Jill 20

9 0 0
                                    


“Nag practice kayo kahapon Alice?“ tanong ni Luck. Nandito parin kami sa bahay, at naka upo ako sa tabi ni Tendo, iyong kapatid ko tinatapos ang kinakain.

“Oh, kina Beth. Kumusta practice game niyo Jill? “ tanong niya sakin na hindi ko napansin na nakatingin na pala siya sa banda ko. Buti na lang at wala si Semi, madaldal pa naman ‘yun at si Tendo naman mapagkakatiwalaan naman siya kaya okay lang.

“Masaya naman lalo’t na first time ko” sagot ko sakanya at ngumiti.

Mabuti na lang at tahimik si Tendo, si Luck naman na kanina mukhang galit dahil sa hindi ko pagpunta on time sa  bahay nila ay nawiwili ng nandito si Alice. Madaldal pa naman ito.

“Alice tingnan mo nga ang sayaw namin, kong okay lang ba sayo? “

Hindi talaga nahihiya si Luck at nasabi niya iyon kay Alice, tumawa naman ang makapal ang mukha.

“Luck huwag oi, nakakahiya”

“Oo nga, baka pagtawanan tayo niyan” sagot ng kasamahan namin.

“Grabe naman kayo hindi naman ako mean para tawanan kayo” sagot ni Alice.

“Tingnan mo lang Alice kong saan kami magkulang or need pa namin ng improvement “sabi ni Kabe. Sumang-ayon pa talaga siya sa suggestion ni Luck.

Kinakabahan ako, hindi ako sang-ayon sa sinasabi dahil nakakahiya talaga. Pero wala na akong magagawa dahil pumwesto na sila sa kanya-kanyang lugar.

“Jill! “ sita ni Luck sa akin. Sumunod naman ako sa kanila at nakapwesto na.

“Alice paki play yong music “sabi ni Luck.

Nang tumunog na ang sayaw namin sumayaw kami, na memorize ko na ang ilang steps pero iwan ko ba at nagkakamali ako, natapakan ko pa ang paa ni Tendo. Seryuso namang nakatingin si Alice samin, walang halong pambabadya ng pang-aasar sa mukha niya. Ako lang siguro itong maraming iniisip.

Natapos ang sayaw namin nagcomment pa si Alice, nag suggest din siya ng mga steps. Umupo ako malapit sa kinauupoan ni Alice, buti na lang at busy si Luck at hindi nang-aasar.

“Tubig oh”

Tiningnan ko ang baso na nakalahad sakin at hawak ni Alice. Kinuha ko iyon at sakto namang nahawakan ko yung kamay niya.

“Ahermm”

Napahawak na lang ako bigla sa baso, binaba naman ni Alice amg kamay niya, at nag-iwas ng tingin?

“Salamat” sabi ko.

Pagkatapos kong sabihin, tumingin ako sa gawi ni Tendo dahil alam ko nga siya yong tumikhim.

Hindi siya nagsalita, pero hinawakan ang lalamunan niya na parang nagsasabi na makati lalamunan niya. Ngumuso naman ako at kinangiti niya.

“Guys, iyon na ang steps, i-memorize niyo baka pagtawanan tayo sa actual” seryusong sabi ni Luck. Nakatingin ako sa kanya pero minsa sumusulyap din ako kay Alice.

“Okay dismiss na tayo, lunch na eh”

Naging masaya ang pagod na mukha ng mga kasama ko dahil uwian na at half day lang kami. Busy naman sila sa pagpupunas ng pawis at ako naman kinuha yung mga baso na ginamit nila at dinala sa lababo para hugasan. Narinig ko sa labas na nagtatawanan sila kaya pinabayaan ko na lang dahil naghuhugas ako ng baso.

Kinagulat ko naman ng nilapag ni Alice sa sink ang nilagyan ng carbonara. Maraming beses na akong nagulat pagganito kalapit si Alice, yung paglapit na hindi sinasadya at wala kang alam. Hindi naman ako ganito dati.

Living Next Door To AliceUnde poveștirile trăiesc. Descoperă acum