Hindi ko siya matignan kaya hindi ko alam kung nakatingin ba siya sa'kin pero naglakas loob akong magsalita.

"Para saan po 'to?" huminga ako ng maluwag sabay na inilapag ang supot sa maliit na table dito sa room namin.

"That's for you dinner tonight," napatango ako matapos niya akong sagotin sa tanong ko.

"Ikaw? Hindi ka ba kakain?"

"I ate already," he answered in a cold tone.

Napatango ulit ako. Inisip ko rin na bumalik na sa dati ang lahat dahil bumalik na ang Sir Aldrich na kilala ko. Ang malamig na boses niya ang sumampal sa'kin na hindi dapat ako mag illusion. That the kissed we did earlier was just a mistake and need to be forgotten.

"Thankyou dito," usal ko pero hindi na niya pinansin at nakatuon lang ang atensyon niya sa kaniyang laptop.

Kailangan ko rin pa lang tawagan bukas si Sir Junnie para mag update sa kaniya. Bukas din kasi kami magsisimulang e-tour ng mga staffs dito.

Maaga rin dapat kaming matutulog ngayon dahil gigising kami ng maaga bukas.

Pagkatapos kong kumain ay nakapag toothbrush na ako. Nakapag bihis na rin ako ng short na magiging pantulog ko ngayong gabi.

Inayos ko na ang mga unan sa kama at naglagay na rin ako ng dalawang unan sa gitna. Sinusulyapan ko rin si Sir Aldrich na seryoso ang tingin sa laptop niya.

Nabalot kami ng katahimikan sa loob at kung alam ko lang na ganito ang mangyayari sa amin sana'y di na ako pumayag sumama sa kaniya.

"Matutulog na po ako, matulog na rin po kayo. Goodnight," sambit ko. Humiga na ako sa kama at hindi na hinintay ang isasagot niya sa'kin dahil alam ko namang hindi na siya magsasalita.

Sinubokan kong ipikit ang mga mata ko para makatulog na pero hindi ko akalain na sa pag pikit ng mga mata ko ay kasabay din nang pag bitiw ng mga salita ni Sir Aldrich.

"After this night, We'll forget everything. Let's act that there's nothing happened. It was just a simple mistake, Goodnight." kay lamig ng hangin ang boses niya at parang kay lalim rin ito ng dagat. Hindi na ako umimik at hinayaan ko na ang sarili kong makatulog.

Tulad niya'y gan'on rin naman ang gusto kong mangyari.

Kinabukasan ay maaga kaming nagising tulad ng inaasahan. Si Sir Aldrich ang unang nagising kaya siya ang unang nagpunas ng katawan at sumunod naman ako. Nag sabon lang ako at conditioner. Hindi na ako naglagay ng shampoo dahil naglagay na ako kagabi at baka masira lang ang buhok ko kasi maliligo rin ako mamaya pagbalik namin dito sa hotel.

Nagdadalawang isip ako kung isusuot ko ba 'tong binili naming one piece ni Sir Aldrich sa SM. Sinabi ko kasi sa kaniya na baka mag rurushguard lang ako dahil hindi ako sanay mag swim suit at wala ako 'non pero nagpumilit siya sa'kin na bibili kami ng one piece at ang nakakainis pa ay lima ang binili niya para raw hindi pabalik balik ang isusuot ko.

Nang maalala ko ang pangyayaring 'yon ay napangiti ako dahil minsan lang naging gan'on sa'kin si Sir Aldrich.

I end up wearing this orange one piece that are fit to my skin tone. I also paired black short and see-through white blazer.

Na una nang lumabas sa'kin si Sir Aldrich kaya malaya akong nakapagbihis sa room namin. Inayos ko na ang mga dadalhin kong gamit lalo na ang camera na gagamitin.

We need to take a lot of pictures sa bawat sulok ng resort nila dito lalo na 'yong magagandang view. Iyon kasi ang binilin sa amin ni Sir Junnie na dapat naming gawin.

"D'yan ba tayo sasakay?" bungad na tanong ko kay Sir Aldrich nang makalabas na ako ng hotel. Pareho kaming nakatingin sa isang lalaki na nag aayos ng bangka.

The Lost Memory (Completed)Where stories live. Discover now