26

375 20 0
                                    

"Kuya!"tawag ko sa lalakingnakaupo sa may sala ng condo ni Jhie habang kumakain ng pandesal na may palamang itlog.Napalingon agad siya sa akin pero bumusangot ang mukha nito at pinagpatuloy ang pagkain.

"Kuya naman eh,sorry na.I miss you."umupo ako sa tabi niya at niyakap ko siya.Ganito yung amoy ni kuya hindi yung amoy lalaking-lalaki kanina hmp.

"Tagal mo kasi eh nagutom tuloy ako buti na lang dinalhan ako nung Jhie."sabi ni kuya Pau habang kumakain.

"Namiss din kita sis.Impake ka na.Alis agad tayo dito."tatayo na sana ako para mag-ayos kaso naalala ko na nasa kwarto ko pala si Jhon.Kailangan kong sabihin kay kuya yung nangyari kagabi huhu.

"Kuya may kukwento pala ko bago ako magayos."sabi ko sa kanya.Nakakahiya ito pero need kong umamin eh.

"What?tell me."englishero na din pala ito.Sosyal naman po.Umupo ako sa tabi niya at kumuha na din ng kinakain niyang tinapay.

"Ano kasi kuya eh,nag-inom ako kagabi."sabi ko na ikana-laki ng mata niya.Uminom siya ng tubig bago siya humarap sa akin.

"Ha?!ba't ka nag-inom ha.Babae ka pa naman.Sino nag-aya sayo uminom ha."sunod-sunod niyang tanong sa akin.

"T-teka po.Wala lang.S-si Justin kasi niyaya ako sa bar tapos makikipag-meet up lang pala don sa best friend niya dati."tumungo ako sa pinagsasabi ko.Kailangan kong tanggapin ang mga gagawin ni kuya sa akin.

"Ha?Yung Justin na kausap mo sa phone mo last time?Tss.Boto pa man din ako don."inirapan ko siya.Hindi naman niya kasalanan eh.Kasalanan ko.Pft.

"Tapos anong nangyari?Nalasing ka tapos para ka ng tanga doon.Tapos inuwi ka naman ni Justin?diba?"umiling ako sa sinabi niya.

"Hindi.Actually,hindi ko alam ang nangyari kay Justin.Kung nasaan siya,hindi ko alam.Wala akong alam sa nangyari."paliwanag ko sa kanya at base sa pagkakakilala ko kay kuya.Nagtitimpi na siya sa akin.Sorry po talaga huhu.

"Eh anong nangyari.Paano ka nakauwi dito?"naalala ko si Jhon na nasa kwarto ko ngayon at naghihintay sa akin.Kailangan ko din sabihin yung ano eh.Napakahirap naman nito!

"Ah wait lang kuya may kukunin lang ako sa kwarto."tumango siya at umalis na ako sa tabi niya.Kailangan namin akuin ang kasalanan namin.Pinihiy ko na ang pinto ay nakita ko si Jhon na nakahiga sa kama ko.

"Huy Jhon.Tara sa labas pakilala ko sayo si kuya."buti na lang ay tumayo siya kaagad at sumama sa akin.

"Ah kuya siya yung nag-uwi sa akin."umupo kami ni Jhon sa kabilang upuan na pang-dalawang tao.Si kuya nananatili pa rin kung saan siya nakaupo kanina.

"Ahhhh.Ba't lalaki?Edi kasama mo siya dito sa bahay.Teka alam ba ni Jhie ito?Alam ba niyang may kasama kang lalaki.Parang kanina wala naman siyang nakwento na may kasama kang lalaki pauwi ha."ratrat na naman niyang tanong.Armalite ka jAm pAwlo!Nanlaki ang mata ni Jhon sa mga narinig niya kay kuya kaya bumulong ako sa kanya.

"Uy yaan mo na yan.Concern lang yan sa akin.Wag kang kabahan dyan."pero parang hindi naman ako niya narinig at nananatili pa ring tulala sa sinabi ni kuya.

"Oh ba't ka bumubulong diyan,Shannie?"halatang galit na si kuya ayon sa pananalita niya.This is it pancit.I need to confess my sin.

"Kuya kasi ano...."tumingin sa akin si Jhon at parang alam na niya ang sasabihin ko kaya yumuko na lang siya at nilarong muli ang mga daliri niya.Tinaasan ako ni kuya ng kilay kaya nag-aantay siya panigurado sa sagot ko.

"Dahil nalasing ako,we kissed."dire-diretso kong sabi.Napayuko na lang ako sa pwedeng gawin ni kuya sa akin pero laking gulat ko ng may marinig akong suntok.Wala naman akong naramdaman kaya sino yung sinuntok niya.Shit.

"KUYA!Wag mo siyang saktan,kuya.Magpapaliwanag ako!"huli na ng mapigilan ko si kuya dahil nasuntok nga niya si Jhon kaya napatumba ito sa sahig.

"PAANO KO 'TO HINDI SASAKTAN HA!SINAMANTALA KA NIYA!SINAMANTALA NIYA ANG PAGLALASING MO!ANONG PALIWANAG-PALIWANAG HA.ALAM KO NA MAY NANGYARI SA INYO KAGABI.IKAW SHANNIE KAPAG NABUNTIS KA-"sinampal ko si kuya.Oo,nasampal ko siya.Kusa na lang gumalaw yung kamay ko para sampalin siya.Kailangan kong ipagtanggol si Jhon dahil wala siyang kasalanan.Kasalanan ko 'to eh.

"Kuya magpapaliwanag kasi ako eh!"nataasan ko na siya ng boses.Nagulat siya sa inasal ko pati naman ako.Tinignan niyang muli si Jhon na hawak-hawak ang mukha niyang nasuntok.Dinuro niya pa ito at bumalik sa kinauupuan niya.Inalalayan ko muna si Jhon na makaupo sa inuupuan namin kanina.

"Kuya ako yung nag-umpisa.Hindi ko alam.Akala ko siya...si Justin.S-sorry.Wala siyang kasalanan kuya.Actually,nagising akong may tape sa bibig.Nakita ko siya sa sahig natulog kuya.Hindi niya ako ginalaw.Ako yung gumalaw.S-sorry kuya."paliwanag ko sa kanya.Kahit kasinungalingan pa iyon gusto kong hindi mapahamak si Jhon dahil sa katangahan ko.I didn't say that we enjoyed that kiss.Malilintikan pa ko.White lies ba.Niyakap ako ni Kuya ng mahigpit bago nagsalita.

"Sorry ha.Wala si kuya para bantayan ka.Sorry,nawala ako.Ba't mo kasi ginawa yun."naiiyak niyang sabi.Siya na lang din ang meron sa akin.Bakit ko sasayangin diba?Niyakap ko nasiya pabalik.

"Bro,sorry.You need ice?I'll buy you.Sorry pre,judgemental ako eh.S-salamat nga pala sa paghatid sa kapatid ko.What's your name,again?sorry."kinausap ni kuya si Jhon na parang walang nangyari at parang matagal ng magkakilala.

"I'm Jhon pero don't worry po sanay po ako sa suntok.You don't need to buy ice for me.Thanks na lang po.I'm sorry din po."nakipagkamay siya kay kuya at tinanggao naman niya iyon.Ngumiti ako sa kanya at bahagya ding ngumiti sa akin si Jhon na para bang nagpapasalamat sa white lies ko kanina.Bumulong ako kay kuya.

"Magkakasundo kayo."then I winked at him.Tumayo na ako at tsaka dumiretso sa kwarto para mag-ayos ng gamit ko.Iniwan ko na lang si Jhon at kuya Pau na mag-usap sa sala.

Naayos ko na ang gamit ko at naabutan ko si kuya at si Jhon na nagtatawanan.Grabe parang hindi na ako kailangan ha.

"Kuya okay na ko tara na?"basag ko sa pagtawa nilang dalawa.

"Oh yeah tara na.Sabay na natin tong si Jhon."lumabas na kaming tatlo sa loob ng condo ni Jhie.Mamimiss ko 'to.

DRUNK|fjsWhere stories live. Discover now