Jill 01

65 4 0
                                    

Jill's POV

The sunlight passes through the window in my room, it reminds me that this day is another day of life.

Bumangon na ako para maghanda dahil ito ang pani bagong araw para pumasok sa school at ito na rin ang huling taon ko sa high school.

I'm happy because this is my last year in  high school, but a part of telling me that when i go to college everything is different.

Umiling ako sa iniisip ko, hindi pa ako guma-graduate college na ang iniisip ko.

Lumabas nako sa kwarto at nakita ko si mama na nagluluto, at ang kapatid ko na man ay naghahanda para pumasok sa school.

July nag sta-start ang klase namin, June naman sa kapatid ko, mas na una ang kapatid ko na nasa grade two na. Lumapit ako kay mama at tiningnan kung ano ang niluluto niya, usually beef loaf at itlog ang niluluto niya. Lahat ng stock ng foods nami puro can goods o hindi kaya noodles, yung mga pagkain na mabilis lng maluto.

“Jill! bat hindi ka pa naliligo? “ sigaw ni mama kahit na nasa may gilid lng niya ako.

“Ma ang lakas ng boses mo, tiningnan ko lng niluluto mo pero wala namang bago” simpleng sagot ko.

“Huwag ka ng magreklamo pasalamat ka may kinakain ka yung iba nga dyan walang makain” ayan na naman ang mga letanya niya, napangiti na lng ako sabay alis sa gilid niya at naglakad ako papuntang sala dahil titingnan ang oras.

Its 6:35, my class starts at exactly 8:00 may oras pa, ayaw kung malate hindi dahil first day of school na okay lng ma late, pero ayaw ko talagang ma late takot akong ma warning.

Pumunta nako ng Cr to do my morning routine, well bilang isang esyudyante dapat marunong kang mag time management, isa ito sa mga importanteng bagay na dapat mong gawin para hindi ka mahihirapan kung sakaling darating ang time na magkapatong-patong ang mga gawain.

Mabilis lang akong natapos at pagkabalik ko sa  dining table mabilis lang din ang ginawa kung pagkain.

Nakasuot na ako ng uniform at nakaharap ako sa salamin. Tiningnan kong maigi ang sarili ko, well gwapo naman as always.

Kinuha ko na ang bag ko at nag paalam na sa mama ko.

“Ma! Alis nako!”

Lumabas na ako ng bahay namin at sa hindi inaasahan lumabas rin si Alice sa bahay nila.

My day will be completely beautiful, dahil nakita ko si Alice my long time crush. We're friends, neighbours and classmates.

“Alice!” tawag ko sa kanya. Tumingin naman siya sakin at sabay kaway.

“Jill pupunta ka na sa school? Sabay na tayo.” sabi ni  Alice

“Oh, sabay na TAYO” sagot ko sa kanya and i give her my sweetest smile.

-

Dumating na kami ni Alice sa school dahil sabay kaming pumunta dito. Hindi kami na late. Katulad ko rin si Alice na ayaw rin niyang malate.

“Jill una na ako, pupunta pa ako ng faculty room” sabi ni Alice.

“Okay, see you sa room.” sagot ko sa kanya.

Umalis na siya sa tabi ko at tinahak na ang daan papuntang faculty room. Well kami ni Alice matagal na kaming magkaibigan, at hanggang magkaibigan lang kami.

I felt a little pain in my chest when i thought that idea. Winaksi ko naman ang iniisip ko, ano naman kong magkaibigan kami. I'm happy for that kasi magkakilala kami and we're not strangers.

Living Next Door To AliceWhere stories live. Discover now