1

62 21 0
                                    

 7 years has passed. Last year, my lola died. I still have my savings from my mom and lola at pinamana sakin ni lola lahat ng ari-arian niya, so I have a home to live. Hindi naman nakalimot si daddy na magpadala ng pera. After what happened years ago, hindi niya padin ako pinapabayaan. Si dad ang kasama ko umakyat sa stage nung grumaduate ako sa Senior High, he even insisted to live together with his new family, pero ayaw ko. So I started to live independently.

6 a.m. Hindi pa gaano kataas ang sikat ng araw. Maaga pa kaya I decided to water the plants. 9 a.m. pa ang pasok ko. 30 minutes away lang naman ang school.

Pagkalabas ko ng bahay dumampi sa balat ko ang init ng sikat ng araw kasama ang preskong hangin. Ansarap gumising kung ganito ang unang makikita at mararamdaman mo araw-araw. Kinuha ko na ang water hose at inumpisahang magdilig. Mula sa harap ng bahay papunta sa likod punong puno ng halama at bulaklak. I started to love nature nung dumating ako dito. Since wala din kaming neighbor dito para kaibiganin or kakwentuhan, naging hobby ko nalang ang pagggardening at sightseeing sa paligid. Hindi ko na kailangang pumunta pa ng ibang lugar para makita ang ganda nito, dito palang sobra-sobrang ganda na ang nakikita ko.

I already finished watering all the plants, so nagpahinga muna ako sa ilalim ng nag-iisang puno dito. I still remember lola's story about this tree, I still don't believe it. Pero may parte sakin na gustong maniwala kase nakakaramdam ako ng pagkahilo or sikip ng dibdib everytime na may nahuhulog na dahon. Or coincidence lang? Still confused.

Kinokolekta ko lahat ng dahong nahuhulog mula sa punong to. Nilalagay ko sa malaking glass jar at hindi pa nakakaabot ng kalahati. I don't know why pero nanghihinayang ako sa ganda ng dahon kung itatapon ko lang at ito lang ang bukod tanging puno dito sa lupain naming.

This is my comfort zone, under the tree. Saksi ang punong to sa lahat ng paghihinagpis ko from stressful school works, frustrations at sakit sa pagkawala ng mga importanteng tao sa buhay ko. I don't have a friends, I don't have anybody to share my stories with. Thanks to this tree, I got a listener.

Hindi ko napansin ang oras, 8 a.m. na. Before ako tumayo medyo nahilo ako at may nahulog nanamang dahon. Pinulot ko to at pumasok na sa bahay at nagumpisa na akong magprepare para pumasok.

"Goodmorning miss," bungad sakin ng school guard pag pasok ko. I smiled as a reply. 2 weeks na nagsatart ang school year kaya memorize ko na ang schedules ng subjects ko, well, slight lang.

Dumeretso na ako sa building namin. May mga nakasalubong akong classmates from diff. subjects, nginingitian ko lang sila pag nakikita kong nakatingin sila sakin. Hindi ako marunong makahalubilo sa iba. Di ko alam kung pano magumpisa ng conversation. Hays.

Wala pa ang prof namin pagdating ko sa room kaya naglinabas ko ang phone at earphones ko. Nagdadatingan na din ang ibang classmates ko.

Chineck ko ang time sa wrist watch ko. 9 a.m. na.

Maya-maya dumating na ang prof naming kaya tinago ko na ang phone ko at nagsimulang makinig.

After attending 2 minor subjects ngayong umaga, lumabas na ako ng room para pumunta sa cafeteria para kumain ng lunch. Dumeretso agad ako sa pila para umorder ng kakainin ko. Then naghanap ng available seat. Medyo natagalan ako sa paghahanap dahil maraming students ang nandito dahil lunch time na. Ang nahanap ko available seat ay yung nasa dulo malapit sa water dispenser.

I have chapseuy as ulam, rice, fries and guava juice.

Before kumain, sinalampak ko sa tenga ko ang earphones at nakinig ng music. Ginala ko ang mata ko sa kabuuan ng cafeteria, malawak, mataas ang ceiling, fully airconditioned, may tables for 4 persons at 10 persons. Nasaupo ako sa pang apatang tao, pero magisa ako.

Till the Last LeafWo Geschichten leben. Entdecke jetzt