End Game 1

10.9K 218 30
                                    


End Game 1

"You and me we got big reputation."

Sheliah Santibañez

It's been a while, it's been a while simula nang iwan niya ako.

Ang tagal ko nang nag-iisa, malungkot at napakasakit pero I guess? Iyon talaga ang naka-tadhana sa amin. Iyon ang maghiwalay kami.

Until now I can't accept the fact that I let him go, mahal na mahal ko si Art pero bakit gano'n? I wanna scream in so much hatred that I am feeling right now.

Hindi ko talaga kaya, but he left me. Alone.

Umupo ako sa isang bench dito sa park. I closed my eyes as I reminisced the times when we are still together and happy.

"Hun bakit ang lungkot mo?" Idinilat ko ang mga mata ko at inirapan si Art.

"Letche istorbo! Nagp-practice ako ng acting skills ko." Umupo siya sa tabi ko at may binigay na ice cream. "Chocolate? Sabi ko ube."

"Arte nito, Hershey's flavor na nga 'yan."

"Whatever." Kinain ko na ang ice cream at sumandal sa balikat ko si Art. "Ang bigat ng ulo mo Art."

"Mas mabigat pagmamahal ko sa'yo." Agad akong namula sa sinabi niya. Aish! Alam niya talaga ang ending point ko. "Asus, kinilig Ang hun ko."

"Tse." Mas lalo pang namula ang pisngi ko kaya kumain na lang ako ice cream.

"Nakikita mo yung mga batang 'yan?" Kumunot ang noo ko kaya tinignan ko ang mga batang tinuturo niya. Tumango ako.

"Ganyan dapat karami magiging anak natin ha?" Sinuntok ko yung dibdib niya.

Come on! Mahigit sampu yung mga batang 'yon. "Excuse me Antonio hindi ako baboy!"

He closed his eyes. "Ahh, ang sakit hun." Kumunot ang noo ko. Ang OA nito, hindi naman malakas ah?

"Patingin nga!" I press his chest and nothing's happen, umaarte na naman ang lalaking ito.

"Hehe peace, ang sungit mo kasi ngayon eh." Inakbayan niya.

"You're acting like a highschool teen Art, you're already 26 years old." He sighed.

Tumingin siya nang seryoso sa akin. "I never did these kind of clingy stuffs before when we are together so I guess this is the time to fullfil those broken pieces of happiness?"

Napangiti ako sa sinabi niya. "Hindi bagay."

"Kinilig ka naman." Isinandal ko na lang ang ulo ko sa balikat niya at inubos ang ice cream. "Alam mo magagalit manager ko dahil dito."

"Why?"

"We're not wearing a mask and cap." I said.

"Then? Wala namang nakakahalata na tayo 'to, and I missed being normal. Being ignored you know?" Tinaasan ko siya ng kilay.

"Ignored? You're the famous Art Antonio the school player."

"And now the famous Art Antonio who madly in love with the famous singer Liah Sants." I chuckled. "When we got married, hindi ka mauumay kakarinig ng mga walang kwenta kong lines dahil mai-in love ka lalo."

End Of All The Endings (Book 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon