End Game 41

1.2K 37 7
                                    


End Game 41

"There are doors that we can't walk through"

Sheliah Santibañez

Tila nabuhusan ng malamig na tubig si Art. What are you hiding from me?

"Ano Art? Sumagot ka. I can't pretend like I know nothing anymore. Sobra na, I'm over thinking so much and it's unhealthy. Naapektuhan na yung pagkatao ko, at yung mga tao sa paligid ko. Ngayon, tell me. Anong kinalaman mo sa pagdukot sa mga kaibigan ko and it made you cut your relationship with me?"

Takot. Ayan ang nakikita ko sa mukha niya, bullshit. Just answer me.

"I can't tell you..." he said, almost a whisper.

"Why?" gulong-gulo kong tanong. "T*ngina ilang buwan na ako nag-iisip at naghahanap ng mga sagot. Ngayong nandito ka na, huwag mo na 'kong pahirapan pa pakiusap."

"Hindi m-mo p'wedeng malaman Sheliah. Hindi. Itigil mo na kung ano pa man yung ginagawa mo, I'm begging you."

Napasinghap ako sa sinagot niya. Tigilan? "I invested my precious times for this. Buhay ng mga kaibigan ko yung nakasalalay doon Art. At ang hindi ko matanggap, isa ka sa mga kadahilanan kung bakit sila napunta sa gano'ng sitwasyon."

"You're a criminal." I murmured. "And I'm forcing myself not to call you like that kasi mahal kita--no... Punyeta." tinabig ko ang braso ni Art at nagmamadali akong umalis sa kinalalagyan namin pero hinawakan niya nang mahigpit ang braso ko.

Sa sobrang higpit nito, hindi ko na makayanan pang magpumiglas.

"Say it again..." I looked directly into his eyes and he's pleading. Iniwas ko ang tingin ko at hindi ko siya sinagot.

Ang tanga mo Liah, napakatanga mo. Bakit? Bakit ka pa nadulas.

"Sheliah, handa akong lumuhod para marinig lang yung sinabi mo." and he did and it made my heart skipped a beat. What the hell is this?

"Bitawan mo ako, kung ano man yung narinig mo. Ayon na 'yon. Now please, let me go. Ako na bahalang sumagot sa mga punyetang tanong na binibigay ko sa'yo."

Binitawan niya ang braso at tumalikod siya sa'kin. Sinuntok niya nang malakas ang pader sa harapan niya and I gasped. Lumapit ako sa kaniya.

"G*go ka ba?!" kinuha ko ang kamao niya at nagdudugo 'to. "Ba't mo sinuntok yung pader?! Pa'no kung mabalian ka ng buto?!" hindi niya pa din ako hinaharap at nanatili siya aa posisyon niya habang hawak ko ang kamay niya.

"Mahal din kita." he whispered and I pretended like I didn't heard it.

"Umayos ka. Bumaba ka don at ipagamot mo 'yan. Aalis na ako."

"Don't leave." natigil ako sa sinabi niya. Unti-unti na niya akong hinarap. Inagaw niya ang kamay niya na hawak ko at kinuha niya naman ang kamay ko para ilagay sa pisngi niya.

"I never unloved you. I never did. At alam kong kahit kailan, hinding-hindi ko 'yon magagawa. You mean the world to me." he pauses then said "Sa bawat pagtulog ko, ikaw lang ang laman ng isipan ko. Sa bawat paggising ko, mukha mo ang agad kong nakikita. Pero alam kong isang kathang-isip lang 'yon."

I'm trying to hold my tears, why is this happening? Ang bigat sa pakiramdam.

"Walang araw ang lumipas na 'di kita inisip, whatever I do alone it reminds me of us, doing it together. I feel like there's something that's not right with my life. At ayon ay yung pinalaya kita habang nakakulong ako sa mga bagay na hindi ko kayang takasan dahil ayokong mawala ka sa piling ko. This shit hurts Sheliah, ang makita kang nasasaktan dahil sa'kin. F*ck those months that I let you sleep with a heavy heart. Gusto ko lang malaman mo na, mahal na mahal kita. Na kaya kong gawin ang lahat, makita lang kitang masaya at nasa ligtas na kalagayan. Ayos na sa akin na maging patapon ang buhay ko sa pagpapakasal sa babaeng hindi ko naman gusto, ayos lang. Basta makita kong buhay ka at mahanap mo yung taong mamahalin ka sa mga paraang hindi ko nagawa. Na that person could change you, for good. And that person would be with you, to get you through everything you have to deal with."

"And I still wish that I'm that person... Pero hindi. I'm regretting this Sheliah. I'm regretting all of my statement. Hindi ko na kayang masaktan ka pa kaya sinasabi ko 'to pero t*ngina hindi ko alam kung anong magiging kapalit nito."

I felt the warmth of my tears all over my face down to my neck. He never unloved me... He still love me...

"Then why did you left me in pieces?" I broke my silence. "Bakit mo ako iniwan? Bakit mag-isa lang akong lumaban?"

Napasabunot si Art sa buhok niya. "Because I don't want you to die!" my mouth opened. He holds my face eith both of his hands. "I can't afford to lose you... Forever."

"B-bakit ako mamamatay?"

"Ikakasal na ako kay Monica, Sheliah... Ayan lang ang sagot na kailangan mo mula sa akin para mabuo mo ang bawat parte ng nakaraan."

S-si Monica?

"Art..." yinakap ko siya nang mahigpit at sinubsob ko ang mukha ko sa dibdib niya. I cried in his chest.

He held me tight. "Mahal na mahal kita. I'm doing this for you, sana maintindihan mo. Sana mapatawad mo din ako. I'm scared Sheliah, I'm so scared. I'm a tough person, but my I let my guard down to protect you. My love has to sacrifice our happiness in order for you to be safe."

"Mas pipiliin ko pang mawalay sa'yo kesa gumising ako sa araw-araw na wala ka na sa mundo."

"I love you still, I'll always will Sheliah. But our chapter is closing down... And It's a goodbye for the both of us. Please be happy... I love you and I was enchanted to meet you."

End Of All The Endings (Book 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon