End Game 31

1.1K 35 9
                                    


A/N: Dapat August 31 pa ako naka-update para sakto na birthday ko e kaso hayop, hindi natuloy. Yieee 15 na ako. My gad Cassie October na HAHAHA!

End Game 31

"I'd be an alpha type"

Sheliah Santibañez

"Mukha kang pinagbagsakan ng langit."

Tinanggal ko ang earphones ko at tumingin sa side mirror ng sasakyan. Busy sa pag-mamaneho si Kuya Ryle.

I shrugged. "This day is just exhausting." sinandal ko ang likod ko sa upuan, I feel so comfortable right now.

"Katrabaho mo ba naman ex mo e."

Lalo kong linubog ang sarili ko sa sa backseat. "Punyeta."

Nagawa pang tumawa nito, aba-aba! Napaka-walang hiya.

"You know Liah, kilala kita. Kahit hindi ka magsalita, I know na nag-uusap na kayong dalawa about your lives." napa-angat ako sa sinabi nito.

What the heck? Our lives? Ew! Wala akong pakialam sa kan'ya.

"We're not even talking."

"Not even talking pero..." he pauses. "Alam ko, pero sana naintindihan mo 'yong ginawa ko." at umiling-iling ito.

My mouth opened in shock. T-teka, pinatay ko na yung tawag nun ah? Don't tell me hindi ko napindot 'yon?

Hindi ko na namalayan na nasa parking lot na pala kami ng bahay. Bumaba si Kuya Ryle. "Awit." bulong nito sa sarili.

Pinagbuksan ako ni Kuya ng pinto at lumabas naman na ako. Sabay kaming  umakyat patungo sa opisina ni Papa.

"Alam ko namang you're not done on healing pero kung gusto mo talagang gumaling... Avoid him or quit." biglang lumihis ng daan si Kuya Ryle, papunta sa kwarto niya habang ako naiwan sa hallway.

Inhale... Exhale Liah.

You won't quit.

Kumatok ako sa pintuan ng opisina ni Papa. Walang sumasagot, siguro umalis na siya or nasa salas. What the hell, bakit hindi ko muna chineck yung salas?

"Come in."

Welp, maybe not.

Tae, nandito naman pala. Napahilamos ako ng mukha. "Okay." tugon ko dito at tinulak ko ang pinto.

Tumambad sa akin ang problemado kong Ama. My goodness! Ang daming paperworks, how could he handle all of this all at once?

Ibinababa ni Papa ang kaniyang ballpen at nag-angat ng tingin sa akin. Ngumiti ito nang kay tamis. "How's your day anak?" pinaupo ako nito.

Sumunod naman ako sa kaniya at naupo. "Ayos lang?"

Nagtataka itong tumingin. "Lang?" pauses then said "Bakit patanong?"

"Haist, I just wanna rest for over a week. Kaso I know this thing is too impossible to accomplish. I need to work hard for my biggest project dad." yumuko ako sa table at naramdaman ko ang paghaplos nito sa buhok ko.

"You can always rest Liah, pati sa paghahanap mo sa kaniya."

Nagulat ako sa sinabi nito at nag-angat ako ng ulo. I looked at my father's eyes. "Nani?"

He's face softened. "Pasensya na kung nakiki-alam ako sa mga ginagawa mo ngayon. Alam kong I should put myself away pero I can't help it, you're my daughter."

So did Lindsay contacted my dad? Naalala ko na she asked me if I want to add more people to investigate, hindi ko naman inaakala na sarili ko palang ama ang mag-iimbestiga nito.

Pero ano pa nga ba ang magagawa ko? It's here, it's my father. I should get going.

Seryoso akong tumingin sa mga papeles na inaasikaso nito. "It's okay dad, pasensya na din kung hindi ko sinabi sa inyo 'tong mga hakbang na ginagawa ko. Gusto ko lang naman na maresolba ang mga problema ko without you guys worrying."

"Hindi mo maaalis sa isang magulang ang mag-alala anak. Pero since I got myself involved, here's an update from my private investigator." may kinuha siya sa ilalim ng mga papel sa table. Another paper, pero may mga pictures ito.

"What's these?" tanong ko.

Inabot sa akin nito ang mga papel. "Examine each one of it."

Ginawa ko ang sinabi niya. Sa unang pahina makikita ang mansion ni Monica, there's another picture kung saan nakatayo siya sa balkonahe habang may hawak-hawak na martini glass.

It's confirmed na sa kaniya nga ang mansion na ito.

It also says na ang mansion na 'yon ay pamana sa kaniya ng kaniyang lolo at lola. Nakuha niya ang mansion nung namatay ang mga ito nang sabay.

Pero... Why didn't Divina knew anything about their wealth? Bakit puro si Monica ang nakaka-kuha ng mga ito. Are their parents even know na ganito sila kayaman?

"That lady is the one who's been haunting you since you and Art are still together in Paris." nagpantig ang nga tenga ko. "I'm highly suspicious that it is her intention for you and Art to seperaten." what in the freaking world of bullshits and craps.

"Na-trace din ng mga investigator ko ang tumatawag sa'yo noon just to threaten you. And it is located on this mansion, the landline is in that mansion." may inabot ng maliit na papel sa akin si Dad, it is the landline's number. "I suggest na tsaka mo na lang tawagan ang numero na 'to kapag nabuo mo na lahat ng clues."

Kinuha ko ang papel at itinago ko ito sa purse ko.

I can feel the flames on my skin. Monica didn't really got her happy ending kaya until now, she's stealing mine. And if that guy was calling me while he's on her mansion... Sila nga talaga ang may pakana nito. Lahat-lahat ng paghihirap ko.

Ibinababa ko ang mga ebidensyang hawak ko. I don't do revenge now. But I'll make sure this is worth the fight and laugh. "So dad, tell me more about my step brother. Lio Carlo."



End Of All The Endings (Book 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon