Jill 11

9 1 0
                                    


Matapos ang laro namin marami ang nanood. At nakita ko sa gilid ko ang iilan sa mga taga basketball team at kasili na ‘ron si Nash na nakatingin sa akin, sa akin nga ba? ‘Bat naman siya titingin sa akin?

Hindi ko na pinansin sila at busy na ako sa pagliligpit. May mga iilang estudyante rin ang lumapit kina captain at ilan pa sa amin.

“Ang galing mo pa lang maglaro Jill”

Tiningnan ko kung sino ang nagsalita at si April iyon.

“Marunong lang” at nginitian siya.

Nakita ko naman na nakatitig siya sa akin ng ilang minuto. Kinaway ko naman ang kamay ko kung okay lang ba siya.

“Earth to April”sabi ko

“Ha? “

“Okay ka lang? “pagtatanong ko. Yumuko naman siya at tumingin sa akin ulit.

Tiningnan ko naman siya at nakita ko na naglilikot ang mata niya.

“Kailangan ko na palang umalis Jill”

Tumango naman ako sa kanya, hindi ko na siya narinig na nagsalita kaya dinampot ko na ang bag ko. Tinawag naman ako ni Tendo, sabay daw kami magbibihis sa Cr.
Hindi na ako sumama pabalik sa gym para ilagay yung mga bola, mukhang kaya naman nila.

Naglakad kami ni Tendo at ilan sa kasama namin sa volleyball papuntang Cr. Sumama si Semi sa pagdadala ng mga bola, nautusan yata. Kaya kami lang ni Tendo.

Wala namang kibo si Tendo. Alam niyo na na hindi siya pasalita. Kaya tahimik kaming dalawa na nagbibihis, dapat magbihis, kasi sobrang pawis namin at baka magksakit kami, mas malala ‘yun.

Nang matapos lumabas na kami at wala ng masyadong tao, medyo pagod ang katawan ko at kailangan ko pang umuwi sa amin.

“Tendo una na akong umuwi, hindi na ako sasabay sa inyo ni Semi” sabi ko

“Okay” sagot niya at tumango naman ako kaya naglakad na ako paalis ng school, naghihintay naman si Tendo kay Semi.

Mag-aaral pa pala kami ni Alice mamaya, feel ko talaga hindi ako makapag-concentrate kasi pagod ako at gusto ko lang matulog, ‘bat may practice pa kami, eh may exam bukas? T_T

Nang makarating ng bahay dumeretso ako sa kwarto, I'm exhausted.

I inhale dahil sa pagod, may kumatok sa pinto ng kwarto ko at pumasok ang kapatid ko. Bumangon naman ako mukhang may kailangan ito sa akin. Lumapit naman siya sa akin.

“Kuya magpapaturo ako sa assignment ko” sabay pakita niya sa akin ang notebook at libro niya. Lumipat kami sa study table ko para mas comfortable, siya ang pina-upo ko sa upuan at ako nakatayo sa may gilid niya para maturuan siya.

Ang assignment niya ay tungkol sa adjective. I-write down lahat ng adjectives na mababasa sa story. Ilang minuto rin ang ginugol ko sa pagtuturo sa kapatid ko. Bigla namang tumunog yung cellphone ko. At may text galing kay Alice.

From:Alice

Jill magtext ka na lang sakin kung pupunta ka na dito.

Nag reply naman ako.

To:Alice

Cge, ite-text kita:-)

Hindi na siya nag reply. Tinawag naman kami ni mama dahil kakain na raw. Pagkatapos kong kumain tska ako maliligo.
Kinarga ko naman ang kapatid ko pababa dahil nagpakarga. Nang makarating sa dining table nakahanda na ang pagkain at nagsimula na kaming kumain.

“Ma pupunta pala ako kina Alice after kumain, may exam kami bukas mag-aaral kami”

“Hindi ka ba pagod Jill? “pagtatanong ni mama

Living Next Door To AliceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon