Jill 04

26 1 0
                                    

Haiyst sobrang sakit ng katawan ko, practice pa nga lang yun kahapon pero para na rin akong naglaro ng totoong game. Wala akong ganang pumasok ngayon, napilitan lang.

Lumabas na ako ng gate sa bahay namin. Hinilot ko naman ang mga braso ko dahil sa sakit pati na rin balikat ko. Parang gusto ko ng mag-quit.

"Jill good morning!" napaayos ako bigla ng tayo at kumabog ang dibdib ko dahil sa pagsigaw ni Alice. Nang nakalapit siya sa akin binati ko rin siya ng good morning.

"Anong nangyari sayo? " tanong niya habang naglalakad kami papuntang school.

"Masakit ang katawan dahil sa practice kahapon" sagot ko sa kanya. Hinilot hilot ko ang mga braso ko baka maibsan ang pananakit.

"San banda ang masakit?"tanong niya at nagulat na lang ako kasi bigla niyang hinawakan ang balikat ko at sabay pisil nito. Hindi ko maiwasang kabahan dahil sa hatid nang pagpisil niya sa balikat ko.

"Masakit diyan" sabi ko sa kanya. Sinabi ko naman sa kanya kung saang parte ang masakit para mahilot. Maharot lang. Hahaha, babawiin ko na ang sinabi ko kanina na mag-quit. Kung ganito lage, ay araw-araw na akong mag-prapractice.

"So pumayag kana na sumali sa volleyball team?"tanong niya.

"Oo,kaya nga masakit katawan ko eh" sabi ko sa kanya.

"I massage mo nga ulit Alice" pag-uutos ko sa kanya sabay lapit ng likod ko sa kanya. Hinampas niya naman ako at tumawa siya, natawa na lang din ako .Binigyan niya ako ng Salon Pas para daw maibsan ang pananakit ng katawan ko.
After 10,000 hours nang paglalakad nakaabot na rin kami sa school.

Friday ngayon at wala namang masyadong pinapagawang activity, nagcopy lang kami ng notes at nag study period para sa upcoming exam.

"Kumusta Practice ng volleyball?" tanong ni Kabe.

"Well masakit sa katawan, pero okay naman dahil kaninang umaga minassage lang naman ni Alice yung likod ko habang papunta kami rito sa school" pagpapaliwanag ko kay Kabe. Nagulat ako kasi hinampas niya ang balikat ko, kaya medyo naging masakit.

"Talaga? May improvement na pala kasi may pa massage na. Good choice ang pagsali mo sa volleyball team"sagot niya, bumawi ako ng hampas sa kanya dahil ang sakit talaga ng pagkakahampas niya.

"Tarantado ka Kabe!"medyo may galit na sabi ko sa katabi ko at tumawa lang ng mahina ang hinayupak.

Sa kalagitnaan ng klase nag-excuse akong pumunta ng Cr, kasi gusto kong mag-cr. Pinayagan naman ako ni ma'am kaya lumabas na ako.

Nang makarating ako ng Cr, well I do the normal thing pag nasa Cr. Hindi pa ako tapos ng biglang may pumasok na tatlong lalaki. Kilala ko sila at yung isa siya iyong captain ng basketball team.

Actually lima ang section namin, at ako kahit hindi masyadong katalinohan pero may ibubuga naman ay nasa first section. Sa second section naman si Lumier at Semi.

Speaking of Lumier hindi ko siya masyadong nakita ngayong araw,puntahan ko kaya siya sa classroom nila.

"Dude kailan mo liligawan si Alice?" nagpintig ang tenga ko sa tanong ng isa sa kanila. Pasimpleng tiningnan ko kung sino ang hinayupak na yun ang gustong manligaw kay Alice.

Nakita ko na tumawa yung captain ng basketball team na si Nash. Tangina naman oh. Dali dali kung tinapos ang pagsi-Cr ko at palabas na sana ako ng marinig ko ang sagot ni Nash.

"I will ask her first to go out with me in a date, kung papayag siya"

Kumuyom ang kamay ko sa narinig, may rival na pala ako at isa pa talagang captain.
Marami bang nagkagusto kay Alice? O ako lang itong hindi napansin na may nagkagusto sa kanya.

Living Next Door To Aliceحيث تعيش القصص. اكتشف الآن