37

13 3 0
                                    

Today is Saturday, first day ng sembreak namin. At dahil nangako akong pupunta sa play ni Precy, pupunta ako. Nagpag-usapan namin ni Dustine na magkita nalang sa school kung saan ang play ng kapatid niya dahil may aasikasuhin pa sila ni attorney kaya hindi niya ako masusundo.

Kaya yinaya ko na din si Sherl. Kakasundo ko lang sakniya ngayon dito sa village nila.

"Muntik na akong hindi payagan,"

"Ikaw? Hindi papayagan. Impossible," sabi ko.

Hindi na siya sumagot dahil may katawagan. Ang lambing ng boses eh. Siguro si Renzo yon.

May lihim na harot eh.

Nasa SM kami ngayon para bumili ng regalo para kay Precy. Naisipan kong bilhan siya ng necklace kaya pumunta kami sa isang jewelry shop.

"Eto oh, may notes," turo niya sa isang set ng jewelry na may mga note.

Tumango ako. Nag pa kuha ako nun. Pero naisip ko ang dalawa pang kapatid niya, kaya nagpakuha din ako ng dalawa pa pero magkakaiba ng design pero may connection sa music.

Yung kay Precy, May G-clef sa gitna at may dalawang notes sa gilid, ganun din an gearings non at bracelet. Kay Daine naman, microphone yun, dahil broadcaster siya. Then kay Penny, G-clef.

"Eto sakin oh," turo ni Sherl sa couple necklace.

Sinamaan ko siya ng tingin.

"SIge na, mas mura yan kesa sa binili mo para sa magkakapatid,"

Wala akong nagawa kundi bilhin din yon.

Pero may nakaagaw ng pansin sakin, nakahilera din sa mga couple necklace. Dahon iyong design.

It's a gold leaf.

Tinitigan ko iyon. Ang ganda talaga.

"Bilhin mo na din," kinalabit ako ni Sherl.

Ngumit siya sakin ng nakakaloko.

Bumaling ako sa bantay ng jewelry.

"this one please,"

Tumango ang babae at kinuha iyon.

"Galante,"

"May ipon lang," sinamaan ko siya ng tingin.

Pumunta na ako ng cashier at nagbayad.

"Galante, naka credit card,"

Binatukan ko. Tumawa lang siya.

"Tara na nga," hinila ko siya palabas.

Pinagtitinganan kami ng mga taong dumadaan dahil ang ingay-ingay ni Sherl. Kung ano-anong pinag-sasabi. Jusme. I can't relate either.

I just keep my mouth shut.

"Gutom na ako," reklamo niya.

"edi kumain ka,"

Yinugyog niya ako.

"Kumain muna tayo bago pumunta dun," I check the time. It's 11 a.m. and 1:30 ang play.

"Okay," umirap ako sa kawalan.

"Tara dun," hinila niya ako sa isang fast food.

Pumasok kami dun at naghanap agad siya ng table na uupuan namin.

"Ililibre mo naman ako diba?"

"May magagawa pa ba ako?" aba ang ganda ng ngiti niya.

Sinabi ko kaseng wala siyang gagastusin ngayon para lang makasama siya. Kaya ayan inaabuso naman niya.

Till the Last LeafWhere stories live. Discover now