Jill 18

5 0 0
                                    


Kilala pala ni Tendo yung Samuel na yon. Wala naman akong alam dati kasi baguhan lang naman ako dito.

“Anong nangyari sa kanya bakit wala na siya sa volleyball? “ tanong ko kay Tendo, naging tsismoso nako ah. Dapat ko lang alamin kong sino yung nanakit sa akin. Reresbakan ko!

Nagkibit balikat lang si Tendo, “Ewan ko”.

Hindi na ako nagtanong dahil wala naman akong makukuha na information kay Tendo, bumalik nako sa panonood sa naglalaro.

“Bakit kaya magkilala si Nash at Samuel”

Napalingon ako kay Tendo dahil sa sinabi niya.

“Pwede ba Tends huwag mong i-mention ang pangalan na yan.”

“Sino? Si Nash o Samuel? “

Nambubwesit talaga 'tong si Tendo

“Both! “

Napanguso naman si Tendo at tumingin din sa naglalaro. Binawi ko na ang tingin kay Tendo at pinanood ko na lang ang mga kasamahan ko na naglalaro.

“Thank you for the nice game” sabay naming sabi sa team Knights. Nagshake hands kami matapos ang practice game. Nakipag-usap pa si coach sa coach ng team Knights.

“Buti naman at maaga tayong natapos ngayon” sabi ni Semi at ininat pa niya ang braso niya.

Niligpit ko na ang mga gamit ko, like towel, extra shirt, water bottle and etc.

“Masakit ang tiyan hah”

Napatingin ako sa nagsalita at walang iba si Yenba na may nakaplaster na pang-aasar sa mukha.

Lumapit naman si Tendo at binigyan niya ako ng snow bear na candy. Nagtaka naman ako bakit niya ako binigyan, eh hindi naman ako ng hihingin. Tiningnan ko si Tendo at pinakita ko pa ang palad ko kung saan nakalagay ang candy.

“Candy” sabi niya.

“Ah okay”

Iyon na lang ang nasabi ko. Alam kong candy Tendo.

“Pampawala ng sakit ng tiyan Jill” sabi ni Yenba at tumawa. Nang-aasar ang isang toh.

Nawala na yung pagkailang ko kay Yenba, friendly naman siya. Pero kung unang kita mo pa sa kanya masasabi mo na lang na intimidating o hindi siya friendly, pero kabaliktaran ang lahat ng iyon.

Nagpaalam na kami sa team Knights at may iba na sumama sa amin palabas. Naglakad na kami paalis ng gym kasama ko si Tendo at si Yenba na sumama rin. Si Semi ayon nakipagkulitan kay Owen.

“Ano pa lang nangyari sa Cr at ang tagal mong nakalabas? “tanong ni Yenba. Napalingon naman si Tendo sakin.

“Hindi ko naman sinasadyang narinig ang pinag-uusapan nila” sabi ko. Pagnaalala ko yun naiinis ako.

“Gusto kong gumanti dahil may atr—“

Napahinto ako bigla sa sasabihin ko dahil muntikan ko ng masabi. Tumingin ako kay Yenba na mukhang nagtataka sa hindi pagtapos sa sinabi ko.

“Wala” iyon na lang ang dinugtong ko at nagpatuloy na sa paglalakad.

Nang makarating sa sasakyan una ako pumasok at naupo malapit sa bintana, buti naman at nauna ako. Tumabi naman si Tendo sa akin ng upo at tahimik lang.

Hanggang sa umalis na kami at lahat napagod dahil hindi maingay ang sasakyan. Nakatingin lang ako sa labas ng bintana at tinitingnan ang mabilis ng transition ng mga bahay at puno.

Living Next Door To AliceWhere stories live. Discover now