Jill 19

6 2 0
                                    


Nakahiga ako ngayon sa kama, well maaga pa naman pero kailangan ko ng magpahinga, nakakapagod kaya ang maglaro.

Gusto ko ng ipikit ang mga mata ko at matulog pero hindi ako makatulog. Haynako, baka naman sa oras nato may nag-iisip sakin kaya hindi ako makatulog, at sino naman ang nag-iisip sakin sa oras nato?

Bigla namang tumunog ang cellphone ko, kinuha ko iyon at tiningnan kong sinong ang nag-text. Nakita ko naman na pangalan ni Luck ang nasa notification ko.

From: Luck

Jill may practice bukas. Venue sa bahay namin. Your presence is a must!

To:Luck

What time?

Magte-text na may practice hindi naman nagbibigay ng oras.

From:Luck

9:30 AM

To:Luck

Feel ko Late ako makarating diyan bukas.

From:Luck

Feeling mo lang yan. Humanda ka sakin pag hindi ka makakarating!

Hindi na ako nagreply sa text ni Luck bahala siya. Hahaha...

-

The next morning

"Kuya gising! "

Nakapikit pa ang mata ko pero rinig na rinig ko na ang boses na kapatid ko sa labas ng kwarto ko. Anong oras na ba?

"Gising na ko"

"Baba ka na kuya may bisita ka"

Bisita? Sino na man ang pupunta rito sa bahay nang ganito kaaga? Wait lang anong oras na?

Kinuha ko yung phone ko at laking gulat ko na 10:12 am na. Sh*t yung practice namin! Dali dali kong inayos ang kama ko, nang matapos natataranta akong binuksan ang pinto ng kwarto at mas lalo akong nataranta ng nasa harapan ko si Luck na hindi maipinta ang itsura, mukhang galit ata siya. Ngumiti ako ng pilit sa kanya.

"Goodmorning! "

Iyon na lang ang nasabi ko at binigyan niya ako ng tingin na nagsasabi na hindi good ang morning ko tarantado, ganun.

"Hindi ka late, sadyang hindi ka tutuloy"

Nagkamot naman ako ng ulo. Napasarap ang tulog ko kaya hindi ako nagising, at tsaka nakalimotan kong mag set ng alarm.

"Masarap tulog ko"

"Che! Tulog mantika ka. Kasama ko sila andiyan na rin si Tendo dito na tayo sa inyo magpapractice". Sabi niya sakin at tiningnan niya ang mukha ko.

"Maghilamos kana may muta ka oh"

Tinuro naman niya yung mata ko, at napahawak naman ako sa mata.

"Sige na baba ka na Luck, susunod ako" sabi ko.

Umalis na siya sa harapan ko. Dumeretso ako sa CR para manghilamos, hindi na ako maliligo hindi naman ako mabaho.

Nang matapos bumaba nako, si Kabe lang ang nasa sala nanonood ng tv kasama ang kapatid ko, napansin ko naman na maingay sa labas, nagsisimula na siguro.

"Jill kumain ka rito, ikaw na lang hinihintay ng mga classmates mo"

"Opo ma"

"Jill goodmorning" sabi ni Kabe

Tumango lang ako at pumunta na sa hapag kainan at nadatnan ko si Tendo na kumakain. Sumubo siya ng pagkain bago ako nginitian. Lumapit naman ako sa lamesa para kumain.

Living Next Door To AliceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon