I do not even know your name,

Dear Mad'moiselle

Won't you say?

Will you tell?

"My fave..." I teared up as I heard the two lovers exchanged dialouge. "Dati, I always picture myself as Eponine when this scene arrives pero now? I am Cosette and Art is Marius." Naramdaman ko ang pag-akbay ni Divina sa akin. Hinimas niya nang dahan-dahan ang braso ko at isinandal niya ang kaniyang ulo sa aking balikat.

"I am so happy for you bish." Autumn said and I looked at her with a smile. 

"I am happy too."

Nagsitayuan naman ang mga kapatid ko at naagaw nila ang pansin naming lahat. Lumapit sila sa kani-kanilang mga kasintahan at ka-mutual understanding. Special mention kela Kuya Axel at Stacey.

"Can I seat beside my lovely girlfriend, baby?" Kuya Axel asked politely. I stood up and I presented him the seat. "Thanks." 

Magkakatabi na silang lahat ngayon. Naisipan ko namang magtungo sa kusina para kumuha ng almusal. Kanina ko pa nalalanghap 'yang sinigang, my stomach is crumbling in pain and excitement. Gutom na ata anak ko.

"Saan ka pupunta?" Kuya Trip asked. 

"Kitchen, I am starving to death." I replied.

"Ahh, go sis. Baka ma-miss mo yung scene."

"Lol, who said that I am gonna miss it? Pause that." Ginawa naman agad iyon ni Kuya Jonathan. Kumunot pa ang noo ko, himala ah? Walang reklamo.

Nagtungo ako sa kusina at bigla na lamang nagsi-ayos ang mga kasambahay namin. They placed down a tray and they prepared the food for me immediately kahit wala pa akong sinasabi. Lumapit ako roon at tinignan ko sila nang may bahid ng pagtataka. I mean, who wouldn't?

"Uhh- bakit po?" Ayan lamang ang mga salitang lumabas sa bibig ko. 

"Do you want anything else Ms. Liah?" The maid asked.

"What drink do you want? A vegetable smoothie or a fruit smoothie?" The other maid added.

"With ice or without ice po Ma'am?" And the another one asked.

Napahawak ako sa ulo ko. "Ms. Liah! Ano pong masakit? Bakit po?" Inalalayan ako nito at marahan kong itinabing ang kamay nito.

I gave them a smile of confusion. "No, thank you. I am totally fine. Kayo ba? Bakit ang weird niyo ngayon? I haven't even told you anything to do for me, nagawa niyo na agad yung mga gagawin ko." Hindi sila sumagot.

Ngi? Ano ba trip ng mga tao dito sa bahay ngayong araw?

"And by the way, I want a fruit smoothie with ice, I don't like vegetables."

The maids instantly did what I just said. 

"Ma'am, saan po?" Tanong ng isang maid na hawak-hawak ang tray ng pagkain ko kasama ang isa pang hawak ang fruit smoothie na rinequest ko.

"Sa salas."

Nauna na silang magtungo roon habang uminom ako ng tubig mula sa ref. Sumunod na din ako sa kanila at nadatnan ko na nagsisipag-kain na din ang mga kaibigan at kapatid ko. They're eating snacks and a lot more unhealthy foods.

"Oh sis, doon ka na maupo." Itinuro sa akin ni Kuya Trip ang kulay violet na upuan sa gitna nila, sa harapan ng TV.

How did I did not noticed that? At saan naman nanggaling 'yan?

"Where did that came from?" Nakakunot na noo kong tanong.

"Kanina pa 'yan nandyan eh." Sagot ni Kuya Ryle. "Joke. Umupo ka na lang."

End Of All The Endings (Book 2)Where stories live. Discover now