End Game 13

2.9K 83 13
                                    

(A/N: Happy National Snake's Day! It's been 2 years since they called Taylor a snake on social media and flooded her with snake emojis. Now she's using it to rose up from the grave of her reputation. I lab y'll! And oh! It's chapter 13, what a coincidence.)

End Game 13

"Never see it coming"

Art Antonio

Nakatayo kaming anim sa harapan ng isang malaking gate. This is where they hide.

"Pumasok na tayo." Boses iyon ni Trip.

"Nasisiraan ka na ba? This is a secured place." Wika ni Axel. Napangiwi na lang ako nang maaninag ko ang anim na bantay na papalapit sa amin.

Malalaki ang mga katawan nito at armado ang mga iyon. "De quoi avez-vous besoin?"

Nagkatinginan kaming anim. "Pinagsasabi nila?" Tanong ni Jonathan. We all shrugged.

"La résponse!" Nabalik kaming anim sa katinuan kaya naman hinarap na ni Ice ang mga ito.

Malamig na hinarap ni Ice ang lalaki. "Je suis désolé, we can't speak French fluently." He paused at tumanaw ito sa malaking bahay na nasa likod. "Can we enter?"

"Only Art Antonio." Matalim akong tumingin sa lalaking nagbanggit ng pangalan ko. "Our master wants you to come only."

Master? Humarap ako sa magkakapatid. May pagtutol akong nakikita sa mga mata nila. Alam nilang magagalit si Sheliah kapag nalaman niya 'to.

"Elle attend..." Pagsabat ng isa pang bantay. Wala na akong nagawa kundi ang sumama sa kanila pero narinig kong nagsalita si Ice.

"Don't you ever do it again Art." Tumalikod ito at naglakad papalayo sa amin. Sumama na ako sa mga bantay at nang makapasok kami sa loob, sumisigaw iyon ng karangyaan.

May fountain sa loob nito at malaking chandelier na kumikinang. Marami ding mga gamit na antigo ngunit matataas ang halaga.

"Where's your boss?" Tanong ko sa kanila. Hindi nila ako inimik at sumunod na lang ako paakyat ng hagdanan.

Nakarating kami sa harapan ng isang malaking pintuan. Kulay puti iyon. Kumatok ang isa sa kanila. "Il est ici."

Bumukas ang pinto kaya naman daretso akong pumasok. Sumara ang pinto na siyang kinagulat ko.

"Quit playing games. Ilabas mo sila Divina at Autumn." Nag-angat ako ng tingin sa aking harapan at naroon Ang isang swivel chair na nakaharap sa bintanang gawa sa glass stained.

Unti-unti itong humarap sa akin at ikinuyom ko ang aking mga palad nang malaman ko kung sino iyon.

Akmang susugod ako papalapit sa kanya pero may inilabas siyang remote, hindi ako tanga para hindi malaman kung para saan ang bagay na iyon.

She smiled devilishly. "One wrong move darling and the two girls will explode together with your lovely fiancé." She laughed. "N'est-ce pas excitant?"

Unti-unting nanghina ang mga tuhod ko sa nadinig.

No... She can't do that. Hindi pwede.

End Of All The Endings (Book 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon