42

10 3 0
                                    

"Kumusta ang buhay?" umabante siya at natamaan na siya ng liwanag mula sa buwan.

Hindi ako sumagot.

Tumikhim siya. "may walong araw kapa...pero hindi na ako makapaghintay na makapiling ko ang sinta ko,"

Nagtayuan ang mga balahibo ko dahil sa boses niya.

"Muling babalik si Ramona, kapag natapos ang sumpa...Ikaw ang tatapos sa sumpa. Dahil...walak a namang anak," patuloy niya.

Binalot ng nakakapanindig balahibong halakhak niya ang paligid. Lalo akong nakaramdam ng lamig sa paligid.

"Pero hindi na ako makapaghintay...sabik na sabik na akong makapiling si Ramona. Matagal na panahon din akong naghintay. Nanatili lang akong nakatanaw sa pagubos ng mga dahon dito sa lupain niyo, sinusubaybay ang buhay niyo,"

Lumapit siya sa puno at hinaplos-haplos iyon.

Lalong lumamig ang simoy ng hangin, kaya naman lalo kong niyakap ang sarili ko at mabilis na hinagod ang mga balikat para mainitan.

"Bawasan ko lang ng ilang dahon,"

Nagulat ako sa sunod niyang ginawa. Yinugyog niya ang puno at nagsimulang mahulog ang iilang dahon.

Sumikip ang dibdib ko habang nakikita ang pabagsak na mga dahon sa lupa.

Gustuhin ko mang sugurin siya, hindi ko naman maigalaw ang mga paa ko. Nanatiling nakapako ang mga paa ko sa damuhan.

"Tama na!" sigaw ko.

Pero hindi siya natinig. Nakakapangilabot na ngisi ang iginawad niya sakin.

"Stop it please. Let me live...Let me live little longer," pahina ng pahina ang boses ko.

Ngumisi lang siya lalo sakin at bigla siyang naglaho sa dilim. Hindi na ako nag-abalang sundan siya ng tingin. Agad kong dinaluhan ang mga dahong nahulog. anim na dahon ang nahulog.

Pinulot ko to isa isa kasabay ng mga luhang kumawala sa mga mata ko.

Napaluhod ako sa harap ng puno.

"I want to live longer," bulong ko sa sarili ko.

Bakit kung kalian nahanap ko na ang sarili ko, tsaka mangyayari ang lahat ng ito? Napaka wrong timing talaga ng mga bagay na nangyayari sa buhay ko.

Kung mangyayare din naman pala to bakit hindi pa noon? Bat hindi nalang ako sinabay kay mommy? O kay lola?

Ang unfair naman talaga.

Patuloy lang sa pagtulo ang luha ko. Kaya naman hinintay kong humupa ang bigat sa dibdib ko bago tumayo.

Bago ko ihakbang ang aa ko sa loob ng bahay, may narinig ako.

"Dalawang araw huling Puno,"

Hindi na ako nag-abalang lumingon at naglakad na ako papasok. Nadatnan kong mahimbing na natutulog si Dustine. Alas doses niya. May natitira pa akong 48 haours.

Dumeretso ako sa painting room dala dala ang jar. Limagyan ko ng label ang jar.

'Leaves of memories'

Habang nagpapatuyo, nagprint ako sa kwarto ng mga pictures namin ni Dustine, SHerl, Renzo, Daddy, Penny, Precy, Daine, ate Pechay, mgakabanda ko, kabanda ni Dustine. Lahat ng pictures na kasama ako. Halos tatlong oras akong nagprint ng pictures.

Sumisikip ang dibdib ko habang pinagmamasdan ang masasayang mukha sa picture.

Rinoll ko isa-isa ang pictures at pinasok sa glass jar ng mga dahon.

Alas tres na pero hindi pa ako nakakramdam ng antok. Kaya naman nagpinta pa ako ng kung ano-ano.

Una kong ipininta ay yung mukha niyang seryoso. Napapangiti nalang ako tuwing dinedetalye ko ang larawan. Talagang kabisado ko na ang mukha niya.

Ang sunod naman ay ginaya ko sa unang picture na napost ko sa instagram. Yung nagddrive siya.

At ang huli, kaming dalawang nakaupo at nakasandal sa ilalim ng puno. Nakapikit ako at siya umiiyak hawak ang huling dahon.

Nasasaktan ako sa mga pinaggagawa ko.

Bago ako magdesisyong magpahinga, tinext ko si daddy tungkol sa nangyare kanina.

Wala ng ibang pumasok sa utak ko kundi ang pagkawala ko.

--

Till the Last LeafWhere stories live. Discover now