End Game 48

825 28 3
                                    


End Game 48

"The rain will wash away what's past"

Sheliah Santibañez

"Felicia..." pagtawag ko sa kaniya.

Lumingon naman sa akin ang assistant ko at binigyan ako ng isang malungkot na ngiti at saka tumango.

"Ako na pong bahala Ms. Liah, nandyan naman din po si Ms. Josephine eh. She'll help the whole team to put all the things together."

Bago ako tuluyang pumasok sa loob ng airport, yinakap ko siya. "Thank you so much. Hindi ko alam kung anong ginawa mo at makakalipad na ako ngayon pabalik ng Pinas."

"Have a safe trip Ms. Liah."

"Sheliah na lang."

"Have a safe trip, Sheliah. Alam kong magagawa niyo ng paraan ni Sir Art 'yan." bumitaw na kami sa yakap and I looked at her. "Baka mahuli ka na."

Tumango ako at nagpaalam.

Halos 14 hours din ang byahe mula Paris patungong Pilipinas. Bukas na ang kasal nila Art at Monica, at hindi ko pa din nalilinis ang pangalan ko sa publiko.

Inihanda ko ang sarili ko bago bumaba ng airport. Kasabay ng paghampas ng hangin ang pagtanaw ko sa mga taong nakakakilala sa akin. Masama ang mga tingin nila, may bahid ng pagkasuklam at pagkainis.

Monica... Sisiguraduhin kong ikaw ang makakaranas nito.

"Sheliah!" nakita ko ang lima kong mga kapatid na kumakaway sa'kin. How the hell did they entered this field?

Lumapit sila sa akin. Kinuha ni Kuya Axel ang maleta ko habang si Kuya Jonathan naman ang sa travel backpack ko.

"H-how did you got here?" tanong ko.

"Oh? You know, those staffs." ininguso ni Kuya Trip ang mga kababaihang kilig na kilig sa kanilang lima.

Napasampal ako sa noo ko. God, should I be thankful that our family is so blessed?

"Hahatid ka na namin sa bahay, nagpadala sila Mom and Dad ng bodyguards mo para i-escort tayo." sagot naman ni Kuya Ryle.

"What?! Bodyguards?"

"Yes. Now..." kinuha ni Kuya Ice ang kamay ko at hinawakan. "Let's go, we've got a lot thing to plan."

Kinuha naman ni Kuya Trip ang kabila. "We just hope that you rest well from your exhausting flight."

Parang tinatambol ang puso ko sa pagkapuno ng halo-halong emosyon bumabalot dito. I am so greatful to be their little sister. Pakiramdam ko, ako pa din yung prinsesa nila na ipinagtatanggol nila mula sa mga bully noong bata pa ako.

Lumakad na kami palabas sa airport, hindi na ako nagulat pa nang makita ko na maraming media ang nakaabang sa amin. Mayroon din akong mga supporters... I mean, haters na naroon.

I can't blame them.

Kahit ako naman siguro yung nasa katayuan nila, magagalit din ako sa babaeng iniisip nila na ganoon ang ginagawa. But the thing is, I am not like that.

End Of All The Endings (Book 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon