8

29 14 0
                                    


Mabilis na natapos ang Thursday. At nang mag Friday kinausap ko si Prof Valdez tungkol sa pagkalate ko. And thank God dahil wala silang quiz. Pero marami akong namiss na lessons. It's okey, I can catch up naman.

I'm on my way to 3rd floor of our building para sa 1 pm class ko. As usual, nakasaksak nanaman sa tenga ko yung earphones ko hawak ko ang notepad kong sinulatan ko ng reviewer kagabi dahil may quiz kami sa isang minor ngayon. Kaya Binabasa ko to habang naglalakad.

Nagulat ako ng biglang may naramdaman akong init ng kamay sa bewang ko at biglaang hinigit.

Nanlaki ang mata ko nang nakita ko kung sino ang humigit sakin. Nakita kong nakakunot ang noo niya at nagiigting ang kaniyang panga.

"Hindi ka nanaman nakatingin sa dinadaanan mo," His husky voice made me tremble.

He secured me with his arms around me. I can feel his tough chest against mine. I accidentally sniffen his scent, A familiar scent of him. Tinambol ang puso ko ng marealize kung anong posisyon namin ngayon.

"Okey ka lang?" naramdaman kong kumawala siya sa pagkahawak sa bewang ko.

Awkward.

"Oo," sagot ko at tumungo ako. Ramdam ko ang paninitig niya kaya nahihiya ako, I can't fight his stares.

"Kung di kita hinigit, nabunggo ka na sana sa pader," May halong galit sa tono niya. Napatingin ako sa way kung san ako patungo, pader na nga.

"Thank you," tanging nasagot ko. I'm out of words.

May narinig akong nagsalita mukhang kinausap si Dustine, pero hindi ko masyadong naintindihan dahil mahina.

"Mauna kana Ivan," sagot niya dun sa kumausap sakaniya. Napaangat ako ng tingin sa kaniya at sinundan ang vision niya, isa sa mga barkada niya. Tumango yung Ivan na kausap niya.

At dahil nakapagpasalamat na ako, pwede na siguro akong tumalikod? At mag lakad papasok ng room. Right? Pero hindi ginawa ng paa ko! Traydor!

"Chemistry subject mo diba?" Bat alam niya?

"Oo. Bat mo alam? Stalker ba kita?" napataas ang kilay ko.

"Ilang Halos dalawang buwan na tayong magkklase sa Chemistry," tumawa siya after niyang sinabi yon. Nabalot ng pagtataka ang sistema ko.

"I don't know. I'm sorry," binigyan ko siya ng apologetic look.

"Yeah. I know. Nakalimutan kong tutok ka lang sa libro mo at walang pakealam sa paligid mo," nginisian niya ako.

Ako lang ba nakakafeel ng awkward between us? Hindi ko alam kung bakit niya nakakayanang titigina ako sa mata, hindi ko kayang lumaban kaya umiiwas ako ng tingin tuwing nagsasalita ako. This Is really awkward.

"Almost time. Papasok na ko," gusto ko ng kumawala sa conversation naming. Kaya tinalikuran ko na siya at pumasok sa room.

Hindi ko alam kung bat ganon ang nararamdaman ko pag malapit ako sakaniya. Lahat napupuna ko. This feeling is foreign. I never felt like this before.

What was that?!

Buti nalang kahit occupied ang utak ko dahil sa mga nangyayare, nakapagfocus pa din ako sa quiz. Hanggang sa macheckan ang quizzes naming. Long quiz iyon. 70 items.

"Who got perfect? Please pass the paper of who got perfect," Tinignan ko ang papel na hawak ko. Kay Nessa Gayle Aranjuez ambaba naman ng score. 31 lang. Napairap ako.

May umugong upuan, kaya halos lahat kami napatingin sa kung nasaan iyon. Tumayo ang isa naming kaklaseng lalaki. Sinundan naming siya ng tingin hanggang sa naipasa niya ang papel kay Prof.

"Rangas po," napataas ang dalawa kong kilay ng binanggit niya ang apelyido ko kay Prof.

"As expected. Lahat ng quiz perfect niya." Rinig kong bulong ng isa kong kklase sa likod ko. Hindi ako sure kung bulong ba yon dahil narinig ko.

"Pabida nga eh, lagi nalang," sabi naman ng isa.

"sana all perfect," hiyaw ng isa naming kklaseng lalaki.

"Shut up dumbhead!"Sigaw naman ng isang pamilyar na boses. Parang may gumalaw sa tiyan ko. Mga uuod ata? Napahilot ako sa sentido ko.

"Yes. Sana all perfect. Sana lahat kayo nag-aaral ng mabuti para maperfect niyo din ang quizzes ko. Pass all your papers in front!" nanindig ang balahibo ko dahil sinigaw lahat yan ng prof namin.

Parang naulit ulit ang nakaraan. I remember how my classmates reacts everytime I perfect my quizzes, how confident I am when reciting, how good I am in different co-curricular activites and how I excel in different aspects. Nangyayari ulit. Napapikit ako ng mariin at nanikip ang dibdib ko sa inisip ko.

Tahimik na ang room. Lumabas na ata silang lahat. Kaya dumilat ako. tsaka nagunahang pumatak ang luha ko dahil sa bigat ng nararamdaman ko.

"Hindi kaba Masaya na na perfect mo ang quiz?" umurong ang luhang nagbabadya dahil sa nagsalita.

I thought I was alone. Biglang lumamig ang tiyan ko. Here we go again, foreign feeling.

"here," nasa harap ko na siya ngayon nakatayo, he handed me his handkerchief. At dahil mapride ako ginamit ko ang likod ng palad ko para pahirin ang luha sa pisnge ko.

"Im okey. Thank you," Hindi na ako nagabalang lingunin siya. Gusto kong umalis na para mapag-isa.

Hindi pa ako tuluyang nakakahakbang ng hinigit niya ako.

"Are you okey?" hinarap niya ako.

"Yes. Im okey," nanlalabo na ang mata ko dahil sa luha. Binawi ko na ang braso ko mula sa pagkakahawak niya at nagumpisang magmartsa palabas. Pero hindi pa ako nakakalahati ng nilalakad ng hinigit nanaman niya ako.

"Mga ilang higit pa gagawin mo?" Inis na singhal ko sakaniya at ako na mismo ang nag-abalang humarap sakaniya.

"Mga lima pa," tinaasan ko siya ng kilay.

Anlakas naman ng amats nito para magbiro habang umiiyak ako dito.

"I have no time for joke time," seryoso kong tugon. Tsaka niya lang pinakawalan ang braso ko. Nahimigan niya sigurong seryoso ako.

"I'm just trying to lighten the load you carrying,"

I don't know why he always act like that. Gusto ko maang bigyan ng meaning ang ginagawa niya pero ayaw kong umasa. Everytime he's around a foreign feeling illuminates my system. I can't function well.

"Im okey. Thanks." Tinalikuran ko na siya sana naman hindi niya ako higitin ulit.

"whatever it is, The pain you've been feeling, can't compare to the joy that's coming," natigilan ako sa sinabi niya. "That's Romans Chapter 8 verse 18,"

Tsaka ako nagmartsa palabas ng room. This time, successful ang paglabas ko, walang humigit o humarang. Nakalabas na ako ng campus. Hanggang 1p.m. lang ang class ko tuwing Friday kaya dumeretso na ako pauwi.

Habang nasa byahe, biglang pumasok sa utak ko ang huli niyang sinabi.

The pain you've been feeling, can't compare to the joy that's coming.

--

Till the Last LeafWhere stories live. Discover now