23

18 5 0
                                    

Pagkatapos ng little talks ng banda ako na mismo ang nagyayang lumabas at manuod sa bandang tumutugtog.

Nakipagsiksikan ako sa mga taong nasa harap. Pilit kong isinisingit ang katawan ko kahit na sobrang sikip. Ganon din ang ginawa ng mga kabanda ko. Ilang beses na din akong naapakan at matulak, pero hindi ko ininda. Buti nalang din nakahigh ponytail ako, kung hindi, baka pinaghihila na ang mahaba kong buhok.

Gusto ko lang ng magandang view.

Nakahinga kami ng maluwag nang makarating kami sa gitna sa pinakaharap.

"Ano ba yan, singit ng singit," rekalmo ng isa sa likod.

I don't mind. And I don't care. Nagpapasingit siya eh.

"Kaya naman pala gustong nasa unahan, si boylet na pala ang sunod," panunukso ni Anthony.

Nilingon ko siya at inirapan. Napangiwi ako ng makita ko kung gaano kadikit sila ni Keziah. Nakapulupot ang dalawang kamay ni Anthony kay Keziah habng hawak naman ni Keziah ang kamay ni Anthony sa tiyan niya.

Oh sweet.

Biglang umingay ang crown kaya naman humarap na ako. Umakyat na ang sunod na banda.

"Dwight!" paulit ulit na sigaw ng karamihan.

Wala pa siya sa stage, nagseset up pa ang mga kabanda niya. Nag sosound check sila. Hindi ko alam pero bat parang ako ang nakakaramdam ng kaba para sa kanila?

Kung kanina sa performance namin, hindi ako kinabahan. Bakit ngayon?..

"Helloooo USAaaaaaaaaaaaaaa!" lalong nagwala ang mga tao. At ako naman ay nanatiling nagaabang sa pagpasok niya.

Kasabay ng pagdrum ay ang paglabas niya. Nag gather ang buong banda sa isang gilid at nag pray? IDK.

Lumapit na siya sa harap para ipakilala ang mga kabanda niya. Habang nagiintro ang banda niya ay, malikot ang mata niya. Parang may hinahanap.

Hello?! I'm here.

He looked very masculine with his polo, his 3 botton is unlocked revealing his tough chest and gold necklace. Paired with black ripped pants and thimberlake boots. Parang tutulo ang laway ko sa wet look na Dustine na nakatayo sa harap ko ngayon. His hair is perfectly brushed up, well it's shining halatang basa at may tumutulo sa gilid ng tenga niya.

Sinasadya niya ba yan? Hindi ko kinaya.

Nagumpisa na ang unang kanta.

"Lumalapit, lumalapit sa'yo
Sana ako'y patawarin mo
Lumalapit, lumalapit sa'yo
Pagkakataon ang kailangan ko"

Naiinis ako. Naiinis ako dahil sa dami ng babaeng nababaliw sa boses niya. Hindi ko mapigilang pagtuunan ng pansin ang mga nagsisigaw sa pangalan niya at pinupuri. Naririndi ako. Nakakainis!

Natapos ang unang kanta ng hindi siya tumingin sakin. Hindi pa niya siguro ako nakikita.

Naguumpisa ng magiba ang rhytym ng banda, Hudyat na maguumpisa na ang next song nila.

"Isang araw may nakabunggo akong babae. Pero hindi ko alam na kasabay ng paglayo niya sakin, natangay na niya ang puso ko...This is for you,"

Natigilan ako sa inanunsyo niya. He looked at me as he say the last sentence. Bahagya pa akong natulala. Hindi naging antala ang mga nababaliw na mga audience.

Walang ibang naghahari kundi ang ingay ng aking puso. Lalo na nang naisip kong ako ang sinasabihan niya. His words are all for me.

"Your face
Lights up the sky on the highway
Someday
You'll share your world with me someday

Till the Last LeafΌπου ζουν οι ιστορίες. Ανακάλυψε τώρα