27

14 5 0
                                    

We spent the whole day watching different sports, we cheered teams from our department. Sobrang napagod ako dahil buong araw kaming palaboy-laboy sa loob ng campus, maliban sa lunch dahil sa labas kami kumain.

Magyayaya na sana akong umuwi nang makasalubong namin si Sherl.

"Hoy! San kayo pupunta? Wag muna kayong umuwi"Nakapamewang pa siya sa harap namin.

"Pagod na si Axl," napatingin ako kay Dustine.

First name ang lagi niyang tinatawag sakin. At nakakapanibago dahil nasanay akong Raine ang tawag sakin.

"Ano?! Hindi kayo manonood ng performance ko?" nagulat ako, hindi lang dahil sa sigaw niya, kundi dahil sa nakalimutan kong ngayon ang performance nila.

Parehas kaming natigilan ni Dustine. Pero siya sa pagtataka, ako naman dahil sa nakalimutan ko.

"Muntik ko ng makalimutan. Sorry. Syempre manonood kami,"

Buti nalang biglang ngumiti si Sherl.

"Yehey. Tara na rineservan ko kayo ng seat," anyaya niya at nag-umpisa ng maglakad.

Naramdaman ko ang paghawak ni Dustine sa kamay ko, bahagya akong natigilan dahil sa elektrisidad na dumaloy sa sistema ko. I looked up to him, parang wala lang sakaniya, kaya nagpatuloy na ako sa paglalakad.

"Sigurado kang hindi kapa pagod?" bulong niya sakin ng makaupo kami sa rineserve na seat ni SHerl.

"Hindi pa,ikaw?" umiling siya.

Inangat niya ang kamay kong hawak pa din niya at dinikit niya sa labi niya.

Napasinghap ako sa ginawa niya. Nanatili siyang nakapikit habang dinadama ng pisnge niya ang likod ng palad ko.

What did I do to deserve this man?

Naguumpisa na ang hip hop competition. 4th performer sila Sherl, and 2nd performer ang nagpeperform ngayon.

"Tell me if you are hungry. It's 6:30," Bulong sakin ni Dustine. Humarap ako sakaniya.

"Hindi pa ako gutom, after ng performance nila Sherl dinner nalang tayo,"

Tumango lang siya at hinilig niya ang ulo niya sa balikat ko habang nanonood.

Hindi ko mapigilang mangiti. Ganito pala ang pakiramdam ng may boyfriend.

"Let's welcome the 4th performers!" anunsyo ng host.

I screamed Sherl's name at the top of my lungs.

I tried to stand, pero hinihigit ako ni Dustine pabalik sa pgakakaupo.

"stay seated. I don't want to get off your scent,"

He snaked his arms around my waist, locking me. Hindi ako nakagalaw. Naestatwa ako sa kinauupuan ko.

Siguro sasanayin ko na ang sarili ko na lagi kaming ganito. Hindi maitago ang ngiti sa mga labi ko. I held his hand that are securing me.

Hindi ako nakapagfocus sa buong performance nila Sherl, ni hindi ko nga nakita kung nasan siya dahil inaagaw ni Dustine ang atensyon ko.

"Libre mo ba Raine? Nako wala pa naman akong dalang pera," Si Sherl.

Nasa Ocean City kami, restaurant malapit sa school. Hindi na namin tinapos lahat ng performance dahil gutom na din si Sherl. Hinayaan ko namang si Dustine ang magdrive ng sasakyan ko.

"Oo sagot ko. Ikaw na bahalang pumili jan," inabot ko lahat ng menu kay Sherl.

"Kahit ano?" tumango lang ako.

Till the Last LeafTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon