"S-sorry mi---Jema??" Tanong ng lalaking nakabangga sakin kaya napatingin ako sa kanya.

"Ron?!" Gulat kong tanong.

"The one and only! Glad you're here." Nakangiti niyang sagot.

"Kuya Ron!!" Masayang sabi ni Mafe atsaka yumakap kay Ron.

"Ehem!" Kunwaring ubo ni Deanna kaya lumapit ako sa kanya. Napakalas naman siya sa pagkakayakap nila ni Mafe at humarao samin.

"Ron, si Deanna nga pala---" Hindi ko natapos ang sasabihin ko dahil agad na nagsalita si Ron.

"You're girlfriend." Dugtong niya.

"Buti naman alam mo na." Seryosong sabi ni Deanna. Hinawakan ko siya sa kamay para pakalmahin. Alam kong nag-iinit ang dugo neto kay Ron.

"Chillax Deanna hahaha. About last time, I'm sorry. It's not my intention to ruin your relationship. Na-miss ko lang itong kababata ko and besides, I have a girlfriend na." Nakahinga ako ng maluwag sa sinabi ni Ron.

"That's good to hear. Sorry din sa inasta ko nun." Deanna answered.

"So pano ba yan? Let's hang out soon ha." He smiled.

"Sure." Sagot ni Deanna.

"Una na ako. Sorry ulit." Huling katagang sinabi ni Ron atsaka umalis.

*Beep*

Kinuha ko ang phone ko at chineck yun.

From: Papa
Tapos na kaming mamalengke anak. Pumunta na kayo dito sa labas ng palengke.

Hindi na ako nagrelly at agad na niyaya ang mga kasama kong pumunta doon.

"Kanina pa po kayo?" Tanong ni Deanna at tinulungan sila Papa sa mga bitbit nila.

"Salamat anak. Hindi naman. Sakto lang ang dating ninyo." Nakangiting sagot ni Mama na nakapagpangiti sakin.

....

"Wala na ba kayong nakalimutan?" Tanong ni Papa nang makababa kami. Uuwi na kami pabalik sa Manila dahil hapon na at para may time pa kaming magpahinga.

"Wala na po." I replied.

"Osya, mag-iingat kayo ha." Sabi ni Mama atsaka yumakap saamin.

"Salamat po Mama at Papa. Sulit po ang stay namin dito. Hahah." Natatawang sagot ni Deanna.

"Basta lagi mong tatandaan na welcome ka dito anak." Nakangiting sagot ni Papa.

"Una na po kami. Mahal ko po kayo." And for the last time, I hugged them.

"Mahal din namin kayo nga anak." - Papa.

Tinulungan nila kaming magpasok ng gamit sa kotse. Kumaway muna kami bago nagdrive si Deanna palayo.

Sa hinaba-haba ng byahe, hindi ko namalayang nakatulog na ako.

.....

"Bb, nandito na tayo sa dorm niyo." Mukha ni Deanna ang bumungad sakin pagkamulat ng aking mga mata. Inikot ko naman yung paningin ko at napansing wala na si Mafe.

"Nasaan si Mafe?" I asked.

"Hinatid ko na po siya sa dorm nila bb. I didn't wake you up kanina because I know that you're tired." Nakangiti niyang sagot. Bumaba na ako at siya na ang nagbitbit ng gamit ko papasok ng dorm.

"Kumusta naman ang two days and one night stay niyo sa Laguna?" Natatawang tanong ni Ate Jia nang makapasok kami sa dorm.

"Sobrang saya Ate." Si Deanna ang sumagot.

A VolleyLife With You Where stories live. Discover now