28

368 20 0
                                    

"Hey,wake up.Gutom na ko.Hindi ako kakain ng hindi ka kasabay."isang boses ang gumising sa akin mula sa himbing ng pagkakatulog ko kagabi.

"Eh inaantok pa ko eh.Una ka na."sabi ko kay kuya habang nakapikit pa rin ako.Sinong hindi masasarapan sa tulog kapag naka-aircon diba?

"Bahala ka mag-8 na,papasok ka pa diba?"narinig kong nag-lock ang pinto ko dahil sa paglabas ni kuya.Minulat ko ang aking mata at tinignan ang phone ko.MAGAALAS-OTSO NA NGA.HINDI AKO PWEDE MA-LATE!

Karipas takbo ako sa cr dala ang twalya ko at binilisan kong maligo.Sinuot ko agad ang uniform ko at pinatayo ang buhok ko bago ako lumabas ng sobrang bilis sa kwarto.Gutom na ako,wala din akong review.

"Ayaw kasi maniwala eh ayan madali ka tuloy"salubong na pananalita ni kuya.Umupo na lang ako sa mesa at kumuha ng ilang pirasong tinapay at pinalamanan ito.Babaunin ko na lang siguro dahil late na nga ako.

"Kuya,una na ko ha.Sorry bye."paalam ko sa kanya.Since bago pa lang ako dito sa bahay.Naglakad pa ako palabas ng subd.Tinignan kong muli ang relo ko at 10 minuto na lang.Nag-para agad ako ng taxi at nagpa-special na.

Nakarating agad ako ng school within 5 minutes.Gulong-gulo na ang buhok ko pero wala na akong paki basta makapasok lang ako.Binilisan ko na lang ang lakad ko pero kahit ganoon ay naririnig ko pa rin ang mga bulungan ng estudyante.

Oh bat wala si bebe Jah sa tabi niya.

Sabi sa inyo girls trip lang yan ni Justin eh.

Buti nga kay ate girl wala na ulit siyang kasama.

Napairap na lang ako sa sinasabi nila.Wala na ba silang ibang mapansin sa akin kundi si Justin?Wala kasi silang alam.

"Oh late ka ata.What happened?"bungad na tanong sa akin ni Jhon pagpasok ko sa room namin.

"Wala napasarap lang tulog ko.Ikaw maaga ka ata?"sabi ko sa kanya.

"Anong maaga halos magkasunod lang tayo kakaupo ko lang nung dumating ka.Btw,you look pretty when your hair is messy."Naalala kong magulo nga pala ang buhok ko.Nakakahiya naman.Tumingin ako sa salamin sa room at tinignan ang sarili ko.Okay medyo maniniwala ako sa kanya dahil ayos naman yung buhok ko pero kailangan ko pa rin ayusin diba.

Habang nag-aayos ako kay sabay-sabay nag-upuan ang mga kaklase ko dahil sa pagdating ni Mrs.Zaragosa.

"Good day,class.Hindi na ako magpapaligoy-ligoy pa.April na ngayon kaya malapit na kayong guma-raduate,so our school will be helding a graduation ball for all graduating courses in this school.You can have a partners for that day.Gabi siya gaganapin pero its your choice if you want to attend.This is the first time that our school will handle an event like this for graduating students.I hope all of you will join.Cherish your moments with your classmates before its too late.Yun lang naman,start na tayo?"at nag-start na nga magklase si Ma'am Zaragosa.Mauuna pa pala ang grad ball kesa sa final examination.First time kong aattend kapag ganon pero ayoko sa parties.Pero sabi nga ni Ma'am,cherish your moments with your classmates before its too late kaya siguro aattend na lang din ako.

Pagkalabas na pagkalabas ni Ma'am ay nagkanya-kanya na ang mga kaklase ko sa pag-uusap about sa grad ball.Ako nag-iisa as usual kaya lumabas na lang ako.Kung nandito lang sana si Justin,siya sana ang partner ko.Edi sana may kasama ako ngayon at hindi na naman ako nag-iisa gaya dati.

Tumungo na ako sa next class ko.I'm about to enter the room pero may tumapilok sa akin.

"Oh my god!Look who's here.A bitch"humagikhik ang mga grupo ng kababaihan sa tabi ng pinto kung saan ako natapilok.Bumuntong-hininga na lang ako at pumasok sa room pero hinawakan niya ako sa braso.

"Ano hindi ka magso-sorry?Look,nadumihan mo ang shoes ko."sabi niya gamit ang nakakairita niyang boses.Boses palaka naman.Kumalas ako sa pagkakahawak niya sa akin.Hina naman pala.

"Ano bang problema mo ha?Tagal na nating magka-klase dito tapos ngayon ka lang mang-aaway."sabi ko habang inayos ang uniform kong nagusot dahil sa kanya.

"Tinanong mo pa kung anong problema ko?IKAW SHANNIE IKAW LANG NAMAN ANG PROBLEMA KO!"sinampal niya ko.Yung mga babaeng kasama niyang medyo naawa sa ginawa niya.Maybe nakikitropa lang sila.Btw?she's Koilee.She's famous in this school because of her looks pero kakaunti lang ang pinakikitaan niya ng tunay niyang ugali.Hindi kasing ganda niya ang ugali niya.Sayang ganda mo,teh.Hindi naman masakit ang pagkakasampal.Masakit pa nga ang hampas sa akin ni kuya.Warfreak ka ghorl?

"Ano ha?Gusto mo pa isa.Lahat na lang inagaw mo sa akin.Si Justin na ang isa don!Ngayon lalandiin mo naman si Jhon?!Akala ko mabait ka,lalabas din naman pala ang kulo mo kapag poging lalaki na yang kaharap mo!"sasampalin na niya sana ako pero isang kamay ang humarang sa kanya.

"Ako sasampal sayo eh.Bakit mo ba siya sinasaktan?" tanong ni Jhon.Anong ginagawa niya dito?

"No!Hindi ako ang nauna siya yon!Tinalisod niya pa nga ako eh.Look at my shoe,here oh."tinuro niya ang sapatos niyang naapakan ko dahil sa pagtalisod niya sa akin.Tinignan lang iyon ni Jhon.As if maniniwala yan noh.

"Jusko ka Koilee.Alikabok lang yan?Ang arte mo.Don't you dare touch her ha.Sasampalin na kita.Papatulin kita sis!"sabi ni Jhon gamit ang pambaklang boses.Oh my god!Bakla kaya talaga siya kaya hindi siya napatol sa girls?

Napatakip na lang ako ng bibig dahil sa naisip ko.Ba't hindi niya sinasabi na bakla siya?

"What the hell Jhon?!Are you a gay?Omg.Girls,he's gay!Back off."lumabas sa room yung mga babaeng pipitchugin at naiwan na lang kami ni Jhon sa room na iyon.

"Bakla ka nga?Ba't di mo naman si-"natigil na naman ako sa pagsasalita ng takpan niya ang bibig ko using his point finger.Wth?

"Tanga 'di ako bading.Straight ako."

"Straight?weh di nga.Eh ano yung kanina.Mas babae ka pang kumilos?Alam mo ayos lang naman na bading ka eh."sabi ko sa kanya at tinusok ko siya sa tagiliran niya.Ah walang kiliti don.

"Hindi nga ako bakla.Ginawa ko yon para layuan nila ako pati ikaw.Halikan kita dyan eh pft."sabi niya sabay labas doon sa room ko.Etong lalaking 'to daming hindi sinasabi.Hinabol ko siya hanggang sa makarating kami sa labas ng building namin.

"Hey!"lumingon siya sa akin at tinignan lang ako.

"Ano papahalik ka sakin?"hinampas ko siya sa braso niya.Tumawa siya sa pinagsasabi niya.Anong nakakatawa don ha.

"Boba!Ahm ano thank you pala.Actually,tinalisod ako ni Koilee pero kaya ko naman yon eh.Pero salamat pa rin ah hehe.Bawi na lang ako.What do you want?a dinner?free food?"tumaas ang kilay niya sa sinabi ko.

"Hmm.Are you sure that you want to pay for that?Kahit ano?"tumango ako dahil nakakahiya kaya yon.Nagbakla-baklaan pa siya to protect me and himself diba.

"Be my date then on our grad ball."iniwan niya akong nakatulala sa labas ng building namin.Naramdaman ko na naman ang kilabot na naramdaman ko noong nandun kami sa kwarto ko kina Jhie.Ano pa nga bang magagawa ko.Kailangan ko na talagang umattend sa party na yon at magiging date ko pa si Jhon that night.

DRUNK|fjsWhere stories live. Discover now