Be my girl? Pashnea.

"I will not go back on the hotel unless I am with you. Wherever you go, I'll come with you. I don't want that there's something bad happen to you here. So please, let's go back." malambing ang pagkakasabi niya sa'kin.

Hindi ko alam kung ano 'tong nararamdaman ko pero pakiramdam ko ay may taong nag iingat sa akin at ayaw niya akong mapahamak.

Sa kalagitnaan ng pag iisip ko ay may dumaang nagtitinda ng sorbetes. Pinapatunog ni manong ang dala niyang maliit na bell. Napangiti ako at parang gusto kong kumain ng sorbetes ni manong.

Napasulyap ako kay Sir Aldrich na ngayon ay nakatingin din sa nagtitinda ng sorbetes.

Nagulat ako nang lumapit siya kay manong at may tinanong siya rito. Binigyan naman siya ni manong ng dalawang pinipig at isang maliit na box ng choco ice-cream. Binigay naman agad ni Sir Aldrich ang bayad.

Nagmamadaling bumalik sa kinaroroonan ko si Sir Aldrich at binigay niya sa'kin ang binili niyang ice-cream. Isang pinipig at isang maliit na box. Hindi ako makapaniwala na binilhan niya ako kaya malugod ko itong tinaggap.

"Thankyou po Sir Aldrich," hindi mawala ang ngiti sa mga labi ko. Binuksan na rin ni Sir Aldrich ang isang pinipig na binili niya.

"Your welcome, you know what? This is my favorite ice cream when I was a kid." aniya at nakaramdam ako ng tuwa kasi parang ang dating Aldrich na ang kasama ko ngayon. Iyong sinasabi ni papa na mabait.

"Ito rin po ang paborito kong kinakain noon. Thank you ulit Sir," nakangiti kong sambit.

"I think you're not mad at me now," natatawang usal niya sabay kindat sa'kin.

Nawala nga ang inis ko at napalitan ito ng saya kasi hindi ko aakalain na may tinatagong sweetness din pala ang isang rude na taong tulad ni Sir Aldrich.

End of Flashback

"Why are you smiling?" he asked out of curiosity.

Nakarating na rin pala kami sa room na tutuloyan namin kaya sabay kaming pumasok kasama 'yong isang staff dahil may inayos siya sa loob.

"Wala po," usal ko at inayos ang pagkakatabi ng dalawa kong maleta sa gilid ng kama. Iisang kama ulit ang tutulogan namin dito.

"What are you thinking?" kuryos ulit na tanong niya.

"Sa akin na po 'yon," sagot ko. Napaka chismoso naman nito.

"Maybe, you're thinking of me?" he chuckled.

"I'm not," giit ko.

"You're lying and I saw it to your eyes," aniya pero hindi ko na lang siya pinansin.

"Enjoy your stay Sir, Ma'am. I'll go ahead." paalam 'nong isang staff matapos niyang ayosin 'yong inaayos niya kanina. Tumango ako at nakangiti pa iyon bago umalis, mukhang iniisip niya na mag jowa kami ni Sir Aldrich.

"I think, I need to speak tagalog here." I immediately looked at Sir Aldrich after he said those. Speaking tagalog?

Ngayon ko lang napagtanto na hindi ko nga siya narinig magsalita ng tagalog dahil puro english ang sinasabi niya.

Mabuti na lang at hindi niya nakalimotan umintindi ng tagalog.

"Kayo po, nakakaintindi pa rin naman po sila ng english dito kahit iba ang language nila pero mas maganda kung susubukan niyong magsalita ulit ng tagalog," wika ko. Iniisip ko rin na mas mabuting mag tagalog siya dahil nandito siya sa Pilipinas at wala sa America.

The Lost Memory (Completed)Where stories live. Discover now