya sumagot pero narinig ko ang pagbuntong-hininga niya.

"Mas gusto kong umalis ng masaya kami. Ayokong umalis na parehas kaming nasasaktan sa katotohanan,"

Buo ang desisyon kong hindi sabihin kay Dustine. I can write a letter nalang? No. baka hindi niya paniwalaan at baka magconclude lang siya ng iba kaya nangyare yun.

Gusto ko sakin mismo manggaling, pero iniisip ko palang na gawin yun, unti-unti na akong pinapatay. Hindi ko kaya.

Wala sa sariling pumasok ako sa cr. Pagkabukas palang ng shower napapikit ako dahil sa lamig na dumapo sa balat ko.

Bigla ko nalang naramdaman ang init sa mukha ko. Umiiyak nanaman ako. Kahit anong pagpigil ko, tinatraydor ako ng puso ko.

Muli kong dinilat ang mata ko at naligo na ng maayos.

Ayokong sirain ang natitira kong oras. Hangga't maaari, gusto ko masaya kami ni Dustine.

Selfish na kung selfish. Pero ayokong nakikita siyang nasasaktan habang nawawalan ako ng buhay. Pwede siyang masaktan, basta hindi ko nakikita. Dahil hindi ko kaya.

Huminga ako ng malalim at tinignan ang sariling repleksyon sa salamin. Mabuti nalang hindi halatang wala akong tulog at hindi nagmumugto ang mata ko.

Till the Last LeafWhere stories live. Discover now