♥60. Tosilog

Magsimula sa umpisa
                                    

"Ano pong ibig nyong sabihin?"- tanong nya.

"Gusto ko po sanang ipagluto ng agahan sila lolo bilang kahit konting pagbawi man lang sa tulong nila sa akin".- sabi ko naman. Excited na ako.

"Hindi pwede".- sabi ni manang. "Pero bakit po?".

"Mahigpit na pinagbabawal sa mansiyong ito ang pagpunta at pagtulong sa mga katulong na tulad namin dito sa kusina at kahit saang parte ng bahay na mga katulong lang ang nararapat".- sabi nya pa. Medyo makata pero naintindihan ko naman.

"Pero sige na po! Ako po talaga ang bahala kay lolo promise po yan!"- sabi ko ng dumiretso na ako sa ref para tignan kung anong pwedeng lutuin.

"Miss AJ, wag po pakiusap!"- pigil sakin ni ate Ely.

"Miss AJ, ayaw po naming mawalan ng trabaho".- dagdag pa ni ate Mia.

"Miss AJ".- sabay-sabay na saway nilang tatlo sa akin pero hindi ko ito pinapansin. Huminto ako saglit at tinignan ko sila.

"Magtiwala lang po kayo sakin. Hindi po kayo mawawalan ng trabaho kahit ako pa ang umalis dito".- sabi ko sa kanila. Nagkatinginan silang tatlo at natahimik. Tinignan nila ako na para bang natatakot sa binabalak ko pero sinuklian ko ito ng ngiti, bilang assurance na hindi ko sila ipapahamak. ^_^

Habang nagluluto ako nagkakwentuhan kaming tatlo. Si manang Feli pala ay 20 years ng nagtratrabaho sa mga McFord napa wow ako! Dahil halos kalahati ng buhay nya ay inilaan nya sa pagsisilbi sa mga McFord. Sila ate Ely at Mia naman ay ilan lamang sa mga tinulungan ni lolo Ian para maitaguyod ang kanilang mga pamilya. Mas lalo akong humanga kay lolo Ian sa pagiging matulungin nya. Ang bait nya talaga! Sobra! Psh! Bakit kaya hindi yun namana ng apo nyang hoodlum.

"Ang layo po pala sa apo nya"- sabi ko. Hala? Ô_Ô Bakit ko nasabi yon? Patay! >_<

"Naku miss AJ, sinabi nyo pa!"- sumang ayon saakin si ate Ely.

"Ang sungit at ang suplado!"-sabi naman ni Ate Mia.

"Ay naku kayo talaga! Wag kayong manghuhusga ng kapwa nyo lalo na kung hindi nyo gaanong kilala".- sambit naman ni manang Feli.

"Bakit po manang?"- tanong ko.

"Alam nyo bang yang si Ivan... Napakabait na bata nyan noon. Grade school yan at hinahatid sundo namin yan ng driver na si Fernan. Nasubaybayan ko ang paglaki ng batang yan".- sabi nya at naupo sya sa mataas na upuang cylindrical. "... Kaso mula nung sisihin sya ni master Adrian kung bakit na-coma si Lady Lory lagi nya na itong dinadamdam kaya nag iba ang lahat..."

"Master Adrian?... Lady Lory?"- tanong ko. "Sila ang mga parents ni Young master Ivan".- sagot ni ate Mia. Kung ganun... Yung lalaking nanigaw kay Ivan noong unang araw ng tutorial namin ay ang daddy nya. Eh ang mommy nya? Nasaan?

"Maging si master Adrian... Mabait sya, napakabait. Ngunit mula nung aksidente at na-coma si Lady Lory, pati sya ay nagbago. Naging mas masipag at mas ginugugol nya ang oras nya sa trabaho..."

"Kaya pati si young master Ivan ay galit sa kanya".- singit ni ate Ely.

"At idagdag mo pa yung first heartbreak nya!"- at aktong umiiyak pa si ate Mia. Ah.. Oo, nasabi nya na yun sakin.

"Ehem!"- lahat kami ay lumingon sa kung sino man ang tumikhim.

"Chef Jay!"- sabay-sabay nilang sambit. Hmm? Chef? o_O?

"At sinong nagluto?"- tanong nya saka sya dumiretso sa niluto ko. Pinagmasdan ko sya at mukhang nasa 20+ ang edad nya. Tinignan at inamoy nya ang niluto kong tosilog.

"Ah chef kasi ano..."- naputol ang sasabihin ni manang Feli.

"Ako ang nagluto bakit?"- sagot ko. Tinignan nya ako ng mataman. "Bgong katulong ka ba?"- tanong nya at umili g ako. "Hindi naman pala, eh ano?"- tanong nya. Aba? Mataray na chef to ah? At lalaki pa.

"Bisita sya rito chef Jay".- sagot ni manang Feli.

"Bisita?! Pero bakit sya nandito? At bakit nyo po sya pinagluto manang Feli, alam nyo namang baw---"

"Wag mo syang pagalitan?! Ako ang nagpumilit, wala silang kinalaman dito!"- sagot ko at saka ko kinuha ang niluto ko para ihanda sa mesa.

"Teka!"- pinigilan nya ako. "Wag mo yang dadalhin sa mesa kung ayaw mong lahat kami dito ay malagot!"- hindi ko sya pinakinggan at nagpatuloy lang. "Miss sinasabi ko sayo wag mong gagawin yan!"- sinusundan nya ako, ako naman binibilisan ko ang paglakad.

"Anong kaguluhan ito?".- natigilan kami ng mahuli kami ni lolo Ian. Tumingin sya sa amin, lalo na sakin. "AJ? Bakit ka galing sa kusina?"- tanong nya. "Ah kasi po..."

"Patawad po Lird Ian".- ate mia, sabay yuko.

"Kasalanan po namin".- ganon din ang ginawa ni ate Ely.

"Sa amin po ang kapabayaan".- dagdag pa ni manang Feli.

"Ipagluluto ko na lang po kayo ulit ng gusto nyong putahe Lord Ian".- isa pa itong mataray na chef na to!

"Anong ibig nyong sabihin?"- mariing tanong ni lolo Ian.

"Lolo, wag nyo po silang pansinin. Ako po talaga ang may kasalanan. Pinilit ko po silang payagan akong magluto. Gusto ko po kasing ipagluto kayo ng breakfast".- paliwanag ko sa kanya. Naku... Please gumana ka. >_<

"Aba?! Mukhang masarap yan ah?! Tara at kainin na natin".- excited na sabi ni lolo. Yes! ^=^ tinignan ko silang apat sa likod ko at saka ako ngumiti sabay kindat. Kita naman sa kanila ang gulat at relief na naramdaman nila.

Ivan's POV

Ramdam ko na ang gutom kaya tinanong ko ang maid na nagaayos ng kama ko.

"May almusal na ba?"- tanong ko.

"Opo young master".- sagot nya. Kaya naman tumayo na ako at tumungo sa dining area para mag almusal.

"Oh Ivan! Sakto ipapatawag pa lang sana kita para mag almusal. Tara dali! Tikman natin ang luto ni AJ".- salubong sakin ni tanda. Ano? Luto ni Aya?! ~___~ tinignan ko sya. Bakit aya nagluto? Hindi ba sya nasabihang bawal ang bisita sa kusina?

"Good morning po!"- masiglang bati naman ng kapatid nya napalingon ako rito. Naupo sila sa hapag kainan. "Oh, ano pang hinihintay mo apo? Upo na!"- naupo ako gaya ng sabi ni tanda.

Tinignan ko ang luto ni Aya at saka ko sya tinignan.

"Aba! Ang sarap! Anong tawag dito ha AJ?"- tanong ni tanda. Halata ngang masarap, ang saya nya eh.

"Tosilog po yan!"- sagot nya. Ano? o_O? Tosilog?

"Tosilog?"- tanong ko.

"Tocino, sinangag at itlog!"- sagot ng kapatid nya. "Alam nyo po kahit masungit yang ate ko masarap po yan magluto gaya ni mama!"- at masaya syang sumubo. Kaya pati ako sumubo na rin.

O_O ° ° ° aba? Masarap nga! Pwera biro! First time kong makatikim ng ganitong breakfast.

"Ang sarap talaga!"

"Salamat po lolo".- sagot nya. "Haha! Mukhang mwawalan na ng trabaho si Jay".- at nagtawanan ang mga maid. "Naku! Baka di na kita paalisin pa dito AJ".- sabi ni tanda.

"Ah lolo, tungkol po pala dun".- nahinto kami at tinignan sya. "Gusto ko po sanang sabihin na hindi po kaya ng hiya ko ang tumagal ng isa hanggang dalawamg buwan na tumira dito ng libre... Kaya naisip ko pong humanap ng marerentahan pansamantala at saka ko sasabihin sa mama".- paliwanag nya.

"Alam mo AJ, naisip ko na rin yan. Alam kong ayaw mong tinutulungan ka ng wala kang ginagawa bilang kapalit kaya naman..."- nagpunas si tanda ng bibig nya. "Naisip kong sa condo muna ni Ivan kayo tutuloy ng kapatid mo at paparentahan ko yun sayo ng abot kaya mula sa pagtututor mo".- sabi nya. Tangna! Bakit condo ko?"

"Hoy tanda! Balit condo ko pa?!"- mariing tanong ko.

"Apo... Hindi ka naman malimit na nandoon, ni hindi ka nga pumupunta doon eh. 1-2months lang naman".- sagot nya.

"Pero kahit na!"

"Okay lang lo... Wag na lang p---"

"Hindi! Buo na ang desisyon ko Ivan. Kung gusto mong pumunta doon edi sige, sayo parin naman yon. Parang bisita mo lang sila AJ doon".- sabi nya pa.

"Fine!"- sagot ko naman.

You Call it Fate, I Call it KarmaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon