Jill 23

10 0 0
                                    


Hindi masosolusyonan ang isang problema kung hindi ka gagawa ng action. Kung sa math ay may problem solving, ganun din siguro sa totoong buhay. May solutions o hindi kaya formula ang problemang kinakaharap.

Well, prbolema ko lang naman ang damdamin kong may nagustushan at isang karibal na kay aga-aga sinira ang magandang vibes ng buhay ko. Hindi ko siya dapat sisihin dahil tao rin siya at nagkagusto, pero si Nash talaga ang kinaiinisan ko.

Naka tunganga lang ako habang nakikinig sa discussion, pasok sa tenga labas sa kabilang tenga, ganun. Wala akong mintindihan!

Pasulyap sulyap din ako kay Alice minsan, at mas lalo akong hindi nakapagfocus. Seryuso si Alice na nakikinig kay ma'am nasa sahig niya ang bulaklak na binigay ni Nash.

Kung hindi kay Alice ang tingin, minsan sa blackboard or 'di kaya sa mga classmates kong nakanganga dahil hindi ma gets ang lecture pati na rin ako nakanganga pag sa blackboard ang tingin ko.

"Ngayong sabado na yong sayaw, remind ko lamg kayo" sabi ni ma'am

"Akala namin kinalimutan mo na ma'am" sabi ng classmate ko at ngatawanan sila.

"Para sa grades niyo iyon, kung hindi kayo mag paparticipate wala kayong grades "

Naghiyawan naman sila sa sinabi ni ma'am at naging maingay ang classroom hanggang sa nag bell at tapos na ang klase.

-

"Oy Luck, si Alice oh" sabi ng classmate namin kay Luck, at ang walang hiya kumain lang. Nagtawanan naman yong nang-aasar kay Luck.

Tiningnan ko ang kaibigan ko na busy sa pagkain at mukhang walang pakialam kahit na inaasar na siya.

Nakaupo lang si Alice sa table niya at kaharap si Beth at Amara. May isa ko pang classmate na lumalapit kay Alice at nang-uusisa pero iling lang ang natanggap galing kay Alice.

"Wala akong gusto sa kanya Jill, tinulungan lang kita"

"Mas lalo kang aasarin ng classmates natin dahil sa ginawa mo kanina, hahaha ang lakas ng loob" sabi ni Kabe kay Luck. Nagkibit balikat lang si Luck

"You need courage... "

Napatingin kami sa nagsalita.

"At walang ganun si Jill" sabi ni Tendo.

Pigilan niyo ko at masapak ko to.

Tumawa lang si Luck at Kabe, buti na lang at wala si Semi at Lumier.

"Pabebe mo Jill, palagi kang nauunahan" sabi ni Luck

"Huwag kang magsalita naiinis ako sayo"

"Hahahaha"

"Rambulan na dis"

Nagpatuloy lang ako sa pagkain dahil gulong-gulo pa ako. Magulo ang nangyari pero mas magulo ako.

Binalik ko ang tingin kay Alice hindi niya mamapansin na nakatingin ako sa kanya dahil nakatalikod siya sakin, at mukhang busy naman siya sa pakikipag-usap.

"Hanggang tingin na lang..." pakantang sabi ni Luck

"patingin-tingin.. "

"Manahimik na lang kayo, hindi kayo nakakatulong" sabi ko.

Tumahimik naman sila dahil nakabusangot na ako, nagpipigil na tumawa si Luck kaya binatukan siya ni Kabe.

Hindi sila nakakatulong, buhay nga naman.

-

Hapon na at wala kaming practice, may usapan pa kami ni April at pupuntahan ko pa siya. Ano kaya ang sasabihin niya?

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jan 20 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Living Next Door To AliceWhere stories live. Discover now