Jill 05

22 1 0
                                    


Well its Friday parin at hapon na. Tiningnan ko ang relo ko at 4 pm na ng hapon. Tska dismissal na namin. Nandito pa ako sa room dahil isa ako sa sweepers. Yes, Friday sweepers ako at pagkatapos nito pupunta pa ako ng gym dahil may practice. Kainis naman oh.

Iniwan nila ako, hindi man lang ako hinintay ni Tendo, masama rin ugali non.Umuwi na si Luck kasi feel niyang umuwi ng maaga. Wala namang pasok bukas at friday ngayon maraming mga students ang gagala pa.

Sabi niya lang sa akin " Uuwi ako ng maaga dahil may gagawin pa ako. At para sa iyo ito pre, kaya you owe me ng libre sa susunod" tumawa siya ng malakas at tumawa naman ako ng mahina kasi alam ko na may pinaplano itong hindi ko magugustuhan.

"Jill, ibigay mo nga itong mop sa kabilang section, nanghihiram sila" tawag sa akin ng ka-sweepers ko sabay abot ng mop. Kaya pumunta na ako sa kabilang section para ibigay yung mop.

Nang marating ko na ang kabilang section. Binigay ko na ang mop na hihiramin nila. Aalis na sana ako ng may tumawag sa akin si April.

"May kailangan ka April? "tanong ko sa kanya, naging classmate ko siya noong elementary, pero nang tumuntong sa Highschool naging schoolmate ko na siya.

"Balita ko raw sumali ka sa volleyball team" sabi niya na medyo nahihiyang sabi, tumango naman ako.

"Ah kailangan ko ng bumalik may practice pa ako April" sabi ko sa kanya,tumango naman siya at parang nahihiya talaga siya sa akin.

Naglakad na ako balik sa room, nang hindi pa masyadong nakalayo sa room bigla na lang sumigaw si April.

"GOOD LUCK JILL!".

Maraming nakarinig dahil nasa may hallway ako, nilingon ko naman siya at nag thumbs up siya sa akin. Ngumiti ako sa kanya at kumaripas na ako ng takbo dahil sa kahihiyan. Bat naman siya sumigaw pwede naman niyang sabihin nong nag-usap pa kami. Kailangan talagang ipagsigawan?Nakakahiya.

Nang bumalik ako sa room tapos na mai-arranged ang mga arm chair at ako naman kumaripas na naman ng takbo papuntang gym dahil may practice kami at late na ako. Papagalitan ako ng captain namin.

Pagkadating ko, of course nagsimula na ang practice at pinagalitan ako ni captain pero hindi ako pinagalitan ni coach. Hihihi. Si Semi tawa ng tawa dahil pinagalitan ako. Second day ko pa lang sa practice nagbigay na ako ng bad impression sa kanila, at nawala talaga sa isip ko ang time management.

Hindi muna kami gagamit sa full court kasi may mga taga basketball team, kaya half court muna. Nilagyan naman ng harang para hindi mapunta sa kabilang court yung bola.
Nakita ko naman si Nash na nakaupo at kausap yung kasamahan niya. Bigla namang umakbay sa akin si Semi.

"Gusto mong magbasketball? "tanong niya, sinikuhan ko naman siya at tumawa lang ang kumag. Tinawag na kami ni Tendo dahil mag wa-warm up daw.

Pagkatapos naming magwarm-up, nagpractice kami ng serving at receiving ng bola. Ilang oras din yun bago nagkapag decide si coach na maglaro kami. Kasama ko si Semi at nasa kabilang team si Tendo. Nasa Middle ako naka position, kung baga middle blocker. Char.

Ang magseserve ng bola ay yung team namin. Si Neil ang mag-seserve, si captain naman nasa kabilang team, hindi okay, kasi si captain din ang Ace ng team namin. Feel ko matatalo kami. Nag whistle na si coach at nagserve na si Neil, na received naman ng maayos ng libero sa kabila at nakahanda na ang setter para i-set ang bola.
San kayang direksyon ipopoint ng setter.

Nakaposisyon na ako at handa ng i-block ang bola, nakita ko naman sa katawan ng setter na sa left niya ipopoint ang bola, at tama ako dali dali akong pumunta sa left. Lintek naman si captain ang magspi-spike. Tumalon ako para iblock siya.

Living Next Door To AliceOnde histórias criam vida. Descubra agora